Chapter 36

7.8K 175 16
                                    




Chapter 36          

Spark of Hope

She's a difficult girl to understand. Iyan ang unang pumasok sa aking isip nang malaman ang tungkol kay Natalie Herrera, base na rin sa mga nakalap kong impormasyon. Hindi ko alam kung bakit ako nagkaroon ng interes na malaman ang tungkol sa kaniya, e, sa una palang, wala rin naman akong mahihita na kahit na ano, na ngayon ko lang din natanto. Shit.

She may like Tristan but how about Tristan? Does he have any feelings for that Herrera girl?

Nagmasid ako sa kalayuan. Sa dami ng nalaman ko sa pinsan ni Irwin, hinintay ko ang araw na magkakaroon ng practice game ang team nila Tristan at team namin nila Danger. Gusto ko kasing pag-aralan kung mayroon ngang tinatawag na 'something' sa kanilang dalawa. I know it would sound creepy but if this works, I'll scream eureka, swear.

"Hindi ka ba maglalaro?" ang tanong sa akin ni Danger noong tumabi siya sa akin pag-upo niya. Naghahabol siya ang paghinga dala ng warm-up niya, kanina.

I shook my head on him. "Nah," I answered, boringly.

I really don't have any interest to play right now. Baka, ikagulat pa ng Tristan na 'yon ang kaya kong gawin. Sayang, kung hindi lang ako focus sa pagmamasid, talagang ipapahiya ko siya sa lahat. Ilalampaso ko siya. Mas matangkad ako ro'n.

I roamed around the corners of this wide basketball court in this subdivision. Tanging kami pa lang na mga juniors ang narito. Wala pa ang seniors. Tsk. Mga pa-importante.

After thirty minutes, they arrived, finally. Hinagilap ko agad kung nariyan na ba ang target ko. At hindi naman ako nabigo.

Tristan Montenegro was walking with his sports bag at the right side of his arm. Katabi niya ang pinsang lalake ni Irwin na si Napoleon at ang mga ka-team mate niya.

Ngumisi ako nang lihim. I just need the girl in this scene and I'll watch them, secretively.

"Sino'ng hinahanap mo?"

Nahinto lang ako sa paghahagilap nang balingan ko na si Irwin. Nilapag niya ang kaniyang itim na  bag sa isang gilid at umupo. Si Danger naman, sa gilid ng tingin ko, ay binalingan na rin si Irwin.

I smirked. "Your cousin," I teasingly said.

Half-true. I was really looking for his girl cousin for my own intentions. The other half, I want to piss him off, as usual.

"Don't you dare flirt with her," he said in an ice tone.

I laughed now. "I'm just joking here, Ir. Loosen up, yah know."

Nag-warm-up na kami lahat-lahat at nagbigay na ng instructions si Danger para sa game play namin pero, wala pa rin siya. Dammit.

Natiglan lang kaming lahat nang narinig ko na ang hiyawan at sipulan ng mga lalake sa likod ko. There, I saw her, finally, together with Sheree. Dahil ngayon ko lang nakitang naka-lugay si Natalie Herrera, umawang agad ang labi ko nang makita ko ang makapal niyang itim na buhok na matuwid ang bagsak. Kitang-kita ko tuloy ang bawat hibla noon na sumasabay sa ihip ng hangin. She walked like she's a beauty queen contestant because of her long sleek legs. Her denim jumper with white turtleneck shirt inside really suits to her.  

I brushed my thoughts away on her. Why praising her beauty, Travis?

Palihim kong pinagmasdan ang pagpunta niya sa grupo ni Tristan. Pansin ko agad ang pamumula niya at ang pag-tense ng kaniyang katawan nang malapit sa proximity niya si Tristan. Hindi siya pinapansin nito pero panay ang sulyap niya nang pasikreto kay Tristan habang kinakausap si Napoleon.

Tricked (Montenegro Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon