KABANATA 6

1.3K 99 6
                                    

KABANATA 6

Malakas ang tawanan namin ng iilang kaklase ko sa ilalim ng punong manga habang nag me merienda sila ng Palitaw na benta ko.

Everyone seems so happy, hindi iniisip ang bawat araw na dumaraan.

Tumawa ng mas malakas sina Jimboy at Jojo sa biro ni Lala. Maging ako ay bahagyang natawa ngunit unti unting napawi yon ng bigla silang natigil sa paglapit ng kaklase naming mukhang labanos sa puti.

“Uy, upo ka pare.” Yaya sa kanya ni Jojo.

Nagtataka akong tumingin sa kanya at naliit ang aking mga mata dahil kalmante itong umpo sa tabi nina Jimboy.

For a months now ay hindi ko sya kinakausap at ganon din naman sya. Madalas ay sa mga kaklase naming lalaki ay doon sya sumasama.

Most of my classmates at kahit mga ka eskwela ay nagpapahiwatig ng matinding pagkakagusto dito.

“What are you eating?” tanong nya kay Jimboy

“Palitaw, Edward. You like?” sagot ni Lala.

Tingnan ito ni Edward, ay kumuha ng alok ni Lala.

Sige subukan mong laitin ang tinda ko at pipilipitin ko yang leeg mo. Sabi ko sa isip ko.

Nag iwas ako ng tingin ng bumaling sya sa akin.

“Masarap” Aniya.

Tumaas lamang ang kilay upang masupil ang pagtaas ng gilid ng aking labi.

“Luto yan ni Maymay, marunong yang magluto.” Pagmamalaki ni Yong.

Ngumiti ako kay Yong at tumango.

Nagpatuloy sila sa usapan. Hindi na ako nakisali sa kanila. Hinayaan ko silang mag kwentuhan.

Nakita kong komportable na ito sa mga kaibigan ko. He laughs at their jokes. He even tell jokes sometimes.

That one lazy afternoon he smiled at me. That one smile started to by another smile.

Noon ay madalas ay simangot ang pambungad nya sa akin, ngayon ay unti unti itong napalitan ng ngiti sa pagdaan ng mga araw.

“Spin the bottle tayo, May!”

“Nako isasali nyo naman ako jan, wag na uy manood na lang ako.” Sabi ko matapos ayusin ang mga perang nakuha sa pagbebenta ng kamote cue sa mga kaklase ko.

“Ang KJ mo naman walang teacher tsaka mamaya pa tayo lalabas.” Ani Shem

Tinaasan nya ako ng kilay at nakangiting hinihintay akong maupo sa tabi nya.

Pumalakpak sila ng sabay sabay ng maupo ako sa tabi nya.

My heart raced ng biglang dumating ang ibang kaklase naming lalaki. Lalo na noong yayain din sila ni Shem at hindi sila tumanggi.

“Ok. Truth or Dare lang ha”

Sa unang beses na umikot ang bote at tumapat it okay Jojo.

“Truth or Dare?” tanong ni Shem

“Dare!” matapang na sagot nya.

Nagbulungan pa ang ang girls at nagtanguan sa isa’t isa.

I can’t help but to laugh with those silly gestures.

“Ok. Yayain mo yung crush mo sa darating na Christmas Ball!” sabay sabay nilang sabi

MayWard : Love without LimitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon