Chapter 38

5.7K 181 9
                                    


Sa mga nakabasa na ng ISMW, may ilang scenes nang nasabi doon na konektado rito. H'wag kayong maniwala roon. Hahaha! Babaguhin ko pa ang timeline no'ng story. So, if you found that the scene is familiar, is when because when I've done ISMW, I connected it with the timeline for Tricked.

TY.

Chapter 38

Pain

"Bakit mo pa ba pinapunta 'yan dito, ate?" Tristan said in angry tone.

We were outside of the ICU room because the doctors and nurses were checking the old man's vital signs. We were requested to wait here until their further notice. Hindi raw kinaya ng matanda ang sobrang stress na nangyari kanina kaya kinapos siya ng paghinga.

"It was Dad's request," Trinity replied, "He wants to see Travis, so, I looked after him."

Pinagmasdan ko ang dalawang nagtatalo sa harapan ko habang ako'y nakaupo. Balak ko sanang sagutin ang lalakeng 'to. Bakit? Akala niya ba, gusto kong nandito ako? Kung hindi dahil sa lalakeng 'yon, sana, nasa Amerika na 'ko ngayon at napuntahan ko na ang prinsesa ko. Pero, dahil nakiusap sa akin si Trinity, nagpakita pa rin ako, bilang respeto na lang sa kaniya na kapatid ko.

I heard Tristan grinned. He shook his head. "At pinapunta mo rin? Kaya lang siya pinapunta ni Dad ay para makita ni Dad kung siya nga ba 'yong nawawalang anak niya. Baka, umasa pa 'yan ng kung ano man kay Dad."

Nag-igting nang kusa ang panga ko. Ako, aasa ako na baka may maibigay sa akin ang matandang 'yon? Nagpapatawa yata ang tangang 'to.

Nginisihan ko siya nang mala-demonyo. Asarin ko nga 'to. Nag-angat na ako sa kanila ng tingin. "Kindly elaborate to me on what you've said. That 'kung ano man'?"

Natigilan siya at mabagal akong nilingunan. Ang pait sa kaniyang mga mata'y nag-aalab na parang nagniningas na kahoy.

"The reason why you really want to be here is for you to ask if you can have the riches of our family, am I right?"

Insult washed over me. Ang lutong pa ng pagkakasabi. Fuck, this man has brains!

Trinity pulled the hem of his shirt. "Tristan, stop," she warned dangerously.

I smirked and looked at him boastfully. "Yes. Mukhang mamamatay na, eh. Magkano ba'ng makukuha ko sa kaniya?"

Agad akong napaiwas ng sumigaw siya sa pikon at aambahan na sapakin ako. Humarang si Trinity sa harapan niya. Tsk, mahina talaga.

Dinuro pa ako. "Fuck you! You're such a fucker to begin with! You're a leech to our family! A stain---"

Natulala kaming pareho ni Tristan nang sampalin na siya nang malutong ni Trinity. Rinig na rinig ko ang lakas ng impact ng sampal na nagawa niya kay Tristan. Her eyes were sharp as she glared at Tristan.

"Stop this, Tristan! Stop insulting Travis! Please! He's your brother! He's Dad's son!" her voice shook in fury.

"From other woman!" Tristan shouted back as it echoed all over the hallway. "He's the fucked up in the family, ate!"

"I said, stop it!"

I stood up quickly. My bet is right. This would end up, this way.

"Travis, where are you going?" mabilis na tanong ni Trinity.

"To America," I replied simply. Tristan flinched instantly. Mukhang may alam, ah?

Nilapitan kaagad ako ni Trinity at kumapit sa suot kong tee-shirt. "Travis naman. Dad's in bad condition. Please, ipagpaliban mo muna 'yan," mariing pakiusap niya.

Tricked (Montenegro Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon