Chapter 11

7.1K 164 3
                                    




Alia's Note: papangunahan ko na kayo. Ito po ay flashback. Hehe.

----------

Chapter 11

Palad

"Ano 'yan, Sheree?!"

Nanlalaki ang mga mata ko habang pilit na nilalapat ni Sheree ang brush sa aming mukha na may pink blush on. Nasa Grade Seven pa lamang kami ngunit sobrang hilig na nitong si Sheree sa mga make-ups! Napansin ko na may pagka-kikay siya noong mga bata pa lamang kami. Madalas kasi niyang ayusan ang mga Barbie dolls namin noon. Hindi ko naman akalain na masyado niyang nilinang ang sarili niya sa ganoong bagay!

Pinaikot ni Sheree ang eyeballs niya. "Blush on, like hello, 'cuz!"

Alam ko naman iyon, hindi naman ako engot. Kaya lamang, ang sabi ni Mum sa amin, hindi pa muna kami puwede sa mga make-ups dahil masyado pang bata ang mga kutis namin. Mestizo ang pamilya namin kaya kahit na walang make-ups, okay lang. Kaya lamang, itong si Sheree, gusto yata na may kolorete na kami sa mukha sa murang edad. Hindi na nakuntento ang pinsan kong ito!

Napangiwi naman ako. "Alam ko, 'no? Pero, hindi ba, ka-bilin-bilinan ni Mum na hindi tayo puwede sa make-ups pa?"

Winagayway niya ang kaniyang kamay na hawak ang brush. "I know that, alright? But this brand of make-up is hypo-allergenic. It will not irritate your sensitive skin, you know? At saka, ano ka ba, ang putla kaya ng mukha mo, ano? You don't even put some lip balm on your dry lips!" sita niya.

Ako naman ang umirap. Para kasi sa akin, aksaya lang ng oras ang mag-ayos. Kinakain lamang ng oras mo ang paglalagay ng kung ano-ano sa mukha. Wala na akong nagawa nang sinimulan na niyang pasadahan ng make-up ang mukha ko. Ilang oras din ang tinagal noon bago ko nakita ang resulta sa salamin.

Halos malaglag ang panga ko sa lupa nang makita ang hitsura ko. Plakado ang aking kilay na nilagyan niya ng kulay light brown eyebrow. Naka-kurba ang mga pilik-mata ko at naging malambot at lasang strawberry ang labi ko dala ng lipbalm.

Napahaplos ako sa aking pisngi. Namangha ako sa kinang ng aking mukha. May igaganda pala ako?

Iniharap ni Sheree ang upuan ko. Maging siya ay namangha sa ganda na tumambad sa kaniya. Tumili siya at niyakap ako. "See! Sabi ko sa iyo, eh." tumawa siya. "You're beautiful, Natalie," sambit niya sa paghanga.

Naramdaman ko ang pag-apoy ng pisngi ko. "Grabe, hindi naman. Ikaw rin kaya, ano?"

Humalakhak naman ang pinsan ko. Yes, Sheree was very beautiful. With her soft, shiny black hair, curled eyelashes, deep ebony eyes, pointed nose and Cupid's bow lips, many guys would swoon over her gorgeous beauty. Mas lalong nagpapadagdag ang nunal malapit sa labi niya. Para sa akin, mas maganda itong si Sheree.

Napailing lang siya sa akin. "Araw-araw ka kasing mag-ayos. Ikaw rin, hindi ka mapapansin ng Montenegro'ng iyon."

Natahimik ako sa sinabi niya at napangiwi. Alam ng pinsan kong ito ang hindi matawarang paghanga ko kay Tristan Montenegro, ang pinaka-crush ko sa school. Classmate siya ni Kuya Third at parehas na silang Grade Eleven. Nagsimula ang pagkagusto ko kay Tristan dahil sa malimit niyang pagpunta sa aming bahay. Madalas kasi silang magkagrupo ni Kuya. Bukod pa roon, iisa kami ng school na pinapasukan. Hindi naging mahirap ang mahulog ako sa taong iyon. Ang problema, ako lang din ang nakakaalam ng nararamdaman ko para sa kaniya.

Madalas din iyong nandito sa bahay dahil na rin madalas silang magka-grupo. Hindi alam ni Kuya Third pero gusto ko siyang pasalamatan nang malaki dahil na rin siya ang gumagawa ng daan para maglapit kami ni Tristan.

Bumuntong-hininga ako at malungkot siyang nginitian. "Hindi naman ako mapapansin noon, eh. May girlfriend kaya iyon."

Hindi ko naman iyon nakumpirma ngunit ang sabi-sabi ay may girlfriend na raw iyon.

Tricked (Montenegro Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon