Nandito na kami ngayon sa bahay ni Gretchen. Kasalukuyan kaming naglalakad lakad. Halos lahat ng andito ay batch mates namin. Andito din ang buong varsity at cheering squad."Gretchen!" sigaw ko ng makita ko siya. Agad naman siyang napalingon sa amin. Nagpaalam siya sa kausap niya at pinuntahan kami.
"Happy Birthday!" bati namin sakanya.
"Thanks. Did you all eat? May pagkain sa kusina kumuha nalang kayo. May mga drinks naman don. " turo niya don sa bar malapit sa Dj's booth
"Oh gift ko." abot ko sakanya.
"Wow thanks Margaux." nakangiti niyang sabi.
"Gretchen!" agad namin liningon ang tumawag sakanya
"I'll see you guys later." paalam niya
Ngumiti naman kami bilang sagot.
"I forgot to bring my swimsuit." naka simangot na sabi ni Celine.
"Pity you. I got mine!" pag-iinggit ni Zoe sakanya.
"Whatever." napa-irap nalang si Celine.
Lumingon lingon naman si Celine animoy may hinahanap. "Oh my god." bulalas niya
"What's wrong? " inosenteng tanong ni Chloe
Hinablot naman ako ni Celine papunta sa gilid niya kaharap ko kasi siya. Nasa kanan naman niya si Zoe, kaliwa naman si Chloe. "See that guy Margaux." turo niya sa akin sa lalakeng naka blue, na nasa table ng mga varsity players. Nakiusisa naman si Zoe at Chloe at tinignan din ang itinuro ni Celine.
"Yeah what now?" irita kong tanong.
"That's Andrei Dizon." sabay sabay nilang sabi.
"So?" tanong ko
"Anong so? That's on the number one list Margaux Lianna!" sigaw ni Celine.
Nangunot naman ang noo ko. What list?
The freaking consequence. Agad kong kinuha ang cellphone at tinignan ang list, pinic-turenan ko to kanina.
1. Andrei Dizon
"U-uh bukas pa naman diba? " kabado kong tanong.
"No you start now." pang-aasar ni Zoe.
"No. No. No"
"Yes. Yes. Yes." sabay sabay ulit nilang sabi.
I heavily sighed. Paano ako mag-aaproach? E ang dami nila sa table. Mukhang varsity player din siya. Think Margaux. Darn it!
"Come'on. You can do it." pang aasar nila at tinutulak pa ako. Damn I'm so nervous. Nakakahiya tong gagawin ko. Ako pa mag aaya ng date? Lord help me.
"Fine! I'm going. Just don't push me." kaharap kasi namin itong malaking pool, baka mahulog ako katutulak nila. Nasa kabilang side yung table nila. Sa tapat namin mismo at dahil may pool sa pagitan iikot pa ako. Ang hassle naman pala nito. Tsk.
Mas lalo akong kinabahan ng nasa tapat na ako ng table nila. Natigil sila sa pag kukwentuhan ng makita akong nakatayo sa harap nila. Diretso ang tingin ko kay Andrei na nasa kaliwang bahagi ng table. Round table ang mesa nasa gitna ang captain nila na si Drake.
"Hey Margaux. What's up!" bati ni Drake sa akin. Tumayo naman siya at nilapitan ako.
Simple naman akong ngumiti sakanya. Magsasalita sana siya ng magsalita ako. "Pwede ko bang mahiram saglit si Andrei?" nakita kong nagulat si Andrei hindi niya siguro inaakala na siya ang ipinunta ko dito.
"A-ah yeah." utal na sabi ni Drake "Uy Drei tayo na dyan." tawag niya kay Andrei. Nag-aalinlangan namang tumaya si Andrei.
Niyaya ko siyang umupo malapit sa bar kung saan pang dalawahan lang na mesa. Malayo man kitang kita ko na nakatingin ang mga kaibigan kong echosera.
"Bakit?" nagulat naman ako ng bigla siyang nagsalita.
"A-ah." ano na magsalita ka Margaux. I don't know what to say. What to do? Should I ask him directly?
Tangina i-date moko!
Napataas naman ang kilay niya at naghihinatay ng sagot. Halaaa nagagalit ba siya? Baka suntukin ako nito. My pretty face. Huhuhuhu.
"What is it Margaux?" ngumiti siya. Mukhang madali lang to, pero hindi ko talaga kaya. Napayuko naman ako kinagat ko ang labi ko. Magdudugo na tong labi ko. Magsalita kana kasi Margaux.
"Date me." damn. Finally nasabi ko. Thank you. Para naman akong nabunutan ng tinik at nakahinga ng maluwag. Una pa lang to pano na yung labing apat na susunod pa?
Napatingin naman sakanya na ngayon gulat na gulat na.
"A-ah sure." giit niya. Hayyyy. Thank you pumayag ka.
Nako wag kang assuming I don't like you boy! Nautusan lang! Tsk!
"Good hehe. Ah may practice ba kayo bukas?" medyo di na ako kinakabahan. All I need is to go with the flow after this fifteen shit tapos na, mag aaral nalang ako at magtatapos ng college. Unless nalang kung may pustahan ulit, at matatalo ako. Tsk.
"Wala." diretso niyang sagot. Mukhang nagustuhan niya ang pag-aaya ka sakanya. Tss.
"Okay." nakangiti kong sabi
"I'll just pick you up tomorrow. And we'll 'date." sabi niya at kinidatan pa ako. At talagang pinagdiinan pa yung salitang date ah!
"Ah yeah sure." sabi ko nalang. Nakakailang naman, bago pa humaba tong usapan nagpaalam na ako. "I have to go." sabi ko
Aalis na sana ako nang pinigila nya ako gamit ng pulso ko. "Yes? " tanong ko. Napabitaw naman siya.
"I can get your number? I mean I'm going to date with you—"
"Yeah sure." putol ko sakanya
Inabot niya sa akin ang cellphone niya, mabilis ko naman nilagay ang number ko. At nagpaalam ng umalis.
"Fuck I can't believe I did it!" salubong ko sa mga kaibigan ko ngayong ngising ngisis.
"So what happened?" Tanong ni Chloe
"Ah obviously I'm going to date with that guy." sabi ko
"What's that sound? Andrei's hot you know. And he's handsome too." sabat ni Zoe. Katabi niya ang bago niyang boyfriend.
"The hell do I care." sabi ko at ininom ang vodka na nasa table.
"Yeah whatever you say Margaux Lianna Trinidad." giit ni Celine
Huminga ako ng malalim. Pinagmasdan ko ang paligid everyone's enjoying and everyone's happy. I guess I'll just enjoy the night. Only 14 more boys to go.