Chapter 11

13 1 0
                                    


Halos isang oras ang tinagal ng byahe namin. Masaya naman palang kasama si Andrei masyado ko lang pala talaga siyang nahusgahan. Charming siya at di ko maipagkakaila yon. Siya pala ang anak ni Mr and Mrs Dizon they owned hundredths of amusement parks in the world at isa na dito ang pinuntahan namin.

Sobrang na amaze ako sa entrance ng amusement park nila as in! Ang daming mga mascots na nakakalat. May mga hereos din such as super man, spider man and etc.

Sobrang daming tao. Yung iba may mga nag-fieldtrip. May mga magjowa din at may mga pamipamilya din. When the staffs saw Andrei ay agad din nila kaming pinapasok.

It's already 8pm pero ang liwanag pa rin ng buong paligid at ang saya saya pa rin ng mga tao. Sumakay kami sa iba't ibang rides. Ngayon lang ako na amaze ng bongga. Sobrang ganda kasi talaga.

Huli namin sinakyan ay ang napaka laking ferris wheel. Nang nasa tuktok na kami ay mas lalo akong namangha sa ganda. Kitang kita ko ang buong view. "You like it?" tanong ni Andrei

Tumango tango ako na parang bata. Ang saya! Namangha ako ng biglang lumiwag ang kalangitan. Sobrang gaganda ng mga fireworks. Ilang minuto rin ang tinagal ng mga fireworks at sa mga minutong yon don lamang ako nakatingin—para akong bata na ngayon lang nakalabas ng bahay.

Naluha ako sa sobrang saya. Agad ko naman pinunasahan 'yon. Lumapit si Andrei sa akin na nag aalala. "Are you alright?" he asked worryingly.

"I'm fine. I'm just happy." i wiped my tears and hugged him tight. Medyo nagulat pa siya sa ginawa ko. "Thank you. You don't know how much I'm happy right know." aniya ko sa pagitan ng yakap ko.

Ako ang humiwalay sa yakap namin at nakita ko siya nakangiti. "Akala ko ano ng nangyari sayo kanina ka pa hindi nagsasalita." natawa siya at ginulo ang buhok ko.

Tumawa lang ako. Nagtawanan lang kami hanggang natapos ang gabi. Masayang masaya ako ngayon, sobra.

Hinatid niya ako sa bahay. Pero bago siya umalis ay nagpasalamat ako. "Thank you Andrei sobrang napasaya mo ako ngayon. Babawi nalang ako, promise!" pagpapasalamat ko.

Mahina siyang tumawa at ginulo ang buhok ko. "Ang ganda mo talaga." aniya niya.

Nagpaalam na siya at pinanood ko siyang mawala. Ng tignan ko ang wrist watch ko ay nagulat ako, 12 am na pala.

Binati ako ng guard na nagbabantay ngayon. Madilim na sa living room baka tulog na si Mommy. Umakyat na ako dahil napagod ako sa lakad namin.

Napansin kong nakabukas ang office ni Mommy kaya sumilip ako. Nakita ko siya nakatulog sa mesa niya. Mommy.

Nilapitan ko siya mabuti nalang at may kumot dito. Nilagay ko sa balikat ni Mommy ang kumot dahil masyadong malamig. Nagaalala ako baka sumakit ang likod ni Mommy. What if gisingin ko siya? No hindi pwede maiinis lang siya sa akin.

Lumabas na ako ng office niya at nagtungo na sa kwarto ko. Saglit akong naligo at nagbihis. Naiwan ko palang nakabukas at naka charge lang ang laptop ko.

I was going to shut it down when I notice something in my notifications.

1 email recieved.

Kinakabahan ako. Isang tao lang ang nagi-email sa akin. Dahan dahan akong umupo sa swivel chair ko at agad pinindot ang email ko.

From: Unknown

    Hey, how are you? I miss you so much Lianna. I miss everything about you, i miss your smile, your laugh, your touch. I miss every inch of you. I regret leaving you. I really do. I'm sorry for leaving you without even saying goodbye. I'm sorry for not telling you the reason why I left you. It's been four years but your love is still in my heart. Sana mapatawad mo ako sa mga nagawa ko. I regret all. I promise you when I come back. Ipapakita ko kung gaano kita kamahal. Lianna wait for me. I can't wait to see you again.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nabasa ko. No, I don't want to him to come back. Sana hindi ka naman nagparamdam. Dahil wala kanang babalikan, Axel.

