Chapter 10

7 2 0
                                    


MARGAUX POV

Nagising ako dahil naramdaman kong may tumatalon talon sa kama ko. "Wakey! Wakey!" sigaw pa nito habang tumatalon.

What the hell? Why the fuck is this girl here! Anong oras na akong nakatulog almost 5am na ata. I'm still sleepy!

"Hey wake up na were going to shop." naramdaman kong bumaba na si Zoe sa kama ko.

"Hey Margaux wake up its already 2pm. May balak kabang gumising?" Narinig kong sabi ni Celine.

Andito din siya? At 2pm na? Antok na antok pa kaya ako!

"Baka she's dead na." tsk pati si Chloe andito rin.

Napabangon nalang ako. Nakita kong nakaupo si Celine sa couch ko na nagbabasa ng magazine. Habang si Chloe ay nakaupo sa swivel chair ko nakatingin lang sa labas. Habang si Zoe naman eto nandidiring hawakan ang buhok. " Go na take a shower na. Your so pangit" anong problema nito ni Zoe at masyadong hyper.

Gusto kong magprotesta pero tinulak lang ako ni Zoe papasok ng bathroom. Mabilis akong naligo dahil alam kong magrereklamo mga yon, at baka batukan pa ako lalo na tong si Zoe mukhang hyper na hyper.

Pagkalabas ko ay wala sila sa kwarto ko. Baka nagmeryenda sa baba. Agad akong nagtungo sa walk in closet ko. Pinili kong suotin ang kulay cream kong sun dress.

Saglit akong nag-ayos at agad bumaba. Naabutan ko ang tatlo nagtatawan sa kitchen habang nilalamutak ang mga cookies.

"Akala ko ba were going out?" umupo ako sa bakanteng bar stool.

"Yes we are. Ang tagal mo lang." pinunasan ni Celine ang bibig niya "Let's go na! Wala na akong bagong lipstick. Tsk." reklamo niya.

"Need to buy new contact lens and condoms! Hahahaha." siraulo talaga tong si Zoe buti nalang wala si Manang.

Napailing na lamang si Chloe "Ako bibilhan ko nalang si Hans ng bagong watch nawala kasi yung regalo ko sakanya eh." Hans again. Tsk

Tumango nalang ako. Kotse ko ang gamit namin ngayon. Tinatamad daw sila mag drive. "So ako gagawin niyong driver?" reklamo ko ng makapasok kami lahat sa kotse.

"Why do you want me to drive?" tanong ni Celine with matching taas baba ng kilay.

"No! Hindi baka sa hospital tayo mapunta." Haler kaskasera iyang si Celine ayokong mag drive yan para kaming nasa adrenaline rush pag siya driver.

"Okay good. Then tara na!" reklamo nilang tatlo

Napairap nalang ako with passion. Natagalan kami bago makarating dahil sobrang traffic. Reklamo naman ng reklamo ang mga kaibigan kong magaling akala mo may magagawa ako.

"What the hell bakit parang di naman umuusod?" reklamo ni Celine

"It's not my problem." ani ko

"It's okay lang naman kahit ma-stuck tayo dito forever." nagtaka naman ako sa sinabi ni Zoe. Tinignan ko siya mula sa rear mirror, nakatingin siya sa labas. Ng tignan ko kung anong tinigan niya. May hot na guy with his Jaguar. Kitang kita namin siya dahil hindi tinted ang car niya.

Napailing nalang ako. Sobrang bilis talaga ma-attract to si Zoe basta may muscles at sobrang hot. Naglalaway na. Tsk. Tsk. Tsk.

Buti nalang at umusod na at narating na namin ang isang kilalang mall. Una naming pinasok ang boutique ng Ninang ni Celine.

Sunod ay nagpunta kami sa store ng pumps. Mahilig din ako sa pumps. Lalo na si Celine at Zoe. Si Chloe namam bumili ng dalawang pumps pinilit lang siya ni Celine in case of emergency daw.

15 DatesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora