KABANATA 16

1.1K 79 6
                                    

4 Chapters to go

Note : Ang mga naka Italic po ay flashback. Kutulad po sa mga naunang chapters. Salamat po.

KABANATA 16

Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko. Napasin kong malayo na iyon sa kung saan ko sila iniwan.

Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang darili ko at huminga ng malalim. Ilang beses. Paulit ulit hangang makahinga na ako ng maayos.

Tiningnan ko ang aking paligid. Tiningnan ko ang oras sa aking wrist watch. Mag a alas siete na pala ng gabi. Pinasya ko nang sulitin ang araw ko.

Sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa isang Bar sa Makati.

Usok ng sigarilyo, mga sopistikadang mga babaeng at mga lalaking masasabi mong high class sa alta sociedad ang mga parokya ng bar na to.

Inilahad ko ang aking membership card at nagtuloy tuloy na sa loob. Loud bang of music greeted my ears. Dumiresto ako sa bar counter.

Ngumit sa akin ang bartender na naka duty doon.

"Long time no see Ms. Dale" bati ng bartender sa akin.

Tumango ako at ngumiti. Umupo ako.

"Collins" sabi ko. Tumango naman ito at agad kong binigyan ng dalawang baso ng whiskey.

Agad ko iyong ininom. Napapikit ako sa init na gumuhit sa aking lalamunan papunta sa aking tyan.

The bartender gave me another drink. Naging sunod sunod ang pag inom ko hanggang sa hindi ko na malasahan ang iniinom ko.

Mataas ang tolerance ko sa alak kaya't hindi ko alintana ang dami ng iininom ko.

Marami ang lumupit sa akin, somes are trying to hit on me and some are just there watching me drown.

Hindi ko na din pinansin ang paulit ulit na pag ring ng aking cellphone. I indulge my self. Hinayaan kong lamunin ng malakas na tugtog, pinagsamang usok at amoy alak ang aking pandama.

I felt like my life has no direction anymore. Parang isang baso ang buhay ko. Walang laman.

Inabot ko ang aking credit card. Matapos I punch ang aking bill ay naglakad ako papuntang powder room.

Bahagyang umikot ang paligid ko ngunit nakuha ko naming bumawi ng balanse. Ilang tao din ang nakabanggaan ko ngunit di ko yon alintana.

Some guys tries to hold my hands, ngunit tuwing titingin ako ng masama ay agad di naming susuko.

Flirt Assholes.

Umiiling akong nagpatuloy sa paglakad. Iilang beses papasok ng powder room na muntikan na akong matumba. Salamat sa mga pader at nakaya kong makapasok pa doon.

Walang tao doon kaya Malaya kong pinagmasdan ang sarili ko. Medyo namamaga pa ang aking mga mata mula sa pag iyak kanina. Medyo magulo ang aking buhok kaya agad ko iyong inayos gamit ang aking mag daliri. Ilang beses ko iyong pinasadaan. Naglagay din ako ng kaunting lipstick at powder.

May dalawang babae ang pumasok doon. Inayos ko ang aking skirt pagkatapos ay naghugas ng kamay.

"So totoo pala na ikakasal na si Edward? I heard from Hersey that he's planning to get married." Anang babaeng nag aayos ng kanyang buhok.

Kumalabog ang dibdib ko pagkarinig pa lang sa pangalan ng mga taong binanggit nila. Hindi ko maiwasang hindi makinig.

"Hindi ba ang sweet non? Gelay and Edward will finally settled. Kung hindi lang umalis si Gelay papunta New York non siguro hindi sila magkakahiwalay noon.I can see how Edward loves her so much. He waited for her di ba?" maarter sabi nito.

MayWard : Love without LimitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon