LMLY: 20

78 7 0
                                    

"Pj! Dahan dahan sa pagdra drive ah? See you later, do you know the address?" Rinig kong sabi ni Mommy nung pababa na ako.

"Lance will seat beside me Mommy, para maituro niya sakin yung daan" tugon naman ni Kuya. I've heard na sa Rest house kami nila Lance mamamalagi nang isang linggo.

Kaya pala wala sina Tito Marcial at Tita Lanie ay nauna na daw sila dun para makapag ayos bago kami dumating.

3:30 palang ay nandito na kaming lahat sa baba pati na din yung mga magulang nilang lahat.

Ang kwento saakin ni Mommy ay high school friends daw silang lahat kaya naman pati kami ay naging magkaka ibigan na din.

Lumapit ako sakanilang lahat at nakipag beso beso, nandito kasi silang lahat sa kusina. Preparing something for our breakfast.

"Hija, hindi ka ba nalalamigan?" Tanong sakin ni Tita Gina, yung Mommy ni Yllan.

Im using a pink tennis skirt and a white chiffon long sleeves. Korean inspired clothing is nice. Impluwensiya ito nina Mara at Cloud.

I smiled at her"Nope tita. Im okay" tugon ko dito. Nangingiti naman siya sakin at saka tumango.

Bumalik din agad ako sa sala. Nakita ko si Cloud na mapupungay pa ang mga mata, parang kulang ang kanyang tulog.

Napag alaman ko din na hindi makakapunta si Ate Curthny. Agad tuloy na naalis yung ngiti at sigla ni Kuya PJ.

"Pj, ingat sa pagdra drive ah? Kita kita nalang tayo dun and Lance hijo, guide him" pagpapa alala samin ni Tita Norly ang Mommy ni Cloud.

Tumango si Kuya Pj at sabay sabay kaming lumabas para makasakay na.

Alas kuwatro na din kasi at ramdam ko na ang lamig ng hangin.

At dahil ayoko sa harap ay sa likod ako pumwesto. Sinaksak ko sa tenga ko yung isang pares ng headset ko at nakinig ng music.

Nakita ko naman ang pagtabi sakin ni Yllan habang may hawak na maliit na kumot at unan.

He placed it on my lap and give me the small pillow he's holding.

"Mommy told me to give you these. Baka daw lamigin ka" aniya.

Si Tita talaga. She's so sweet.

"How about you? Dika ba linalamig?" Tanong ko sakanya. Nakasuot lang kasi siya ng isang white na sando at tokong shorts.

Ako lang ata ang naka get up ng ganito. Habang siya ay nakasuot na ng pang ready to beach na attire.

"No, Im good as long as you're good" he sweetly mumbled.

Bakit ba palagi nalang nila akong iniisip kaysa sa kapakanan nila?

I glared at him. Buti nalang ay hindi masyadong maikli itong kumot na binigay niya. Nagkasya pa kami.

"Yan, dont be too hard headed Clark" anang ko.

Hindi siya agad nakapag salita kaya hindi ko nalang siya pinansin.

Obviously magkatabi na naman sina Cloud at Ranz while Mara is sitting in the center of Mickho and Kristoff.

Pinikit ko ang mga mata ko at hinayaaan kong kainin ako nang kadiliman.

Mahaba haba pa ang biyahe na to.










NAGISING ako nang maramdaman ko ang mahinang pagtapik sa balikat ko ni Yllan.

Linibot ko ang aking paningin at nakitang nakahinto pala kami sa isang fine dine restaurant.

At sumisilip na din ang mahal na araw.

Let Me Love You(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon