KINABUKASAN ay cellphone ko kaagad ang hinanap ko. Tinignan kong muli kong may messages or calls ba siya pero wala. Kahit isa wala. 11 am na. Masyado atang napasarap ang tulog ko. Bawing-bawi e. Buti nalang at sabado ngayon kaya hindi ko kailangang magmadaling pumunta sa klase.
Bago ako lumabas ng kwarto ay naisipan ko munang maligo. Kahit malamig ay binalewala ko na lamang. May heater din naman kasi yung shower. Pakiramdam ko kasi ang lagkit-lagkit ko, hayst!
Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan habang nakatingin parin sa cellphone ko. Binabasa ko lang 'yung mga messages ng mga dati kong classmate. Nangangamusta. Tipid rin akong nagreply sa kanila dahil nakakawalang gana. Hindi rin naman kami close noon e kaya bakit kailangan pa nilang alamin kung kamusta ang lagay ko rito sa Chicago? Ugh!
Napansin kong sobrang ingay sa baba. Parang abalang-abala sa pag-aasikaso ng bisita. Baka dito na naman manananghalian sila Jhonas. Aba'y nasasanay na sila ah!
"Oh, anak gising ka na pala!" napalingon ako sa sala pero imbis na kay mama ako tumingin ay agad na naagaw ng attensyon ko ang presensya ng isang pamiliar na tao. Nanlaki ang mga mata ko at pakiramdam ko'y nanghina ang mga tuhod ko ng makita ko siyang nakangiti sa akin.
"Hi!" masigla niyang bati at tsaka ako dahan-dahang nilapitan. Niyakap niya ako pero hindi ko nagawang suklian iyon dala parin ng sobrang gulat. Anong ginagawa niya dito?
"Aren't you happy to see me here?" kunwaring malungkot niyang tanong sa akin at nagpout pa. Ang lagi niyang ginagawa kapag naglalambing siya. Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Naramdaman ko rin ang sunod-sunod na patak ng mga luha ko.
"K-kib, anong ginagawa mo dito?" hindi parin makapaniwalang tanong ko sa kanya. Hinawakan niya ako sa magkabilaang pisnge at tsaka nagsalita.
"I missed you. Tsaka wala rin naman kaming pasok kasi napaaga ang Christmas break namin." pagpapaliwanag niya. Hala! Oo nga pala noh? Malapit na ang pasko. November na pala ngayon at next month na! Bakit hindi ko iyon napansin?
"E? Saan ka kumuha ng pera para makalipad papunta rito?" tanong ako ng tanong dahil hindi parin talaga ako makapaniwala. I'm still in shock. Gah!
"Pinag-iponan ko at nagdagdag rin naman si Mama." nakangiti niyang sagot sa akin. Umaapaw ang saya sa buong sistema ko at labis na pangungulila ang nararamdaman ko habang pinagmamasdan ang kabuoan ng mukha niya.
Sabik ko siyang niyakap muli. Naramdaman ko rin ang paghalik niya sa noo ko at ang paghigpit ng mga yakap niya. Damn! I missed him! I missed everything about him!
"Kailan ang balik mo sa pinas?" tanong ni papa habang abala sa pagkain niya. Matapos kasi ng yakap happenings kanina ay pinaghain na kami ni Mama.
"Grabe ka naman, Pa. Kararating lang ng tao gusto mo agad umalis?" inis kong giit sa kanya. Ayaw na ayaw niya ba talaga kay kib? At kailangan niya pang umasta ng ganito?
"Hindi naman sa ganon, Anak. Baka may pasok pa siya." pagpapaliwanag naman ni Mama. Nakita kong tumango si Kib at tsaka ngumiti.
"Firsy week of January po, Tita." malumanay niyang sagot sa tanong ni Papa. First week of January? Ibig sabihin halos mahigit isang buwan siya rito sa Chicago?
"Talaga Love?" excited kong tanong sa kanya. Tumango siya sa akin at ngumiti.
"Oo, Love. Hindi ko rin alam kung bakit napakahabang bakasyon ang ibinigay sa amin. Siguro dahil graduating na kami." dagdag niya. Mas lalong lumaki ang mga ngiti ko. Finally at magkakaroon ulit kami ng time na magkasam. Sobra ko siyang namiss. Gusto kong dito muna siya sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
Eyes Nose Lips (Knightinblack Fanfiction)
FanfictionWe all know that famous author named KNIGHTINBLACK. We all know his stories but what we do not know about him is his real personality. But what if a girl from the crowd made that author's life upside down? What if in a snap they'll become lovers? K...