Chapter 16

47 1 0
                                    

Lumipas ang araw na paulit-ulit ang ginagawa ko. Gigising ng maaga para pumasok sa klase, sa hapon pupunta ng hospital para magpacheck up at magpatherapy. Siguro ang magandang bagay lang na nangyayari sa buhay ko ay 'yung makausap ko araw-araw si Kib. Lalo niya akong pinapalakas and I can't be more thankful.

Napansin ko rin ang araw-araw na pagdalaw nila tito dito at lagi din nilang sinasama si Jhonas. Nandito nga sila ngayon e but I just can't face them. I still can't believe papa's decision. Gusto niyang ituloy ang kasal kahit na alam niyang mahal na mahal ko si Kib at hindi ko kayang gawin ang gusto niya.

"Anak? Are you sleeping? Hinahanap ka ng papa mo." I rolled my eyes. Kumatok na naman si mama for the 6th time!

"Y/N, sige na buksan mo na'to. Araw-araw kang nagkukulong jan sa kwarto mo. Ano bang nangyayari sayo-" gulat siyang tumingin sakin. Binuksan ko kasi bigla ang pinto. Nakakarindi na kasi paulit-ulit nalang.

"Hanggang kailan ko ba kailangang sabihin, Ma?! Ayoko ngang magpakasal! Naiintindihan niyo ba ang nararamdaman ko?!" bulalas ko habang unti-unting kumukuyom ang mga kamao ko. A tear rolled out of my eye. Bumibigat ang paghinga ko habang matalim na nakatingin sa mga mata ni Mama.

"Anong nangyayari dito?" narinig kong tanong ni Papa na kakaakyat lang. Hindi ko siya tinignan at nanatili kay Mama ang mga mata ko. She's still in shock.

"Y/N, why are you shouting at your mom?!" galit na tanong sa akin ni Papa. He's standing infront of me too just like mom pero magkaibang-magkaiba ang mga ekspresyon nila sa mukha.

"Pa, p-please don't force me to do it. Alam kong kaonti nalang ang itatagal ko sa mundong ito. Alam ko 'yun kahit pa sabihin ng doctor na may pag-asa pang gumaling ako. Hindi ako tanga, Pa. Hindi ako tanga para hindi 'yun malaman." giit ko habang sunod-sunod na tumutulo ang mga luha sa mga mata ko at pigil hininga kong pinipigilan ang pagkawala ng mga hikbi sa bibig ko.

" Nang makilala ko si Kib, alam kong magiging masaya ako sa kanya at napatunayan ko iyon ng mapalapit kami sa isa't-isa. I can't be more happier than I was before. Gusto kong siya lagi ang makikita ng mga mata ko araw-araw bago ako matulog at pagkagising sa umaga. Pa, can't you understand me? I'm madly inlove with Kib. Please don't take my love and life away from me." humahagulgol kong pakiusap sa kanya. He let out a sigh and after that he turned around and walked away. Wala siyang sinabi. Sa haba ng sinabi ko pakiramdam ko ay pumasok lang ito sa tenga niya at inilabas niya rin kagaad. I feel so helpless.

Niyakap ako ni mom at naramdam ko rin ang unti-unti niyang pag-iyak. She keep on saying 'I'm sorry' . It's not her fault. Hindi niya din naman gusto ang gustong mangyari ni papa. She supports me and kib. I know that.

Nang kumalma kami parehas ni Mama ay dahan-dahan kong inilayo ang sarili ko sa pagkakayakap niya. Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang nanlalamig kong kamay at kasabay nito ang paghurma ng isang pilit na ngiti sa mga labi ko.

"I'm sorry, Mom. I'm sorry." mahinahon kong sambit bago ko siya tinalikuran. Isinara kong muli ang pinto at tsaka ito nilock. Pagod na akong umiyak. Nakakasawa na ang umiyak. Gusto ko ng lumaban. Nakakapagod ng maging kahina.

Sandali akong natigil sa pag-e-emote at sandali ring umurong ang mga nagbabadyang luha ng biglang magring ang cellphone kong nakalapag sa sahig. Nahulog pala ito ng padabog akong tumayo kanina sa kama.

Dali-dali ko itong pinulot at sinagot ang tawag ni Kiera. "Hello?" bati ko sa kabilang linya.

"Y/N, kamusta? Okay ka lang ba diyan? Sorry ah kung ngayon lang ako nakatawag." malumbay niyang sambit na nagpakunot sa noo ko.

"Okay lang naman ako pero parang ikaw ang hindi okay. May problema ka ba?" nag-aalala kong tanong. She let out a sigh bago muling nagsalita.

"Nagbalitaan ko kasi ang gustong mangyari ng papa mo. Nalungkot ako syempre kaso super support ako sa inyong dalawa ni kib." pagpapaliwanag niya. Natigilan naman ako sa sinabi niya.

Eyes Nose Lips (Knightinblack Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon