Chapter 5

98 4 0
                                    

~5~

Lumipas ang isang linggo matapos siyang dumalaw dito. Tulad nga nang ipinangako niya sa akin bago siya umalis, nagvideo call kami 'nung birthday ko. Busy siya sa bahay nila pero sinikap niya paring makausap ako at saluhan sa pag-ihip ko ng kandila.

Hindi naman kami na-a-out of touch. Umaga, Hapon o Gabi ay lagi kaming magkausap through call or video call. Okay lang sakin as long as okay siya. Malapit na ang pasukan kaya sigurado akong mas dodouble ang mga gawain namin. Kaya naman ay bibisita ulit ako sa kanila Next week.

"Oh, ano daw sabi ng Kib mo?" tanong ni mama sakin. Nakaupo na ako sa harap ng hapag-kainan at siya naman ay naghahanda na ng makakain.

"Ayun, okay naman na daw sa kanila. Malapit na nga daw siyang magsimulang mag-OJT e. Kaya Ma, pwede ba akong pumunta sa kanila?" tanong ko habang nakatingin sa kanya. Hindi niya ako nililingon pero sinisigurado kong may kunot 'yan sa noo niya! Si mama pa!

"Ano naman ang gagawin mo dun?" humarap siya sakin at namewang habang may hawak na plato. Sinasabi ko na nga ba at nakakunot ang noo nito e!

"Wala lang. Gusto ko lang dumalaw ulit don. Kasi nung una kong punta don ay hindi niya pa ako--basta alam mo na 'yun ma. At tsaka gusto kong magtagal don, HEHEHEHEHEH!" giit ko na siya namang dahilan ng pagtaas ng kilay ni Mama.

"Magtagal? Bakit? Balak ka na bang itanan non?!" sigaw niya habang nanlalaki ang mga mata. Napairap naman ako dahil sa sinabi niya.

"Ang O.A mo ha! Tatagal lang ng isang linggo or dalawa! Hindi titira! Magkaiba 'yun Ma!" sarkastiko kong sambit. Alam kong dapat ay gumamit ako ng po at opo dahil nga Nanay  ko siya pero kasi hindi ako sanay at nakasanayan na namin ang ganitong trato sa isa't-isa. Parang magbarkada lang pero syempre may limititions 'yun! Hindi ko parin siya pwedeng bastusin at dapat nandun parin ang respeto ko. At syempre alam ko 'yun.

"Sige, kung okay lang sa Nanay  ni kib. Dapat ay makausap ko muna siya at si Kib bago kita payagan." natatawa niyang sambit at tsaka naupo na rin.

Tumango na lamang ako at ngumiti. Kumain kami ng walang kibuan at matapos 'yun ay umakyat na rin ako sa kwarto ko para magpahinga. Alas-syete na rin kasi ng gabi at masyado akong napagod sa paglilinis ng bahay. Oo, buong maghapon kami ni Mama naglinis ng bahay kaya hindi ko masyadong nakausap si Kib. Kanina lang dahil kanina lang din kami natapos. Tinawagan niya ako matapos kong maligo at 'yun nga kinausap ko siya at sinabing bibisita sa kanila. Tuwang-tuwa naman si g@go. Agad akong napatingin sa cellphone ko ng mag Beep ito. Kaya dali-dali ko itong kinapa sa bulsa ko at tinignan kung sinong nagtxt. --- Si Kib pala.

From:  Darling R******  ❤️

Kamusta? Tapos ka na bang kumain?

Agad naman akong nagtipa ng irereply sa kanya habang may ngiti sa labi ko.

To: Darling R****** ❤️

Yep, katatapos lang po. Ikaw? Baka nagskip ka na naman! Mababangasan kita!

Naghintay ako ng ilang segundo at ng magbeep ulit ang phone ko ay alam ko namang siya na 'yun.

From: Darling R****** ❤️

Oo na po!!! Pwede tumawag?

To: Darling R****** ❤️

pwedeng-pwede!

Natatawa kong isinend 'yung reply ko. Kahit kailan talaga ay hindi parin siya nagbabago. Sa mga dumaang araw na ganito lagi ang sitwasyon namin, kapag tatawag siya ay magpapaalam muna. At kapag pumayag ako ay ilang segundo lang ay magc-call na siya. Tulad nalang ngayon. Nagring agad ang cellphone ko at agad ko naman itong sinagot.

Eyes Nose Lips (Knightinblack Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon