Chapter 4

10 2 0
                                    


1am na pero buhay na buhay pa rin ang mga tao dito ngayon sa party. Yung iba nagsasayawan at kasama dun si Zoe. Samatala andito lang kami nila Celine at Chloe sa table, umiinom kami pero. Oo umiinom si Chloe hindi lang halata.

"Omaygawd! Break na pala kami ni John.  *hik*" giit ni Celine habang hawak hawak niya ngayon ang bote ng beer. Beer ang iniinom naman dahil malayo kami sa bar tinatamad kasi si Celine tumayo. Tanging beer lang ang malapit samin.

"Who the hell is John?" tanong ko. Tinignan ko pa si Chloe pero nagkibit-balikat lang siya di nya rin siguro kilala.

"Well. He's my boyfriend. I mean ex, nakipag break na ako kanina. He's *hik* boring." reklamo niya pa. Tinungga niya ang natitira beer na hawak na. Tumayo siya, muntik na siya matumba, mukhang may tama na to. "Hey! *hik* come over here!" tawag niya sa waiter "Dalan mo kami ng beer. Ubosh na oh. *hik*" turo niya sa mesa namin na puro bote ng beer.

Agad naman akong tumayo. "No tama na yan Celine." lumapit ako sakanya at inalalayan siyang umupo. Sinenyasahan ko nalang ang waiter na umalis.

"Heyyyyy. Why did dyo do that? Gushto ko pa Margaux." reklamo niya. Para siyang batang nanghihingi ng pera sa Mommy niya. Hinihila pa akong kamay ko. Nakaupo na kasi siya at nasa gilid niya ako nakatayo.

"She's crazy"  bulalas naman ni Chloe

Umiling ako bago sumagot. "Yes she is. " napatingin ako kay Celine na mukhang tulog na yakap yakap pa ang kamay ko. "I think we should go." giit ko. Tumango naman si Chloe at nagpaalam na tatawagin niya raw muna si Zoe na nasa dancefloor.

Maya maya bumalik na si Chloe kasama si Zoe. Mukhang lasing na rin si Zoe dahil pagewang gewang na kung maglakad at nakalaglag pa ang isang strap ng bra sa balikat. Napailing nalang ulit ako.

"Yesh! Parchy parchy!" sigaw niya pa. Hinila naman siya ni Chloe palapit samin dahil mukhang babalik na naman sa dancefloor si Zoe.

"Ya! Ano ba. Can you—" hindi natapos ni Chloe ang sinasabi niya ng makawala si Zoe at hinubad ang v-neck niyang hapit na hapit sakanya at tumalon sa pool.

"PARCHY! " rinig na rinig ko ang malakas na sigaw ni Zoe.

"Arghhh!" gigil na sigaw ni Chloe. "Pano to we have to go na. It's almost 1am na oh." frustrated  na sabi niya.

"Ako ng bahala." nilapitan ko si Zoe na naka pasan sa di ko kilalang lalake. "Zoe! " sigaw ko. Agad naman siyang lumingon at kumaway akala mo hindi kami nag-kita ng matagal. "Let's go na!" sigaw ko. Mukhang hindi niya naman na-gets ang sinabi ko at nagtanong pa ng saan. "Were going home!" dagdag ko pa.

Mukhang naintindihan niya naman at lumapit siya sa akin nasa kabilang dulo kasi siya ng pool. Agad naman siyang umahon at lumapit sa akin. "Uuwi na tayo?" hindi pa rin siya makalad ng maayos sa sobrang kalasingan kaya inalalayan ko siya.

Inupo ko siya sa tabi ni Celine na hanggang ngayon tulog pa rin. Nako mabigat pa naman tong dalawang to. Tsk.

Tumayo si Chloe at inalalayan niyang tumayo si Zoe. "Ihahatid ko lang si Zoe sa kotse. Babalik ako para may kasama kang magbuhat kay Celine." natawa naman siya sa huling sinabi niya.

Tumango nalang ako. Pinulot ko ang pouch ni Celine na nakalat lang. Maya maya bumalik na si Chloe. Agad naman naming binuhat si Celine. Napangiwi naman ako sa bigat na. Tsk puro alak laman neto.

Buti nalang at hindi malayo ang naparadahan ko. Agad kong binuksan ang passenger seat at inupo si Celine doon.

"Thanks." sabi ko kay Chloe.

Tumawa naman siya. "Di ka pa ba nasanay Margaux." oo nga pala lagi nalang kami ni Chloe nagbubuhat sa dalawang to.

"Tss oo nga pala. " sabi ko pa.

Humikab naman si Chloe bago magsalita "I have to go. I'm sure papagalitan ako ni Ate nito."

"Sige,  careful ha?"

Tumango naman siya at pumasok na sa kotse niya. Mabilis kong pinatakbo ang kotse, tinignan ko si Celine na ang mahimbing parin ako tulog. Tsk. Sa bahay ko nalang to patutulogin.

Agad kaming nakarating sa bahay. Nakailang busina ako bago nabuksan ang gate. Tsk natutulog na siguro yung guard.

"Pasensya na po. E nakatulog po ako." paumanhin niya.

"Sige okay lang po. " sagot ko "Ay Manong patulong po ako dito kay Celine. Tulog na po kasi." dagdag ko pa.

"Sige po mam!"  masigla niyang sabi. Bilib din ako sa energy niya madaling araw na ang sigla sigla pa.

Agad ko pinarada sa garahe ang kotse. Nakita ko naman na naghihintay si Manong Jose.

Tinulungan niya akong ihatid si Celine sa guest room. "Salamat po."

"Walang anuman po Mam."

Tumango nalang ako bilang sagot. Ng umalis siya inalis ko ang heels ni Celine. Mahilig talaga to sa heels, she have a room full of heels and bags.

Kinumutan ko siya bago umalis. Agad akong nagtungo sa kwarto ko at nagbihis ng pajamas ko.

Pabagsak naman akong humiga sa kama. Hay buti nalang at 2pm pa pareho mga klase namin.

Pipikit na sana ako ng may nagtext.

From: Unknown

    Hey you sleeping already?

Who the hell? Tatanungin ko sana kong sino siya ng magtext siya ulit.

From: Unknown

   It's me Andrei. :)

Napairap nalang ako ng bongga. Akala ko kung sino na. Nilapag ko nalang sa side table ko yung phone ko, bukas nalang ako magtitext. Tsk.

Maya maya ay nakatulog na ako ng mapayapa.

15 DatesWhere stories live. Discover now