Chapter 18
More
After we had that fight, Travis didn't talk to me since, then.
Halos tatlong araw na rin siyang hindi nagpaparamdam. I'm always checking my Messenger application if he will be leaving his usual messages pero wala. Minsan ay ganito siya. Last week nga'y hindi siya nagparamdam sa akin. Pero, kalahating araw lamang iyon.
But this? Tatlong araw na ang nakakalipas at wala pa rin siyang message sa akin!
I'm attempting myself to contact him for the said days but I don't know. I am always get tensed and tongue-tied. Damn, ko-contact-in ko lang naman siya pero ba't hirap na hirap ako!
"Natalie, 'uy, nakikinig ka ba?"
I snapped back when I heard Edna's voice. I couldn't redeem myself back immediately dahil natanto kong nasa Pavilion pala kami't kumakain at ang lakas ng aking loob na tumunganga sa wala!
"S-Sorry..." I said shyly and hastily flipped the pages of the book I was holding.
Gagawa kasi kami ngayon ng presentation sa report namin sa isa naming subject sa Architecture. Edna was busy discussing her ideas about the topic that was assigned to us. Not knowing that my mind is fled to nowhere.
At the corner of my eyes, Edna's face crumpled. Gusto ko tuloy sampalin ang aking sarili. Natalie, you've been like this these past few days!
"You know what, Natalie, alam kong minsan, natutulala ka nang walang dahilan. Pero, malala na yata 'tong nangyayari sa 'yo. Masyado kang disoriented sa lahat ng bagay," she commented.
Doon na ako napatingin sa kaniya. Noong nagkakaproblema kami ni Tristan, my mind is drifting away. Pero, madali kong naibabalik ang composure ko. Ganoon kasi ako. Hindi ko hinahayaan na masyadong lamunin ng problema ko ang normal kong pamumuhay.
Which is different right now. I felt so sick and tired but I am not. I was preoccuppied with what had happened on us with Travis. Nanunuot pa rin kasi sa aking isip ang lahat ng sinabi niya, maging ang reaksyon niya. I don't want to dig deeper, but I know he's not lying on me. Because I felt that day that I've hurt him so much...
"Sorry talaga..." pagpapaumanhin ko ulit.
Edna exhaled, then, she shook her head. "Actually, I was trying to understand your situation right now. Because we are in the similar situation, Natalie."
Ako naman ngayon ang napakunot ang noo. "Bakit?"
Muli siyang napabuga ng hangin. "Si Vic kasi, hindi ko alam kung magtatagal kami..."
Vic? Sinong Vic?
"Nakita mo na si Vic," sagot niya sa tanong na naglalaro sa isip ko. "Siya iyong hi-nire ni Dad na maging driver ko."
"O, shit!" malakas na bulaslas ko.
Bigla akong pinandilatan ni Edna sa reaksyon ko. Lalo tuloy akong nahiya nang magsilingunan ang lahat ng kumakain sa Pavilion. Napangiwi tuloy ako.
Binalikan kong muli si Edna na ngayo'y namumula na ang pisngi. "Seryoso?"
Tumango si Edna.
"T-teka..." naguguluhan ko siyang tinignan. "...p-pa'no'ng naging kayo?"
She hushed me out. "H'wag kang maingay! Walang nakakaalam no'n. Sa 'yo ko lang pinaalam dahil bestfriend kita!"
"Sorry," hininaan ko agad ang aking boses.
Nakahinga siya nang maluwag. "Walang nakakaalam na naging kami," bulong niya. Napayuko tuloy ako at ginaya naman niya ako.
"Hindi naman sinasadya ang lahat. Actually, ako ang unang nanligaw sa kaniya. Crush ko kasi siya." her face flushed even more.
BINABASA MO ANG
Tricked (Montenegro Series #1)
RomansaItinuloy pa rin ni Natalie Herrera ang pakikipag-relasyon kay Tristan Montenegro kahit na alam niyang pinagkasundo na ito sa ibang babae. She can't do anything about it because she knows how it is important for him his father's approval and attentio...