LMLY: 1

444 14 0
                                    

"They say true love is just around the corner, but sometimes it feels like I'm walking in circles" -Yllan
(Cttro)

"Love is the cruelest thing in the world, for it breaks hearts" -Czayrina

Czayrina in the multimedia box⬆
Enjoy reading~




Czayrina's POV 

I didnt know if how many times did I rolled my eyes in annoyance. Ang iingay nila sa labas! Malamang ay nandito na naman yung mga nakakaasar na mga kaibigan ni Kuya Paul. Tsk. Sinabi ko naman na kasi kanila Mommy na palagyan na ng soundproof yung entertainment room namin, eh hanggang ngayon ay ginagawa nilang tambayan eh. Pasalamat sila kuya at wala sila Mommy ngayon kung hindi ay baka makakatanggap na naman siya ng isang malutong na tampal sa noo.

Pilit kong kinukuha yung tulog na gusto ko pero sadyang ang titigas ng ulo nila. Argh! Sa sobrang yamot ko ay pabalibag akong pumasok sa kwartong kinaroroonan nila.

They all look at me with amusement, their smile immediately fades away when they saw how irritated I am.

"Woah! Hi Czayrina. You look stunning hikhik" napatingin ako sa lalaking nagsabi nun saakin. I remember his face but not his name. Inirapan ko siya at napabuntong hininga ng malalim. They really getting on my nerves. The heck!

"Are you going to shut your f*cking mouths or I'll be the one to zip it using my bare hands?" Malamig kung tanong dito. Agad namang napawi ang kanilang kasiyahan dahil sa sinabi ko.

Ilang beses ko na ding sinabi kay Kuya na ayokong pumupunta itong mga kaibigan niyang ang aangas dito sa bahay pero para siyang bingi at dinadala pa din niya ang mga ito.

"Okay okay Czay, matutulog na kami. Sorry" sabi ni Kuya habang pinupulot yung mga kalat nilang nasa sahig. Hindi na ako muling umimik at padabog na lumayas sa kwartong iyun.

I even heard them catch their breaths as soon as I went out. As usual takot na takot sila saaking presensya. Lahat ng taong nakapaligid saakin ay ganun ang tingin sakin, I dont effin care.

Agad akong napangiti ng wala na akong ingay na naririnig.

The next morning...

Bago pa ako makarinig ng katok saaking pintuan ay bumangon na ako. Dumiretso ako sa banyo at naglinis na ng katawan.

At dahil Miyerkules ngayon ay pwede kaming magsuot ng kahit ano. Sinuot ko lang yung isang black  off shoulder na flowy sa baba na binigay saakin ni Cloud, at dahil wala ako sa mood na magheels ay sinuot ko nalang yung white converse shoes ko. Sinipat ko ang aking kabuuan sa aking full length mirror at napangiti ng makita ko ang aking sarili. I grew up so well, I must say.

My smile suddenly disappear when I saw their faces. Pagbukas na pagbukas ko palang kasi ng aking pintuan ay dun din sila lumabas. At tulad ng dati ay wala akong pinansin maski isa sakanila.

Dire diretso akong pumunta sa kusina para mag-almusal na. Wala pang ilang sandali nang makaramdam ako ng ilang presensya sa tabi ko. I just continue eating my food at hindi sila pinansin.

I saw Kuya Paul went to his place pero hindi nila ito sinundan at nanatiling nakatayo sila sa tabi ko.

"Come on guys let's eat. Bawal pinaghihintay ang mga pagkain" aniya to broke the awkward atmosphere.

Let Me Love You(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon