Chapter 21
Nahulog
Travis whipped the rope of the horse. The horse neighed everytime he done that. If I were dense, hindi ko siguro mahahalata na itong lokong 'to, sinasadyang nilalapit talaga sa akin ang katawan niyang hubad ang itaas upang ipadama sa akin kung gaano katigas at kung gaano kainit iyon.
Malandi talaga.
"Ang sarap ng puwesto ko..." namamaos niyang bulong sa aking punung-tainga. Mahina ko siyang sinikmuraan.
"Tumigil ka nga," I snarled and shot him a glare.
"Bakit? Ayaw mo ba? O, sige, dito ka naman sa likod ko mamaya. Para maramdaman ko kung ga'no kalambot ang boobs mo sa likod ko---"
Sinikmuraan ko nga ulit!
Narinig ko ang pagsabog ng halakhak niya sa aking tainga. Milyung-milyo boltahe ng kuryente ang bumalot sa aking katawan. Damn it. Damn this affection for this guy!
Nasa pagitan ako ng mga bisig ni Travis kaya't kulong na kulong ako sa kaniyang mainit na katawan. Hawak naman niya ang lubid at minamaniobra si Fuego.
To be honest, at first, I've been feared at the fact that I will be riding on a horse. Pero saglit lang. Because Travis Zaryck Garcia will never let me fall down from him. And I'd be wanting to learn how to ride this one.
"May mga nakatira pala rito?" saad ko habang nililinga ang paligid. Kita ko ang mga iilang kabahayan na nagkalat sa paligid. Payak na payak lamang iyong mga bahay at mukhang simple lang ang mga namumuhay. Kumakaway pa sila sa amin sa tuwing dumaraan kami. Animo'y mga sikat na artista talaga kami na may mga bitbit na posters at ibabato iyon sa kanila.
Sinilip ko siya at nakita ko siyang tumango. "Mga katiwala iyan ni Abuela. They let them live here. Sila ang nangangalaga sa produksyon namin ng cocoa."
"Iyon ba primarily ang business ng family n'yo?"
"Not only. We also have plantation of coconuts, and pineapple. But we're importing and exporting most likely the cocoa because it is more expensive than the three."
Huminto kami sa isang bundok doon. Sa ilalim kami ng puno ng mangga kami nagpalilim. Ngayon ko lang napansin ang mga nagkalat na pawis sa katawan ni Travis. Nagmumukha tuloy na nilalangis ang katawan niya, but he smelled so good still...
Itinali niya si Fuego sa puno at hinayaan na kumain iyon ng mga damo. I sat on the Bermuda and Travis sat next to mine.
"Hanggang saan kalawak ang lupain n'yo, Trav?" I asked suddenly. Ngayon ko lang napansin na ang layo ng itinakbo namin gamit ng kaniyang kabayo.
"Thirty hectares?"
My jaw literally dropped-off. Ilang beses pa 'kong nagpakurap-kurap bago nanuot sa isip ko ang sinabi niya. "Are you... serious?"
"Actually, I really don't know if it is thirty. 'Coz abuela told me that she brought another fifty hectares---"
"Seryoso ka ba?" tili ko na sa kaniya, namimilog ang mga mata.
I have never been in land property before. But my Dad would really friggin' want to buy a land someday because he wants to have a plantation business. Malaki na nga ang twenty-four hectares na balak niyang bilhin sa Batangas, eh. But eighty all in all hectares? And Travis will one of those heir that will inherit their land property? Isa na talaga siyang batang don ngayon pa lang...
Travis smirked. "Bakit ba gulat na gulat ka, prinsesa?"
"Wala naman... I mean, wow, puwede ka nang magpatayo ng dalawang malls dito kung sakali."
BINABASA MO ANG
Tricked (Montenegro Series #1)
RomanceItinuloy pa rin ni Natalie Herrera ang pakikipag-relasyon kay Tristan Montenegro kahit na alam niyang pinagkasundo na ito sa ibang babae. She can't do anything about it because she knows how it is important for him his father's approval and attentio...