LMLY: 31

69 4 0
                                    

Kanina pa ako walang imik at parang walang sa sarili pero kapag dumadapo yung kamay ko sa leeg ko ay hindi ko maiwasang mapangiti.

Yllan gave me a Tiffany&Co heart shaped locket necklace.

Yung picture namin nung nasa batangas kami ay nasa loob nito.

He really knows how to make me smile.

Kapag kasi wala ako sa tamang wisyo ko ay hinahaplos ko yung kwintas na bigay niya at parang himala kasi nagagawa kong ngumiti nang walang dahilan.

Nabalik lang ako sa tamang wisyo nung tapikin ako ni Noel sa pisngi ko.

Napatingin ako sa labas ng sasakyan at nakitang nasa airport na pala kami.

He hold my hand guiding me to go out. I teasingly punch his chest.

Sa tatlong araw na kasama ko silang dalawa ni Angelo ay palagi nila akong inaalalayan. Kahit na hindi naman ako lumpo.

Ilang beses ko din silang sinabihan na kaya ko naman pero ang kulit lang talaga nilang pareho.

"I will miss you both" I sweetly told them.

Ilang minuto nalang ay tatawagin na sila para sa flight nila pabalik sa London kung saan talaga sila nakatira.

Agad akong yinakap ni Noel at hinalikan niya yung noo ko habang si Angelo ay yinakap niya din ako at tsaka dahan dahang bininat yung pisngi ko.

Tinampal ko yung kamay niya at saka ko siya sinamaan ng tingin.

"I will miss you too cousin. When you need something, you can always tell us. You know we're just one call away" anang ni Angelo. I nodded. They are so sweet.

"Thank you. Don't make Tita Anj and Tita Nery get a headache. You both needs to behave" bulong ko sakanila.

Linagay naman nila yung isang kamay nila sa noo nila. Para silang sundalo na sumasaludo saakin.

Inirapan ko sila at sumabay sa paglalakad.

"Mahal ka niya. Huwag mo siyang iwan" laglag ang pangang napatingin ako kay Noel.

Seryoso itong nakamasid saakin pati si Angelo.

Kahit na mag pagka slang ito nung magsalita siya ng tagalog ay hindi ko yun pinansin bagkus sa sinabi niya ako naka focus.

"Who taught you that? Ang galing mong magtagalog" hindi ko naiwasang mapatakip saaking bibig dahil sa gulat.

Ang galing kasi nila. Kahit na tatlong araw lang sila dito ay may natutunan na sila.

"Yllan. He's a good teacher and I like him for you. I can see in his eyes that he really loves you" dagdag pa nito.

Napatango ako. Bakit ba palagi nalang siyang sweet? Hindi naman sa ayaw ko pero sa sobrang sweet niya kasi ay hindi ko maiwasang mahulog.

Mahulog sa butas na ginawa niya para saakin lang.

"Tsk. Sige shoo na! Maiiwan kayo ng eroplano e. Bye! Love you" saad ko saka ko sila tinulak papunta sa mga magulang nila.

Tinanguan ako nila Tita Anj at ganun din naman ang ginawa ko.

Sina Mommy ay naiwan sa bahay dahil na din sa nangyari.

Nagkaroon tuloy kami ni Kuya nang apat na guard ng wala sa oras.

Pati sila Mommy ay doble ingat na sila ngayon. Hindi sila lumalabas ng bahay ng walang guard na nakabuntot sakanila.

Let Me Love You(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon