KABANATA 2

1.7K 102 12
                                    

Katulad ng dapat kong gawin ay tinawagan ko ang mga appointment na dapat I confirm para sa araw na iyon. I waited for the CEO to call me hanggang umabot ng lunch pero hindi pa rin nya ako tinatawagan.

Hindi pa naman ako nagugutom kaya itinuloy ko na lang ang pag aayos ng ilang files sa computer ko at naglagay ng din ng sariling password para dito.

Agad akong napalingon ng bumukas ang pintuan ng CEO Office. Lumabas si Sir Edward doon, wala pa din nagbago ang mga mata pa din nya at katulad lang ng kanina. Ni wala akong nakitang palatandaan ng pagkakakilanlan. Tumayo ako para salubungin sya.

"Sir may appointment po kayo kay Mr. Lim this afternoon." Paalala ko sa kanya,

Tumungin sya sa akin saglit tsaka lumakad ulit. Sumunod ako,

"Tawagan mo, tell him that I can't come today dahil may importante akong gagawin ngayon." Aniya

Natigil ako sa paglalakad, nagdadalawang isip ako kung itatanong ko ba kung saan sya pupunta dahil tingin ko ay hindi naman sya aalis, hindi naman nya dala ang suitcase nya.

"Just go back in your cubicle babalik din ako." Sabi nya bago tuluyang pumasok sa elevator.

Pinagmasdan ko syang nakatayo sa loob, nakatingin sya sa kanyang cellphone at hindi alintana kung sino man ang kasama nya sa loob.

Nilalamon ako ng kakaibang pakiramdam, hindi ko maipaliwanag kung ano iyon isa lang ang alam ko natutuwa para doon.

Bumalik ako sa cubicle at tinawagan ulit ang secretary ni Mr. Lim na hindi makakapunta si Sir dahil sa importante kuno nitong gagawin.

"Ano ba naman yan Miss! Ilang beses nyo nang ipina cancel ang appointment ni Mr. Lim nasisira ang araw oras nya sa kakahintay pagkatapos ay bigla nyong ipapa cancel." Inis na sagot ng secretary nito

"I'm sorry for the short notice Miss." Wika ko.

May mga sinabi ito na pinapasabi daw ng boss nya, pero hindi ko alam kung dapat ko pa bang sabihin ito kay Sir Edward dahil masyadong galit si Mr. Lim kaya siguro nito nasabi iyon.

Saktong pagkababa ko ng telepono ay ang pagpasok naman ulit ni Sir Edward kasama ang isang matangkad na babae. Sopistikada itong lumakad sa hallway na para bang isang Beauty Queen.

I almost drop my jaw nang makita ko kung paano nya hawakan ng braso ni Sir Edward. I can feel the harsh beat of my heart.

Tumigil sila sa harap ko.

"Pakikuha sa table ko yung mga papers na ipapa compile ko. I need it asap tomorrow morning." Ani Sir 

At bilang secretary nito sa tumango ako kahit na parang nanginginig ang dalawang mga binti ko. Sumunod ako sa kanila sa loob at agad na pinagbuksan sila ng pintuan. Dumiretso ako sa kanyang table kung nasaan ang napaka raming tumpok ng papel, ang iba ay puno pa yata ng alikabok.

"I already talked with Mr. Lim, Sir and informed him about the appointment."

Umupo sya sa sofa kasama ng babae at tiningnan ako.

"Nagalit ba sya?" tanong nya

Gusto ko sanang pumalatak at ngumiti ng naasar.

Obviously galit yung tao dahil ilang beses mo na palang ipinacancel ang appointment mo sa kanya

Pero sinarili ko na lang ang pag iisip na iyon.

"Yes Sir, nagalit sya but he still asking kung kailan matutuloy ang meeting nyo."

Tumawa sya ng mahina. Napapikit ako ng bahagya sa ginawa nyang iyon. Sumagi na naman sa isip ko kung gaano kasarap pakinggan ang tawa nyang iyon.

"Your making fun of Don, Baby" anang babaeng kasama nya.

Lihim akong ngumiwi. Muntik na akong mag react sa sinabi nya. Dati ako ang tumatawag sa kanya ng ganon. Ganon ang tawagan namin dati.

Isang bagay na pinaka ingatan ko, alaala na sobrang sarap balikan at ang hirap pakawalan pero heto sya wala na talagang halaga sa kanya.

