~9~
KINABUKASAN ay late na akong nagising. Hindi na rin ako nagtaka dahil super late na rin naman akong natulog kagabi. Bago ako bumaba ay naghilamos muna ako ng mukha at nagtoothbrush. Nandito na kaya sila tita?
Pagkalabas ko ng pinto ay nakita kong bukas ang kwartong pinagtulugan ni Kib kagabi pero bigo akong makita siya doon. Saan na kaya 'yun? Ang aga niya atang nagising.
Bumaba ako at nadatnan ko silang lahat na abala sa mga kanya-kanyang ginagawa. Si tita na nagluluto, si tito na naglalagay ng mga pagkain sa mga kaldero at sa mga toper-wares, si kib na nag-e-empake at ang mga kaibigan niyang nagpapalobo ng mga salbabida. wth?
"Oh, Y/N gising ka na pala. Halika at kumain ka muna." yaya sakin ni tita ng makita ako. Sumulyap din sakin si Kib at tsaka ako nginitian. Naupo ako sa table sa kusina at tsaka kumain. Abala parin sila sa mga ginagawa nila. Ano kayang meron at may mga salbabida? tungaks, ano bang ginagawa sa salbabida?
"Mags-swimming po tayo?" wala sa sarili kong naitanong kay tito na naglalagay ng mga yelo sa ice box. Tumango ito at tsaka inginuso ang nasa likuran ko. Tiningnan ko naman ang tinuturo niya at nakita ko si Kib na ngayo'y tumutulong na rin sa mga kaibigan niyang palobohin ang limang salbabida at kung ano-ano pang lumulutang sa tubig.
"Yaya niya. Para naman daw ay bago ka umalis bukas e may remembrance ka dito sa pampanga." nakangiting sambit ni tito sa akin. "Po? paano pong remembrance?" takhang tanong ko na nagpatawa naman sa kanya.
"Ano bang nakukuha kapag nags-swimming sa tirik na araw?"
"I don'g get it." naguguluhan ko paring sambit dahilan para matawa lalo si tito. Naramdaman ko ang paglapit ni Kib sa tabi ko at tsaka sinabayan ang pagtawa ng tatay niyang inaasar ako.
"Pa, don't pressure her. Kinikilig pa kasi 'yan sa nangyari kagabi kaya hindi pa matino kausap." pang-aasar rin ni Kib! Kaya mas lalong lumakas ang tawa nila. Pati mga kaibigan niya at si tita ay nakitawa na rin! Bwesit! Kahit kinikilig ako ay nakakahiya parin na sa harap ng parents niya sabihin na kinilig ako! Kinilig rin naman siya ah?!
"Oo nga pala, ano nga pala ang nangyari kagabi?" nanunuksong tanong ni tita habang may pataas-taas pa ng kilay.
"Ma, don'g get it wrong. Kinilig lang siya kasi isinayaw ko siya tapos 'yung SURPRISE diba? dumi ng utak nito." natatawang sabi ni Kib. Natawa rin ako sa sinabi niya pero alam kong namumula parin ang mukha ko dahil sa kahihiyan!
"Huh? ano bang sinasabi mo? wala akong iniisip noh! Hihihi!" pakunwari pang inosente ni tita at bumalik na sa kanyang ginagawa.
Makalipas ang ilang oras ng paghahanda ay nakarating na rin kami sa resort. Maganda at malinis ang lugar pero at the same time ay marami-rami din ang tao. Malawak naman at tatlo ang swimming pool kaya hindi nagsisiksikan ang mga tao.
Nang makapasok kami ay agad naming hinanap ang cottage na available. "Tara shower muna tayo bago lumusong sa pool." giit ni lucy. Kaibigan ni Kib.
"Mamaya nalang ako. Kayo muna." giit ko naman dahilan para tignan ako ni kib. Pero sila lucy ay tumango nalang at nagsimulang maglakad papuntang cr habang dala-dala ang mga damit pangswimming nila.
"Bakit ayaw mo pa?" takhang tanong naman ni Kib na hindi ko na rin namalayang nakaupo na pala sa tabi ko.
"Wala lang. Pero kung gusto mo nang maligo ay pwede ka namang mauna. Wag mo na akong hintayin hehe."
"Hindi mamaya na lang din ako. Baka mamaya ay pagkaguluhan pa ako jan at wala ka sa tabi ko." seryoso niyang sambit pero kabaliktaran naman ang naging reaksyon ko. Natawa ako ng sobrang lakas dahil sa sinabi niya. Lakas ng tama!
BINABASA MO ANG
Eyes Nose Lips (Knightinblack Fanfiction)
FanfictionWe all know that famous author named KNIGHTINBLACK. We all know his stories but what we do not know about him is his real personality. But what if a girl from the crowd made that author's life upside down? What if in a snap they'll become lovers? K...