LMLY: 5

150 6 0
                                    

Big bang Top as Yllan Clark

Yllan's POV

Palabas palang kami ng Classroom namin sa last subject namin ng makita naming dumaan si Czayrina, yung kapatid ni Paul na sobrang taray pero sobrang ganda. Tinatawag din namin yung pangalan niya pero ni isang lingon ay hindi niya binigay samin. Sanay na kami. She treats us differently pero kapag kasama niya yung mga kaibigan niya ibang iba siya and I hate it. Wala naman kaming nagawa sakanya para itrato niya kaming iba.

"Si Czay yun diba? Bakit hindi niya tayo pinansin?" Tanong ni Kristoff na ngayon ay may kalandian na namang babae. Babaero talaga!

"What's new? Kelan niya pa tayo pinansin ng voluntarily?" Saad naman ni Lance na ngayon ay nakabusangot na naman. Hindi na ako nagtaka kung bakit ni isa wala pa siyang naging girlfriend. Tinataboy niya kasi kung may lumalapit sakanya. Kung ikukumpara siya kanila Ranz at Kristoff ay walang wala siya pagdating sa babae. Naniniwala daw kasi siyang "dadating din yung para sakanya sa tamang panahon"

Anong kayang gagawin niya dito sa Nursing building ng ganitong oras? Alas kwatro na at wala ng estudyante ang nagkla klase, malamang ay nagsi uwian na yung mga yun.

"Eh kung sundan kaya natin siya? She's alone baka kung may mangyari sakanya. Babae pa din siya" sabi ni Mickho habang naka pamulsa. Nagdadalawang isip pa ako kung susundan ba namin siya. What if ipagtabuyan na naman niya ako I mean kami? Mapapahiya lang ego namin dun kung sakali.

"No we won't meddle with her business. Baka ipagtabuyan niya lang tayo like she always do. Tara na. Sabihin nalang natin kay Kuya Paul that we saw her" matabang na saad ko. Tumalikod na ako para magsimula nang maglakad pero nakaka ilang hakbang palang ako ay may narinig na kaming matinis na sigaw ng isang babae. Base on her voice, it's Czayrina! Holy cow!

"Oh crap! That's her" sigaw ni Kristoff. Mabilis niyang kinalas yung braso ng babaeng nakapulupot sa bewang niya at agad na tumakbo papunta sa Rooftop ng building na to. Agad din akong nakipag unahan sa pagtakbo papunta sakanya.

Nang makarating kami doon ay nakita namin ang apat na lalaking nakabantay sa pintuan ng rooftop. Namumukhaan ko sila. Mga kaibigan to nung David na manliligaw ni Czayrina.

"Kung sana sinagot mo na ako noon pa man ay hindi na ito mangyayari sayo. It's payback time"- David.
Oh shit! Damn it!

While punching one of his friends I overheard it. It makes me punch his face so hard before he lost his consciousness.

Sa sobrang gigil ko ay nasira ko yung pintuan ng rooftop, nang makita ko yung David ay agad ko itong pinaulanan ng suntok sa mukha niya. Mas lalo akong nang galaiti ng makita ko yung itsura ni Czayrina. How her toes and hands shake in fear, and how her face covered with her own tears. Dang it!

Nung nakuntento ako sa ginawa ko gagong yun ay agad na akong lumapit kay Czay. Bakas na bakas sa mukha niya ang takot. Kahit na gulo-gulo na yung buhok niya at pawis na pawis siya ay sobrang ganda niya pa din. We've been friends with Paul for almost 5 years at ngayon ko lang nahawakan at nakita siya ng malapitan. And I salute those people who knows how to handle their feelings towards this Angel in front of me. Lalo na yung kaibigan niyang Mara/Marcky kahit na bading yun ay lalaki pa din yun. And I hate how they become so sweet in front of everyone. In front of me.

Let Me Love You(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon