Chapter 13

49 4 1
                                    

~13~

Ngayon ang araw ng labas ko sa ospital. Maaga kaming nagising dahil na rin sa akin. Sumakit na naman kasi ang ulo ko at nanghihina na naman ako pero naging okay rin naman ako kaagad dahil pinainom ako ng mga doctor ng gamot. Mamayang hapon ay babalik ulit ako dito sa ospital para sa daily treatment ko. Sasamahan nalang ako ni Kib dahil may importanteng bagay raw na gagawin si Mama.

"Ano anak handa ka na bang lumabas?" nakangiting tanong ni Mama sakin. Nasa labas na si Kib kung kaya't kaming dalawa na lamang ang naiwan sa loob ng kwarto ko.

Napangiti rin ako at tsaka tumango. Isinara ko na rin ang zipper ng back-pack ni Kib na nilagyan namin ng kaonting gamit nang maospital ako.

Pagbaba namin sa main floor ay agad naman kaming sinalubong ni Kib at tsaka niya kinuha ang bag pack sa likod ko. Nakita ko rin si kuya na nasa kanyang sasakyan. Hanggang next week ang stay ni Kuya samin dahil gusto niya raw akong bantayan. Akala mo naman ay bata pa ako para bantayan. Ugh!

Tahimik lang ang byahe. Nasa likuran kami ni Mama habang si kib naman ay katabi ni Kuya na seryoso sa pagmamaneho. Walang kumikibo at nababagot na ako dito sa kinauupuan ko. Nang ibaling ko ang nga mata ko sa unahan ay agad na nagtama ang mga tingin amin ni Kib. Nakatingin siya sakin trought the mirror. Seryoso ang mukha niya at hindi ko maintindihan kung bakit.

Hindi ko nalang siya pinansin at muli na lamang ibinaling ang tingin sa hilid ng bintana sa tabi ko. Medjo malakas ang ulan ngunit maaliwalas parin ang kalangitan.

Sabi sa akin ng lola ko noon na kapag raw umuulan at sikat na sikat ang araw ay may hindi raw magandang mangyayari. Ewan ko lang kung totoo iyon. Hindi naman ako naniniwala kasi mga katang-isip lamang iyon na galing sa mga matatanda.

Pagkarating namin sa bahay ay agad na nakunot ang noo ko. May isang kotse kasing nakaparada sa labas ng gate. Familiar ang kotseng iyon ngunit hindi ko kagawang isipin kung saan ko ba nakita iyon.

"Pa!" narinig kong sigaw ni Kuya nang mabuksan niya ang pinto. Nanlaki ang mga mata ko at tsaka napalingon kay kib na nakayuko na ngayon. Hindi ko alam pero gumuhit ang kaba sa dibdib ko. Hindi kasi alam ni Papa na may boyfriend na ako. Shocks!

"Asan ang kapatid mo?" seryosong tanong ni Papa kay Kuya at kumawala na sa yakap ng isa't-isa.

"N-nandito po ako Pa." nauutal kong sambit at tsaka dahan-dahang lumapit sa kanya at yumakap. Napalitan ng pag-aalala ang kaninang seryoso niyang mukha.

"Ano bang ginawa mo at nagkasakit kang bata ka?" bakas sa boses ni papa ang pag-aalala at pagkainis. Alam ko namang hindi niya nagustuhan ang nabalitaan niya lalo pa't busy siya sa pagtatrabaho sa ibang bansa.

"Bakit po nandito kayo papa?" taka kong tanong. Hindi ko kasi magawang sagutin ang tanong niya. Umupo siya sa sala at ganon din ang ginawa ko. Pinaupo rin ni Mama si Kib sa kabilang sala at mukhang tense na tense siya ngayon.

"Uh- Pa, si Kib nga pala. B-boyfriend ko." kinakabahan ko sambit. Tumaas naman ang kilay niya at tiningnan ng diretso si Kib. Ngumiti naman si Kib at tsaka inabot ang kamay niya para makipagshake-hands kay Papa.

"Ikaw pala si Kib. Nice meeting you, son." giit naman ni Papa at tsaka nakipagshake-hands kay Kib. Nawala ang kaba na bumabalot sa amin ni Kib at napalitan ito ng saya. Buong pusong tinanggap ni Papa si Kib at masaya na ako don.

"Nga pala anak, Maghanda ka na dahil lilipat na tayo sa states." dire-diretso na sambit ni Papa dahilan para manlaki ang mga mata ko.

"Po?!" gulat kong sigaw. Napatingin ako kay Kib at mukhang gulat din siya at alam kong sa mga oras na ito ay nasasaktan siya.

Eyes Nose Lips (Knightinblack Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon