Kib's POV
NAALIMPUNGATAN ako ng makarinig ng isang kalabog. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at kasabay din niyon ay automatic na hinanap ng mga mata ko si Y/N sa kanyang kama pero bigo akong makita siya roon.
"Love? Where are you?" I shouted. Sapat para marinig niya ang tawag ko but silence answered me. Dali-dali akong tumayo ng muli kong marinig ang kalabog na nanggagaling pala sa bathroom ng kwarto niya.
"Love, are you there?" kumatok ako sa pintong nakalock. Napakabilis ng tibok ng puso ko at sobra akong kinakabahan. I knocked again three times.
"Y/N? Buksan mo ang pinto!" nag-aalala kong sigaw at nakaramdam ako ng pagkataranta ng marinig ko siyang sumigaw. Sigaw na pumipiga sa puso ko dahil punong-puno iyon ng sakit at pagtitiis.
"Y/N?! Anong nangyayari?! Buksan mo ang pinto at papasukin mo ako!" sigaw kong muli pero hindi niya ako sinasagot dahil panay lang ang sigaw niya.
"What's happening?" napalingon ako sa pinto ng marinig ko ang parents ni Y/N na mukhang nag-aalala rin.
"Sir, Hindi ko po mabuksan ang pinto at nasa loob po si Y/N and I think somethings happening with her." maluha-luha kong paliwanag. Dali-daling lumapit sa akin ang mama ni Y/N at ang papa niya naman ay tumakbo pabalik sa kwarto nila upang kumuha ng duplicate ng susi.
"Anak? buksan mo ang pinto." nag-aalala ring sigaw ni tita habang sunod-sunod ang pagkatok. Maya-maya pa'y dumating na si Tito na may hawak na mga susi. Kinailangan niya pang isa-isahin ang mga iyon. Halos mabaliw na rin ako sa kinatatayuan ko sa sobrang pag-aalala at nang mabuksan ang pinto ng banyo ay nadatnan namin si Y/N sa sahig na nakahiga.
Wala siyang malay at napakaputla ng balat niya at dumudugo din ang ilong niya. Agad ko siyang nilapitan at tiningnan ang pulso niya. Thank god she's still breathing. Iniangat ko siya at natataranta siyang binuhat.
"Punta tayo ng ospital!" wala sa sarili kong sigaw habang umiiyak na at karga-karga parin siya. Sumunod naman kaagad ang papa ni Y/N at agad na kinuha ang kotse niya.
Ipinasok ko si Y/N sa loob ng kotse. Parang umiikot ang buong kapaligiran at nakatuon lang sa kanya ang buong attensyon ko.
Habang papuntang ospital ay parang napakabagal ng oras. Hindi ko magawang ialis ang paningin sa kanya dahil natatakot ako. Sobra-sobrang takot ang nararamdaman ko ngayon. Lord please, wag muna ngayon.
When we arrived at the Chicago Hospital agad na ni-rush si Y/N sa emergency room at kami naman ay naiwan sa labas. Tulala lang akong nakatingin sa pinto ng ER habang nakaupo at ang parents naman niya ay hindi na matigil sa pag-iyak lalo na si Tita.
We waited for about an hour bago lumubas ang doctor. Sinabi niyang nastress at napagod ng sobra si Y/N kaya ganon ang naging reaction ng katawan niya. I can't stop crying while talking to that doctor. I couldn't stop crying. Ngayong hawak ko ang kamay niyang may dextrose na naman ay parang ang sakit-sakit. Mukhang dito pa kami magpapasko at magbabagong taon sa ospital dahil ni-recommend din ng doctor na dito muna siya for 3 weeks para mamonitor ang kanyang lagay.
"Love?" napalingon kaagad ako sa kanya ng marinig ko siyang magsalita. Half closed pa ang mga mata niya at mukhang hinang-hina nga talaga siya.
Mas nilapit ko ang sarili ko sa kanya upang marinig siya ng maayos."Andito ako, Love." giit ko. Hinaplos ko ang pisngi niya at nagdulot iyon ng sakiy sa puso ko.
"Anong nangyari?" tuluyan niyang iminulat ang kanyang mga mata.
"You passed out in the bathroom." sagot ko at kitang-kita ko sa mga mata niya ang gulat.
"What?" mahina niyang sigaw. Ipinaliwanag ko ang nangyari at itinanong na rin kung bakit siya napunta sa bathroom kanina.
BINABASA MO ANG
Eyes Nose Lips (Knightinblack Fanfiction)
FanfictionWe all know that famous author named KNIGHTINBLACK. We all know his stories but what we do not know about him is his real personality. But what if a girl from the crowd made that author's life upside down? What if in a snap they'll become lovers? K...