LMLY: 30

97 8 0
                                    

"Your friends are so loud! I really cant believe you" pagmamaktol ni Noel saakin. Habang nakatakip yung dalawa niyang kamay sa magkabila niyang tenga.

Pati si Angelo ay kanina pa nakabusangot na nakatingin sa mga kaibigan kong hindi magkamayaw sa pagsigaw dahil sa pinapanood nilang The Purge 2018 na horror movie.

Pati sina Kristoff at Ranz na hindi naman takot sa mga panood na ganyan ay napapasigaw dahil sa gulat.

Ranz and Cloud are hugging. Mickho was back hugging Mara who is busy dying. Kristoff is with someone again. Kelan kaya ito magbabago?

Halos araw araw nalang talaga ay iba iba ang mga kasama niya. Para lang siyang nagpapalit ng damit kung makapag palit ng babae.

And Lance he is nowhere to be found. Hindi na din naman ako nagtaka na wala si Yllan kasi nagtext siya kanina na mamayang gabi pa siya makakarating. Sa oras ng party.

Sana man lang ay umattend si Lance kahit na masama ang loob niya saakin.

"Let's go out? Marunong ba kayong mag bake or something? I'll help you mixing the ingredients" anang ko.

Tumango silang dalawa at sabay sabay kaming tumayo at lumabas ng entertainment room.

Kami kami lang kasi ang nandito ngayon sa bahay. Sina Mommy at Daddy kasi ay may inasikaso muna sa kompanya habang sina Tita Anj, Tita Nery, at Tito Alex naman ay sila muna ang nag asikaso yung mga dapat ayusin sa hotel.

Kahit naman kaibigan nila Mommy sina Tito Rustom ay hindi sila pumayag na hindi sila magbayad.

Kahit na ilang beses pinilit ni Tito Rustom si Daddy na hindi na magbayad ay hindi talaga sila pumayag.

Business is business ika nga.

"I'll just bake cookies and Noel will be doing some pasta" saad ni Angelo.

Tumango ako at sinamahan siyang maghanap sa ref ng mga kailangan para sa lulutuin nila.

"Do you have a girlfriend?" Curious na tanong ko kay Noel. Sayang naman kasi kung wala. Guwapo pa naman silang pareho.

"No way. That's not my thing. Ask Angelo, maybe he has one" anito. Napailing ako habang nakangiti.

Masyado kasi silang naka focus sa mga career nilang dalawa at halos wala nang time para hanapin si Miss. Right na alam ko namang hindi talag nag-eexist.

"Tss, not my thing too" narinig naman pala niya kami.

Akala ko ay busy siya sa paghiwa nang mga hotdog para sa gagawin niya na pinangalanan niyang Spaghetti ala Noel.

"How about you? Not your thing too?" Pagbabalik nila ng tanong saakin.

I shrugged my shoulders and a picture of Yllan smiling was popped in my fvcking mind! What was that?

"Kinda, but Im letting things flow slowly. I wont force myself for something unless I already accepted the fact that Im in love or something like that" that was a fact. Really a fact.

Katotohanang pati ako ay hindi makapaniwalang lalabas sa bunganga ko.

I hated to be surrounded by people because I was traumatized but something has changed.

And that is on how I interact with other people. On how I let them play a role in my effin life.

"You love that guy last night. I can see through your eyes" dagdag pa ni Angelo.

Napatingin ako sakanya at hindi agad nakasagot.

Do I love Yllan now? Bakit parang gusto kong sumagot nang oo?

Let Me Love You(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon