~12~
MAAGA akong nagising kinabukasan. Nilalamig ako at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ng katawan ko. Mahimbing parin na natutulog si Kib na nasa couch sa gilid. Napalingon ako sa bintana at napabuntong-hininga ng makita ang malakas na patak ng ulan. Madilim pa ngunit alas-kwatro na ng umaga.
Today was supposed to be my second day of school but here I am lying on the hospital bed. Ugh!
Tumayo ako at nanatiling nakatingin sa may bintanang nakahawi ang kurtina. The city lights are perfect when heavy rain are falling.
Muli akong bumuntong-hininga ng maalala ang mukha ni Kib kanina na hindi mapakali at lumuluha. Ayokong makita siya ulit na ganoon. I don't want him getting hurt just because of me. I hate you stupid body. I hate you for being so fragile.
Unti-unting nabasa ang mukha ko ng mga luhang hindi ko na mapigilan pa. Ang nararamdaman kong sakit ay parang katulad ng ulan na bumubuhos ngayon sa labas, malakas at hindi na mapigilan pa.
"Leukemia. Stage 1"
Umiling ako at pinunasan ang basa kong pisngi gamit ang mga nanginginig kong palad. Ayoko ng isipin pa. Nasasaktan ako, hindi para sa sarili ko kundi para sa isang taong maiiwan ko kung sakali.
Sabi ng doctor ay hindi nila alam kung gagaling pa ako, ngunit maaari akong uminom ng gamot at magpatherapy. Ngunit parang ayoko. Dahil alam kong sa huli ay wala ring mangyayari. Sa huli ay hindi rin naman ako gagaling. Sayang lang ang iwawaldas na pera kung ganon nga ang gagawin namin.
"Darling?" dali-dali kong pinunasang muli ang mata't mukha ko ng marinig ko si kib na nagsalita. Lumingon ako ng nakangiti at nakita siyang humihikad pa.
"Hmm?" tugon ko. Tumayo ito na may kunot sa noo.
"Bakit gising ka na? Bakit wala ka sa higaan mo? Anong ginagawa mo diyan? Malamig, wala ka pang suot na tsinelas." nag-aalala nitong sambit at niyakap ako. Naging ma-ingat ako sa pagyakap sa kanya dahil sa dextrose na nakakabit parin sa isa kong kamay.
"Maaga lang akong nagising, Darling." sagot ko na lamang at tsaka ibinaon ang mukha ko sa dibdib niya. I let out another sigh habang nakapikit. Hinigpitan ko pa lalo ang pagkakayap sa kanya. Why?
"Okay ka lang ba?" malambing na boses ang pinakawalan niya at sabay hagod sa aking ulo.
Hindi ako sumagot dahil hindi ko naman alam kung okay nga talaga ako o hindi. Kailangan ko lang na malapit siya para magkaron ako ng lakas.
"Don't go. Ever." naisambit ko na lamang at hindi na muling nagsalita. Naramdaman ko ang pagtango niya at ang paghigpit ng kanyang yakap.
"I won't. Ever." napangiti na lamang ako kahit na meroong mga luha paring pumapatak sa aking mga mata.
Matapos nun ay hindi na kami muling natulog. Tanging pagnood na lamang ng tv ang aming nagawa dahil 'yun lang naman ang libangang meron dito.
"Today is your first day of treatment, are you ready?" tanong ni mama sa akin habang hawak-hawak ako sa kamay. Tumango na lamang ako at pilit na ngumiti. Sa totoo lang ay hindi.
Pakiramdam ko'y mas lalo akong nanghihina habang ginagawa itong treatment na sinasabi nila. Napakaraming mga aparatus ang ikinabit nila sa akin. Tanging ang hospital gown lang ang bumabalot sa malamig kong katawan.
Ngumiti ako sa lalaking nakasilip sa may glassed window sa labas ng kwartong pinagdalhan sa akin. Nakangiti rin ito ngunit bakas parin sa kanyang mga mata ang pag-aalala.
It's okay, Love. I'm Okay.
BINABASA MO ANG
Eyes Nose Lips (Knightinblack Fanfiction)
FanfictionWe all know that famous author named KNIGHTINBLACK. We all know his stories but what we do not know about him is his real personality. But what if a girl from the crowd made that author's life upside down? What if in a snap they'll become lovers? K...