Alia's Note: Hi! This is for those who read Tricked and Selfless. I know this sounds disappointing but I'd like you to know that I might seldom update Selfless. This is due to my hectic sched nowadays and I need to focus on my dreams in the near future. I will quickly update and finish Tricked and please expect that this will end by January or February next year. And after that, Selfless.
Thank you!
---------------
Chapter 23
To Be With Him
Hapon na ng makabalik kami ni Travis sa hacienda. Nadatnan namin doon si abuela na may bitbit na puro mga damit ng mga bata. Kausap niya sina Zia at Xander. If Zia's face was pinking and blushing, Xander's face was full of proud and happiness. Parang walang mapasidlan ang kaligayahan niya ngayon. Kumikislap ang mukha nila pareho.
"Abuela," Travis greeted while his arms was on my shoulder. Humiwalay siya sa akin at nakangiting hinalikan ang kaniyang lola sa pisngi bago muling lumapit sa akin at pinulupot ang kaniyang bisig sa aking balikat.
"O, Travis, maupo ka na rin dito at nang marinig mo ang mga sinasabi ko sa Kuya Xander mo."
Mapagtanong ko pa na binalingan si Travis dahil nagtataka kami kung ano'ng gusto niyang pakinggan ni Travis.
Pumaywang na ang lola niya. "Ano ba? Malamang, kung pa'no mag-alaga ng baby!"
Kung wala lang talagang nakadikit sa panga ko, baka nalaglag na nang tuluyan sa sahig ang panga ko! Hindi ko na halos maaninag ang mukha ng kaniyang lola pero naririnig ko ang malakas na tawa ni Travis.
"Sure, abuela! Teach us also how to make a baby---"
"Sira ka!" asik ko at malakas na siniko si Travis sa tiyan. Naririnig ko na rin ang tawanan ng kaniyang abuela, ni Zia at ni Xander. Tinakpan ko na ang aking mukha dala ng kahihiyan. Buwisit na Travis 'to. Napakapilyo talaga!
Naramdaman ko na lang na hinawakan ni Travis ang aking ulo at tinungo sa kaniyang dibdib. Sinubsob ko na lang ang mukha ko ro'n dala ng kahihiyan.
"Oo nga pala." tiningala ko si Travis na nagsalitang muli. "We should better get going. May pasok pa kami ni Natalie bukas."
Bigla akong nanlambot. Uuwi na kami?
"Are you sure, Travis?" narinig kong tanong ni Zia. "Pagabi na. Baka, hindi mo kayanin ang biyahe. Malayo pa naman ang Alabang. Besides, kakagaling mo pa lang sa aksidente."
"And you're really concern about that ass shit, Zia?" nang lumayo na ako kay Travis ay nakita kong magkasalubong ang kilay ni Xander kay Zia. Tinawanan lamang siya nito at hinalikan sa labi. Napasinghap ako't napangiti. Nakakakilig talaga silang dalawa!
"Kayo talagang dalawa," napapailing na sambit ng kanilang abuela. "Pero, Travis, parang hindi naman yata tama na bibiyahe kayong dal'wa ni Natalie," nag-aalalang sabi nito.
Travis smiled. "If I were to choose, I will extend my vacay with Natalie here. But I've promised to Uncle. Kailangan kong iuwi si Natalie sa kanila bago mag-gabi."
Naantig naman ang puso ko. I couldn't imagine that he really kept his promise from my Dad.
"Kaya mo na ba? If you want, Xander can offer you a ride," sunod na namang sinabi ni Zia.
Nanlaki ang mga mata ni Xander. "What? I wouldn't! Ano ako, chaperon nila---aw!"
Tumigil siya sa pagrereklamo nang kurutin siya ni Zia at tinaasan ng kilay. Tumawa tuloy kaming tatlo nila abuela.
BINABASA MO ANG
Tricked (Montenegro Series #1)
RomanceItinuloy pa rin ni Natalie Herrera ang pakikipag-relasyon kay Tristan Montenegro kahit na alam niyang pinagkasundo na ito sa ibang babae. She can't do anything about it because she knows how it is important for him his father's approval and attentio...