"Love you every minute, every second..." nagising ako sa ingay na kanina pa bumabagabag sa isip ko. Sino ba yang kumakanta?!
Dahan-dahan akong napamulat at gulat na napatingin sa isang gown na nakasabit sa harapan ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko habang pinagmamasdan ang ganda ng wedding gown na ito.
"Surprise!" biglang sigaw ni Mama na nagtatago pala sa likod ng wedding gown na iyon. Hindi ko napansin ah, masyado kasing malaki yung gown.
"What do you think?" nakangiti niyang tanong sa akin. Tuluyan akong bumangon at sabay napangiti.
"It's beautiful, Mom." sambit ko at para na akong tangang pinipigilan ang iyak. 1 Month na ang nakalipas at sobrang busy na kami sa pagprepare para sa wedding. 2 weeks nalang ang natitira at ikakasal na ako. Parang kailan lang....
"Sa tingin mo, mom? Handa na kaya akong maging isang asawa?" wala sa sarili kong tanong kay mama. Napatingin naman siya sa akin ng may kunot sa noo.
"Ay nako, ganyan din ang naitanong ko sa sarili ko bago kami ikasal ng daddy mo." sagot ni mama sa tanong ko. Naupo siya sa tabi ko at marahang hinawakan ang dalawa kong kamay.
"Minsan hindi natin kailngang maging handa sa isang bagay, kapag naramdaman mong gusto mo iyon, kapag naramdaman mong masaya ka sa bagay na iyon, kahit pa hindi ka handa, gagawin mo parin ang lahat para lang hindi mawala ang bagay na iyon." payo sa akin ni mama. Napatango naman ako at ngumiti.
Pagkatapos ng usapan naming iyon ni Mama at agad rin naman akong naligo at nag-ayos. Pupunta kasi kami ngayon ni Kib sa isang flower shop. Pipili kami ng bulaklak para sa kasal. Sabi nga niya sunflowers nalang daw kasi nakakabrighten ng paligid. Pero sorry siya, I hate sunflowers kaya hehe!
"Love, ano bang flowers ang gusto mo? Ayaw mo naman kasi sa sunflowers, e. Tapos napakacommon naman ng roses." reklamo pa niya habang papasok kami ng flower shop. Agad na bumungad sa amon ang mga nagbabangohang amoy ng iba't-ibang klase ng mga bulaklak.
"Magandang araw po." bati sa amin nung bantay. Isang babaeng mas maliit pa kay kib ang humarap sa amin. May maganda itong ngiti sa kanyang mga labi na pwede mong maihalintulad sa mga bulaklak na ibinebenta niya.
"Uhm, miss anong magandang bulaklak ang pwedeng gamitin sa kasal?" tanong ko. Bigla naming napatingin sa akin si Kib tulad din nung babae. Hindi siguro inaasahan ni Kib na yung bantay pa yung tatanungin ko.
"Ahh, maam para po sakin, hydrangea flowers po ang maganda." nakangiti niyang smabit sa amin. Dali-dali siyang naglibot sa loob ng flower shop at hinanap ang sinabing bulaklak. Maya-maya pa'y bumalik siya na may dalang isang bouquet ng kulay putting bulaklak. Nakabango ng bulaklak na hawak niya at napakaganda rin.
"Yan ba yung sinasabi mo?" biglang tanong ni Kib. Tumango lang ang babae habang may ngiti parin sa labi niya.
"Ano sa tingin mo,Love?" nag-aalangan kong tanong.
"Ikaw ba, Love? Ako, okay na yan sakin. Maganda naman." nginitian niya ako. Napangiti rin ako pabalik sa kanya.
Yun na nga ang kinuha naming bulaklak. Mgadedeliver na lang sila next week at ang maganda pa ay sila na rin ang magaayos ng mga bulaklak. Halos patapos na rin kami sa lahat ng preparations. Yung invitations okay na rin. Yung magcater okay n rin. Last na ata yung bulaklak sa mga kulang e. Parang kami nalang ni Kib ang kulang.
Pagkarating namin sa bahay ay naabutan namin si Mama at si Tita na nagtatawanan. Ang cute nila together. Para silang kami ni kiera. Namimiss ko na ang babaeng yun. Halos tatlong lingo na hindi nagpaparamdam. Nasaan na kaya yun, pft.
"Oh, nandito na pala kayo." napatigil si mama sa pakikipagchika kay Tita ng mapansin niya kaming pumasok.
"Kamusta naman yung mga bulaklak? Okay na ba?" tanong ni Tita. Humalik muna ako sa pisngi nilang dalawa bago magsalita at ganon din ang ginawa ni Kib.
BINABASA MO ANG
Eyes Nose Lips (Knightinblack Fanfiction)
FanfictionWe all know that famous author named KNIGHTINBLACK. We all know his stories but what we do not know about him is his real personality. But what if a girl from the crowd made that author's life upside down? What if in a snap they'll become lovers? K...