KABANATA 12

1.5K 104 7
                                    

N/A : Sobrang busy ko po nitong nakaraan kaya di ako makapag update araw araw. Pasensya na po.
Hope you can also follow my IG kristellepinedamntflc. Thank you!

**

KABANATA 12

Pinatay ko ang tubig na umaagos mula sa faucet. I looked myself in the mirror. My eyes are little bit swollen. My lips are pale and I look really tired. I sighed.

Kanina after we talk about what he said ay hindi ko pa naibibigay ang buong desisyon ko. Gusto kong maayos muna ang nararamdam nya. The emotion he gave a while ago is very scary. I know coz I’ve seen him  like that years ago. Iyong emosyong hindi papipigil at di paawat.

Kinuha ko ang vanilla lotion na nasa harap ko. Kasama ng ibang amenities na naroon. The scent of Vanilla rose calm me. Hindi katulad kanina na parang pagod na pagod ako sa lahat ng nangyari maghapon.

Nagpahid ako ng kaunti sa buong katawan bago ko isinoot ang aking silk na night dress.

Nang makalabas ako ng bathroom ay inayos ko agad ang aking basang buhok. I didn’t bother to comb it properly.

Tahimik akong lumapit sa lamesa kung saan nakapatong ang aking blower.  Dumiretso ako harap ng tukador.

Habang pinapatuyo ang aking buhok ay napapasulyap ako kay Edward na nakaupo sa dulo ng kama na naroon. Nakabihis na din sya ng gray sweatpant and white v-neck shirt. Nakatitig sya sa repleksyon ko sa salamin.

I smiled at him.

His eyebrow shot up as he looked at me. Uminit ang pisngi ko. Ngayon medyo ayos na kami nakakaramdam na ako ng kaunting kahihiyan sa kanya. After all those years ay marami akong napalambas na pagkakataon sa kanya. Para syang isang estrangherong ngayon ko lamang nakikila.

“Aren’t you tired?” tanong ko nang matapos ako sa pagpapatuyo ng buhok ko. I already ate my dinner kaya diretso tulog na lang ako.

Umupo ako sa kabilang dulo ng kama at pinagsikop ang aking mga kamay. Tinanaw ko ang madilim na dagat sa harapan ng malaking bintana.

“I want to stay here” aniya “with you.”

Uminit lalo ang pisngi ko. As much as I want to stay with him too ay alam kong hindi pwede. Baka magtaka ang mga kaibigan nya kung bakit wala sya roon kasama sila.

“Your friends will find you. We can talk kapag nasa Manila na tayo.” Sabi ko

He tilted his head. The light from the lampshade reaveled his handsome face perfectly. I can properly see his eyes and even his smallest moles on his face.

“Hayaan mo sila. I just want to stay with you tonight."

I bit my lip. Sumampa sya sa kama at hinawakan ang kamay ko. Gusto kong pumikit sa sobrang rahan ng paghawak nya sa akin. Parang ang isang matagal ko ng panaginip ay natupad ng mga sandaling yon.

Pareho naming hinarap ang isa’t isa. The calmness on his face hurt me so much, akala ko ay hindi ko na makikita yon kahit kailan.

Yumuko ako. Narinig ko ang pagsinghap nya kasabay non ang mainit na pagdampi ng labi nya sa likod ng aking palad.

He noded after that. As if he figure out something.

“I miss you.. 8 years, walong taon kitang natiis.” Aniya sa mababang boses.

Pinatong ko ang aking kamay sa kanyang braso. Marahan kong hinaplos iyon, kitang kita ang pag igting ng kanyang mga ugat.

“Do you still have the scars?” I asked.

He noded

“Gusto kong makita..”

Nag aalangan siya, pero ang deterninado kong mga mata ang sumalubong sa kanya.

MayWard : Love without LimitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon