~10~
"Kailangan mo na ba talagang umalis?" napalingon ako sa kapatid ni Kib. Nakatayo siya sa pintuan habang nakahawak sa seradura ng pinto.
"Hmm. Magpapasukan na, e. Madami pa akong aayusing papers." sambit ko at muling ibinalik ang aking attensyon sa pag-e-empake. Narinig ko siyang bumuntong-hininga at tsaka lumapit sa akin. Naupo siya sa dulo ng kama habang pinagmamasdan ang ginagawa ko.
"Kailan ang balik mo, Ate?" malungkot niyang sambit dahilan para ako naman ang mapabuntong-hininga. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang mga kamay niya. Sa kaonting panahon na nakasama ko sila, masasabi kong agad akong napalapit sa pamilya ni Kib na halos pamilya na rin kong ituring ko at ganon na rin sila.
"Hindi ko pa alam pero baka every weekends? Or kapag may free time ako. Pangako, dadalaw ako dito kahit malayo man!" pabiro kong sambit na ikinatawa niya. Hay, mabuti naman at natawa na siya. Ang cute-cute niya kasing tignan kapag tumatawa pero kapag nakasimangot panget! Pero biro lang syempre.
"Yehey! Oh? Kuya! narinig mo 'yun? Every weekends daw!" masaya niyang sambit at tumakbo pa papunta sa Kuya niyang panget este gwapo. Natawa naman ako dahil hindi naman na bata ang kapatid ni Kib ngunit kung umasta napakacute!
"Hindi pwede! Ako ang pupunta sa kanila every weekends!" sigaw ni Kib dahilan para matigil sa pagsaya ang kapatid niya at ako. Lumapit siya sa akin at tsaka kiniliti sa leeg ko dahilan para matawa ako.
"Sira ulo, kiniliti mo ako jan pero wala naman akong kiliti jan!" natatawa kong sambit. Yun pala ang hindi ko pa nasasabi sa kanya. Na wala akong kiliti sa leeg!
"Huwat? Hindi nga?" kunwaring namamangha niyang sambit. "E, dito?" napatili ako ng bigla niyang sundutin ang tagiliran ko! Letche nanjan ang kiliti ko e!
"Kib, pakiusap! Wag!" sigaw ko habang tumatawa at tumatakbo papalayo sa kanya. Paikot-ikot lang kami dito sa loob ng kwarto niya habang pilit niya parin akong kinikiliti!
"Ayoko nga! Kikilitiin kita!" sigaw niya at patuloy parin sa pagkiliti sa tagiliran ko. Halos bumagsak na ako sa sahig at siya naman ay tumatawa lang habang nakaluhod!
"Tama na! Hahaha!" halos maiyak na ako kakatawa pero ayaw niya parin talaga akong tigilan! Lord help me!
"Ow!" natigil ako sa pagtawa ng bigla siyang tumumba papunta sa akin! Nagdikit ang mga mukha naming dalawa! at para akong mauubusan ng hangin.
"Kib! Anong nangyari sayo?" nagtatakha kong tanong sa kanya. Namimilipit siya sa sakit habang nakapatong parin ang ulo niya sa ulo ko! Peste ang bigat!
Pinilit kong tanggalin ang ulo niya ngunit ayaw niyang gumalaw! Nanatili siyang nakapikit habang nakahawak sa- Wtf?
Halos mamatay ako sa kakatawa ng marealize kung bakit siya natumba! "Hala!! Sorry! Hindi ko sinasadyang matuhod ang birdy mo!" walang tigil ako sa pagtawa at ganon na rin ang kapatid ni kib na halos mapaupo na kakatawa. Nakapikit parin siya at ang ulo niya ay nasa leeg ko na! Hala baka nasaktan nga ng husto? Hala baka mabaog!
"Kib? hala! Sorry na!" sambit ko at pilit na inaangat ang ulo niya at hinahaplos pa ito. Mga ilang minuto din siyang nakahiga sa akin kaya naman nangangalay na ang buo kong katawan dahil sa bigat ng katawan niya.
"Hindi ka parin ba--" natahimik ako ng bigla niya nalang akong halikan sa labi. Naramdaman ko naman kaagad ang pag-iinit ng mukha ko at ang pagsikip ng dibdib ko! Napakalapit niya sa akin at ramdam na ramdam ko ang pagtaas-baba ng dibdib niya. Parang kabayong nag-uunahan ang tibok ng puso ko.
Para akong sasabog na dahil sa kilig at sa hiya. Dahil unang-una ang awkward ng sitwasyon namin para halikan niya ako! Pangalawa, nandito kaya kapatid niya!
BINABASA MO ANG
Eyes Nose Lips (Knightinblack Fanfiction)
FanfictionWe all know that famous author named KNIGHTINBLACK. We all know his stories but what we do not know about him is his real personality. But what if a girl from the crowd made that author's life upside down? What if in a snap they'll become lovers? K...