Sa lumipas sa apat na taon, marami akong natutunan. Ng dahil sa pagmamahal ay nawala ang Daddy ko. Natuto akong lumaban kahit pilit akong hinihila pababa ng mundo. Natuto akong ngumiti kahit masakit. Natuto akong huminga kahit wala ka.

A tear fell down in my cheeks. No I can't cry. I should not cry. I'm already okay. I learn from my mistakes. I avoided looking back because there's so much to look forward to. There's a lot of opportunities waiting for me. I use my past to become a better person now. It took years for me to heal the pain he caused.

Moving on is a process and I did it right. It didn't seem as painful as hard as I initially thought it would be. He already had the best, but he choose to let it go. I'm just gonna move on and act as if nothing has happened.—that's what I did.

"Let them regret their decision by living an even more awesome life after they've left." pabulong kong binasa ang notes na nakadikit sa mirror ko.

I just wish you na hindi ka na magpakita sa akin. Hindi ko kayang makita ang lalakeng nanakit sa akin ng sobra sobra...

----

Maaga akong nagising kinaumagahan kahit puyat ako ay pinilit kong gumising. Ang dalihan ay wala lang, gusto ko lang bigyan ng kulay ay bawat araw na darating sa buhay ko kung kayat dapat ay gumising ng maaga.

Masaya akong bumaba ng matapos akong maligo at mag-ayos. Comfortable na comfortable ako sa suot ko ngayon dahil naka simpleng v-neck lang ako, shorts at white converse.

"Hi Manang!" masigla kong binati si Manang.

"Oh hija, kumain kana nagluto na ako ng agahan mo."

"Sige po mamaya nalang po." nakangiti ko pa din sabi.

"Oh eh bakit yata mukhang masayang masaya ang alaga ko? Marahil ay dahil siguro ito sa binatang nagsundo saiyo kagabi." pang-aasar ni Manang. For sure she's preferring to Andrei.

"Nako he's just a friend of mine lang po." tanggi ko.

"Diyan nagsisimula lahat hija sa magkaibigan. Hanggang sa maging magka-ibigan na kayo." tumawa si Manang ng mahina.

"Ay nako Manang bahala po kayo pero totoong kaibigan ko lang po si Andrei."

"Oh siya kumain ka na ro'on at baka ika'y malipasan ng gutom. Diyos ko tong batang ito."

Natawa na lang ako kay Manang at sumunod sakanya. Nagtatawanan pa kami ni Manang papuntang dinning area. Nahinto kami sa pagtatawanan ng makitang nag-aalmusal si Mommy mag-isa.

Parang hindi niya man lang kami napansin dahil patuloy lang siya sa pagkain niya na parang walang taong nagmamasid sakanya.

Napabuntong hininga ako bago umupo sa gilid niya. Ayokong masira ang araw ko dahil sa pride niya, gusto kong maging masaya lamang sa araw na ito wala ng iba pa.

Sobrang tahimik, tanging tunog lang ng kobyertos ang naririnig ko. Minsan lang palihim akong sumusulyap kay Mommy pero wala talaga siyang pakialam na kasabay niya akong kumain ni hindi niya nga ako tinatapunan o dinadaanan ng tingin. Dahil sa di kaaya-ayang presensya ay nagmadali akong kumain. Masisira lang ang araw ko pag nagtagal ako sa mesang ito.

Kaya ng matapos ako ay dali dali akong tumayo. Pero sa di inaasahang oras at araw ay narinig kong magsalita si Mommy dahilan para mahinto ako. "Magbihis ka. You're coming with me." yan lang sinabi niya pero para hinaplos ang puso ko.

Tumango ako at nagmadaling umakyat sa kwarto ko. Bago ako nagbihis at nagtatalon pa ako sa kama ko sa tuwa. I can't believe it! Is that really Mommy? Thank God. I think God heard my prayers.

I wore my white body con dress. Nagmukha akong sopistikada sa suot ko pero bumagay naman sa akin. Suot ko rin ang pinakamataas kong heels.

Pagbaba ko ay naabutan ko si Mommy sa living room. Napatulala ako saglit kay Mommy totoo nga na parang younger version niya ako. Kung titignan mo siya ay mapagkakamalan mo siyang dalaga dahil wala man lang maipipintas sa mukha niya. Bumagay din sakanya long sleeves na dress na hapit na hapit sakanya at backless pa! Wow I can't believe that my Mom is a goddess ngayon ko lang siya ulit natitigan ng matagal.

I miss this. I really do.

15 DatesWhere stories live. Discover now