Gusto ko tuloy mamuhi sa sarili ko dahil napaka tanga ko dahil binabalikan ko na naman at tinotorture ko na naman ang sarili ko sa pag iisip habang sya ay komportableng naka upo at nakakaya ng balewalain lahat ng bagay na minsan naming pinagsamahan.

Nagpaalam ako para gawin na sa labas ang mga pinapa compile nya dahil ayokong gabihin masyado. Pagod ako kahit hindi naman nakakapagod iyon ginawa ko sa araw na ito.

Siguro ang isip ko, siguro napagod ito sa biglang pagsariwa sa mga bagay na matagal na panahon ko nang ibinaon.

Napagod ang buong sistema ko sa kakatanong ng what if's mula kanina. Dahil kahit naman naka move on na ko at naka move on na sya ay hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko what if that accident didn't happened years ago? What if we didn't run away that time? What if I didn't left him that night? What if I stayed? But those are what if's. Habang buhay na tanong na kahit kailan ay hindi ko mahahanapan ng sagot.

Wala kaming closure dalawa pero hindi na mahalaga yon ngayon, kita ko naman na masaya sya.

Pabagsak kong inilapag sa mesa ko ang mga papel na dala ko, hindi biro ang dami at ang bigat ng mga iyon. Gusto kong maluha dahil siguradong aabutan ako ng gabi dahil sa dami ng mga iyon.

Pinagtyagaan ko na lang ang mga biscuit na nasa bag ko dahil tinatamad na akong bumaba para kumain ng tanghalian, iniisip ko ang oras na masasayang ko kapag bumaba pa ako at kumain sa canteen.

Patingin tingin din ako sa pintuan kung kelan lalabas sina Sir Edward at ang babaeng kasama nito. Wala yata silang balak lumabas dahil nauna na silang nagpahatid ng makakain. Wala pa ko sa kalahati ng mga ginagawa ko at ngalay na ngalay na ako. Dumating ang oras ng uwian, nawalan na talaga ako ng pag asang makauwi ng maaga dahil sa dami pa nitong ginagawa ko.

Bumukas ang pintuan ng Office. Lumabas sila galing sa loob, pareho na nila bitbit ang kanilang mga gamit.

Lumapit si Sir Edward sa harap ko, sinuri nya ang mga ginawa ko.

"Don't forget that I need that compiled papers tomorrow." Aniya

"Yes, Sir. Susubukan ko pong tapusin ito ngayon." Sabi ko

"Don't try, I badly need that bukas din. Morning" mariing tugon nya,

I almost lost my patience , kung sa kanya ko kaya ipatapos tong tambak na mga papel nato!

But then, wala naman akong magagawa trabaho ito, parte ito ng trabaho ko.

Huminga ako ng malalim at tumango sa kanya. Pinasadaan nya ulit ako ng tingin bago sya tumalikod. Pinanood ko silang magkasabay na maglakad. Para akong nanonood ng pelikula at silang dalawa ang bida.

Move on kana May di ba? Kaya ipagpatuloy mo na iyang ginagawa mo at tigilan mo na ang panonood sa kanila na para bang inagawan ka ng jowa

Kinastigo ko ang aking sarili at frustrated na ipinagpatuloy ang ginagawa ko.

Kung may pera lang ako ay hindi na ko papasok bilang secretary dito. Nakaka bitter magtrabaho tuwing nakikita ko sya. Napaka daya ng buhay dahil habang sya ay milya milya ang iniunlad ng buhay, ako ay parang isang step lang ang narating. I graduated but still heto baon na baon pa din sa utang. Kinakailangan ko pa din kumayod kalabaw katulad ng dati. Akala ko kapag nakapag tapos ako ay magagawa ko ng maiahon ang buhay ko kahit papano pero parang baliktad. Parang mas lalo yatang mas maging mahirap kesa noon.

Dugo at pawis ko ang kinakailangan ibigay para may makain kami ng mga kapatid ko samantalang sya ay kahit walang gawin at kahit hindi magtrabaho ay may kikitain sya.

Sana ganon. Sana noong maghiwalay kaming dalawa parehong naging mabait ang tadhana. Sana pareho kaming binilatuhan ng swerte. Yung sana ako din ay binigyan ng pagkakataong umunlad din ang buhay. Baka kung ganon, baka siguro nakaya ko. Baka siguro may nagawa ako. Baka siguro hindi ganito. 

MayWard : Love without LimitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon