~ 1 ~
Your name's {Y/N} POV
Ngayon ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw na sa wakas ay makikita ko na ang taong pinakamamahal ko. 10 am magsisimula ang event kaya naman maaga akong nagising. 4 am palang gising na ako dahil alam kong magkakaroon iyon ng pila para sa mga bibili ng books at ng stubs.
"Nak, anong oras alis mo?" tanong sa akin ni mama. Kakaupo ko pa lang sa lamesa para mag-agahan. Nagluluto siya ng itlog at ng hams. Para daw hindi ako gutumin kung sakaling mahaba ang pila.
"Pagkatapos ko pong maligo. Takbo na po ako agad kahit nakatuwalya lang. Basta mabango ma." pabiro kong sagot. Lumingon siya sa akin habang nanlilisik ang mga mata kaya naman natawa na lamang ako sa naging reaction niya.
"Umayos kang babae ka. Hmp! tignan mo hindi na kita papayagan!"
"Ma!"
"Ano?"
"I love you! joke lang 'yun hihihi. sige na ma kakain nako para maaga ako makapunta." paglalambing ko sa kanya dahi natakot ako na baka bawiin niya ang sinabi niya sa akin pati na rin ang perang binigay niya sa akin para makabili ng 10 Hell University na book.
Supportive Mommy siya kaya mahal na mahal ko siya. Lagi niya akong sinusupportahan sa lahat ng ka-ek-ekan ko sa buhay. While yung dad ko naman ay nasa ibang bansa.
Pagkatapos kong kumain ay agad akong tumakbo sa banyo bitbit ang tuwalya kong color violet na may flower na design. sabon dito, shampoo doon. Toothbrush dito, suklay doon. Nang makuntento nako sa itsura ko ay agad naman akong lumabas ng kwarto ko at humarap ulit kay mama upang ipacheck kung okay lang ang suot kong black t-shirt na nakainsert sa pink na skirt na nabili ko pa sa american apparel.
"Ma! okay na ba ang mukha ko?" masigla kong tanong. Lumingon siya sakin habang ngumunguya-nguya at hawak ang kanyang kutsara. Lumunok naman siya at nagthumbs up.
"Ingat ka ah! hanggang anong oras nga ulit 'yun?"
"8 po ma!" sigaw ko habang papasara na ng pinto. Tumakbo ako papalabas ng gate namin at saka nagpara ng isang tricycle papuntang sakayan ng bus.
Hindi naman ako nahirapang sumakay dahil hindi gaanong punuan kahit na mothers day ngayon. shit! hindi ko nabati si mama. Magtitxt nalang ako mamaya. Nangangati na ang puso kong makarating agad sa venue, jusko lord naman!
Napabuntong-hininga ako ng makitang medjo traffic pa. Anubayan, ang aga-aga pa pero traffic na agad? aba'y sinasabayan pa talaga ng tadhana. Nagbayad nako sa condoktor ng tumapat ito sa harapan ko. 20 pesos ang binigay ko at hindi ko na binilang pa ang binigay niyang sukli. Ang yaman ko naman ngayong araw e. 2000 ang binigay ni daddy sakin. 1000 para sa books at 1000 naman para sa akin.
"Hello? Teh ano na? saan na ba you? here na ako!" sambit ng bestfriend ko sa kabilang linya.
"Konting kembot nalang Keira! Malapit nako!" nabubuang kong sambit. Halos mapatingin na sakin ang katabi kong manang dahil sa lakas ng pagkakasabi ko non. Nagpeace sign na lamang ako para naman hindi siya masyadong maoffend.
"Bilis! nakapila na ako bakla! medjo madami na ang tao!" natataranta na rin niyang sambit. Kingina! 6:27 palang pero madami na ang tao!
"Oo na! sige na babay na muna! natataranta ako dahil sayo e! kingina kang bakla ka!" pabulong kong sigaw sabay baba ng cellphone ko.
Nang pumara ang bus at sumigaw ang condoktor ng MEGA MALL, agad akong tumakbo papalabas dito. Kahit na nakaskirt ako ay tumakbo parin ako papuntang pilahan. Nagtxt din naman sakin si Kiera kung saan siya banda nakapila kaya hindi naman ako nahirapang hanapin siya.
BINABASA MO ANG
Eyes Nose Lips (Knightinblack Fanfiction)
FanfictionWe all know that famous author named KNIGHTINBLACK. We all know his stories but what we do not know about him is his real personality. But what if a girl from the crowd made that author's life upside down? What if in a snap they'll become lovers? K...