~11~
KIB's POV
Agad akong tumakbo papaalis sa pinag-o-OJT-han ko ng makatanggap ng mensahe sa Mama ni Y/N. Isinugod daw ito sa ospital kaya lubos akong nag-aalala. Napakatagal pa ng beyahe at nangangati na ang mga paa kong makarating sa address na ibinigay ni Tita.
Damn it! Ano ba kasing nangyari?
"Kuya wala na bang ibibilis ang pagd-drive mo?!" sigaw ko sa driver ng bus na sinasakyan ko. Alam kong nakatangin na sa akin lahat ng pasahero dito ngunit binalewala ko na lamang sila. Maaga pa naman. Maaga pero pakiramdam ko ay malapit ng mag-gabi sa sobrang tagal ng pagmamaneho niya.
"Hindi ako pwedeng magmadali, Hijo. Kung gusto mo pala ng mabilisan edi sana sa Taxi ka nalang sumakay. Kita mong madaming pasahero ang sumasakay." masungit na sambit nito sa akin. Napabuntong-hininga na lamang ako at isinuklay ang mga daliri ko sa aking buhok.
Calm down, Kib. Nasa ospital na siya. Wala ng mangyayaring masama sa kanya.
Nang makarating kami sa terminal ng mga bus ay patakbo akong bumaba ng bus at agad na sumakay sa mga nakapilang taxi. "Kuya dito tayo sa address na ito." giit ko sa mamang driver at ipinakita ang text na galing kay tita. Tumango ito at inistart ang makina ng kotse. "Kuya pakibilisan lang po. Emergency po kasi e." natataranta kong giit.
Mabilis naman ang pagmamaneho niya ngunit hindi ko maramdaman iyon. Tanging nakay Y/N ang isip ko ngayon. Nag-aalala ako ng sobra dahil hindi maipaliwanag sa akin ni Tita kung ano ang nangyari. Ang sabi niya lang ay bigla nalang daw hinimatay si Y/N at ang taas ng lagnat.
"Kuya ito po ang bayad. Keep the change nalang po." tumakbo ako papalabas ng taxi ng maiabot ko na sa driver na iyon ang perang pambayad ko. Sobra pa nga yon e kaso hindi ko na mahintay pa.
Tumakbo ako papasok ng ospital kung saan siya nakaconfine. "Miss, Anong room number ni (your full name)?" tanong ko sa nurse na nakaupo sa harap ng counter dito sa loby ng ospital. "Room 127 ho, sir."
"Thanks."
Binuksan ko ng dahan-dahan ang pinto ng room 127. Nasa Third floor ito kaya medjo nahirapan akong hanapin. Kung hindi ko pa nakita si Tita sa may Chapel ay hindi ko pa matutunton ang kwarto niya. "Kamusta na po siya tita?" tanong ko ng hindi manlang siya tinataponan ng tingin. Tulog siya.
May oxygen na nakalagay sa kanyang ilong at may dextrose din siya at kung ano-ano pang mga bagay ang nakakabit sa kanya. Katabi niya ay ang isang maingay na monitor. Parang ayaw kong makita iyon. Nanghihina ako habang tinitingnan siya. Namumutla ang buong mukha niya at pakiramdam ko ay hinang-hina siya. "Hindi ko rin alam kung kamusta na siya, Kib. Ang sabi ng doctor ay maghintay nalang daw muna tayo sa result ng ginawa nilang check up." naiiyak na sambit ni Tita.
Nilapitan ko si Y/N at naupo sa kanyang tabi. Hinawakan ko ang kamay niyang may dextrose at tinignan ito. Nag-init ang gilid ng aking mga mata at pakiramdam ko ay mas lalo akong nanghina habang tinitignan ang kanyang kalagayan. Sana okay lang siya.
"Maiwan muna kita, Hijo. Ibibili lang kita ng makakain." paalam sa akin ni Tita. Tumango lang ako sa kanya at muling bumaling kay Y/N na mahimbing paring natutulog.
"Gising na, Darling. Nandito na ako." pumiyok ako sa huling mga salitang binitawan ko. Ano ba yan kib, okay lang siya!
"Hindi ako sanay na nakikita kang ganyan, e. Hindi muna ako aalis sa tabi mo hangga't hindi ka lumalabas dito." patuloy ko sa pagkausap sa kanya. Sabi nila kapag ang isang tao raw ay nakaratay sa ospital bed at walang malay, kapag kinausap mo raw ito ay naririnig ka ng mga tenga nito. Kaya kahit hindi nakamulat ang mga mata niya ay kakausapin ko siya. Hanggang sa magising siya ay kakausapin ko siya. Ipaparamdam ko sa kanya na nadito lang ako sa tabi niya at magiging okay din ang lahat.
BINABASA MO ANG
Eyes Nose Lips (Knightinblack Fanfiction)
FanfictionWe all know that famous author named KNIGHTINBLACK. We all know his stories but what we do not know about him is his real personality. But what if a girl from the crowd made that author's life upside down? What if in a snap they'll become lovers? K...