Kib's POV
Kabadong-kabado ako habang tahimik na nakatayo dito sa dulo ng simbahan. Namamawis ang mga kamay ko at napakalamig na ng mga ito. Malapit nang magsimula ang pinaka-importanteng araw ng buhay namin ni Y/N.
"Bro, relax! Hindi na yun mawawala. Magrekax ka, halatang-halatang kinakabahan ka e. Maiwan na kita jan, ah? dun na ako sa may pinto." sambit ng best-man ko at tsaka ako tinapik sa balikat at naglakad papalayo. Heto na! Magsisimula na!
Nang matahimik ang paligid at mawala ang mga bisitang naggagala sa loob ng simbahan, hudyat na ito na nga ang simula. Dahan-dahang nagplay ang magandang tugtugin sa paligid at kasabay nito ang paglakad ng mga best-man, bride's maid at ng lahat. Hanggang sa wala ng natira kundi ang saradong pintuan ng simbahan. Lahat kami ay nakaabang sa pintong iyon. Lahat kami ay tutok na tutok ang mga mata.
Sa isang iglap parang unti-unting nagliwanag ang pintong iyon, hudyat na dahan-dahan itong binubuksan para makapasok ang aking mahal.
Parang isang anghel ang tumambad sa amin ng tuluyang mabuksan ang pintuan ng simbahan. Nakatakip ito ng puting belo at may matatamis na ngiti sa mga labi. Dahan-dahan siyang naglakad kasama ang kanyang mahal na tatay na hindi na mapigilang maiyak tulad ko.
Habang pinagmamasdan ko ang babaeng hindi ko akalaing mamahalin ko ng ganito ay hindi ko maiwasang hindi maiyak dahil sa tuwa. Sa maiksing panahon na nakasama ko siya at sa maiksing panahong nagmahalan kami ay masasabi kong siya na nga. Siya na ang babaeng mamahalin ko hanggang sa huli.
"Kib?" isang boses ang pumukaw sa diwa kong nasisilaw parin sa ganda ng taong nasa harapan ko na ngayon.
"Yes po, tito?" naiiyak kong sambit.
"Ikaw na ang bahal sa anak ko, ha? Alagaan mo siya ng mabuti at wag mong hahayaang masaktan siya. Ikaw na ang bahalang magpasaya sa kanya." nakangiting bilin sa akin ni Tito. Tumango na lamang ako at yumakap ng mahigpit sa kaniya dahil sa pagtanggap sa akin ng buong-buo kahit nong una ay hindi niya ako gusto para sa anak niya.
Iniabot niya sa akin ang kamay ni Y/N. Agad ko itong hinawakan at hinalikan ng madiin. Ngumiti kami sa isa't-isa at sabay na naglakad papuntang altar kaharap ang pareng magiging daan sa pag-i-isang dibdib namin ni Y/N.
"Narito tayo ngayon upang saksihan ang pag-i-isang dibdib ng dalawang taong nagmamahalan..." panimula ng pare. Para akong nabibingi sa kanyang mga sinasabi dahil sa sayang nararamdaman ko ngayon.
Hindi nagtagal at matapos ang palitan ng I Do's ay sa wakas umabot na kami sa pinakadulo ng misa. at yun ay ang, "You may now kiss the bride." nakangiting giit sa akin ng pare. Dahan-dahan akong himarap kay Y/N tsaka ngumiti. Unti-unti kong itinaas ang kanyang belo at agad natumambad sa akin ang matatamis na ngiti sa kanyang labi at ang nagluluha niyang mga mata. Ang mga luhang iyon ay hindi dahil sa siya ay nalulungkot, kundi dahil sa saya na nararamdaman niya.
Dahan-dahan kong inilapit ang aking mukha sa mukha niya at tsaka ipinaglapit ang aming mga labi. Parehas kaming nakapikit at sabay ring lumuluha pero para kaming nasa iisang mundong tanging kami lang ang naroroon.
Kasabay ng pagmulat ng aking mga mata at ang paghiwalay ng aming mga labi ay ang pag-i-ingay ng paligid. Puno ng palakpakan at hiyawan. Makikita mo ang saya sa kanilang mga mukha. Ang mga magulang naming hindi mapigilan ang luha at ang mga kaibigan naming nanjan para supportahan kaming dalawa ni Y/N.
Napakasaya ng paligid.Pagkatapos ng picture taking ay unti-unting naubos ang mga tao sa simbahan at nagsipunta sa reception. Nagsimula sa introduction ng host ang party. Kitang-kita namin ni Y/N ang masasayang mukha ng aming mga bisitang nakaupo na sa kanya-kanga nilang table, Habang kami ni Y/N ay nakaupo sa unahan. Pinapakinggan ang mga sinasabi ng host.
BINABASA MO ANG
Eyes Nose Lips (Knightinblack Fanfiction)
FanfictionWe all know that famous author named KNIGHTINBLACK. We all know his stories but what we do not know about him is his real personality. But what if a girl from the crowd made that author's life upside down? What if in a snap they'll become lovers? K...