Chapter 1

13 1 2
                                    


"I'm sure Gladdise will win this game. She's great!" Confident kong sagot sa tatlo kong kaibigan.

"You better win this. " nakangising sagot ni Celine.

She's Celine Manuel 21 years old, siya ang pinaka-open minded sa amin apat. Maganda siya at bagay na bagay sakanya ang wavy niyang hair. Mabait,  matalino she got all. Well she's a play girl nga lang . Grabe to kung magpalit ng boyfriend. Every other day iba iba! Yes that's true. She don't do serious relationships— that's not listed on her vocabulary.

"Of course. " nakangiti ko pang sagot at kinindatan sila.

"Basta me and Chloe kay Janice kami boto! As you can see ang galing niyang kumanta kanina diba?" aniya naman ni Zoe.

Zoe Ramirez 22 years old, kung si Celine every other day magpalit ng boyfriend? Si Zoe weekly lang. She's beautiful din, half german si Zoe kaya medyo baluktot ang tagalog niya. Dalawang taon pa lang namin siya kaibigan. Kumpara kay Celine at Chloe, dahil magkababata kami.

"Yieeeee! I'm so excited. Feeling ko si Janice talaga ang mananalo!" excited na sabi ni Chloe habang pumapalakpak pa.

Si Chloe Santos 21 years old, siya naman ang pinaka-mahinhin at jolly sa amin. Siya ang pinaka-matalino samin. Sobrang cute niya lalo na pag tumatawa siya halos wala na siyang mata. Hindi siya playgirl. Infact may boyfriend siya ngayon. Pero ayaw namin kay Hans dahil, imbes na si Hans ang maghatid sakanya ng lunch, sumundo or ano pa. Si Chloe lahat gumagawa pati mga assignments at projects niya! Lahat ng ginagawa ng lalake ay siya ang gumagawa. Pinagsasabihan namin siya pero ayaw niyang makinig. Iniintindi niya lang daw si Hans.

"Whatever I'm sure si Klarrise ang mananalo." mataray na sagot ni Celine.

Ako naman si Marguax Lianna Trinidad 21 years old. Well ako lang ang naiiba sakanila dahil NBSB ako— No boyfriend since break. 4 na taon na akong single. Although marami naman nagkakagusto sakin pero di ko sila pinapansin. Dahil gusto ko munang mag-aral.

Andito kami ngayon sa gymnasium, lahat ng students andito. Andito kami sa pinakaharap. Papayag ba naman to si Celine na sa bleachers lang kami syempre hindi kaya nakasinggit kami dito.

Audition ngayon ng Note—banda ng school to. At tuwing may ganito lagi kaming nagpupustahan magkakaibigan pero not with money ah. We're just going to dare o bibigyan ng consequence ang matatalo. Confident naman ako dahil isang beses pa lang akong natatalo sa laro namin na to at noong first year college pa lang kami non.

"Oh my god. Ayan na ia-announce na!" Excited na sabi ni Celine.

"Good day students are you excited to know kung sino ang bagong vocalist ng Noteeeeee! " sigaw ni Gab ang drummer ng banda. Every year pinapalitan ang vocalist nila, nagtataka nga kami bakit babae ang gusto nilang kunin ngayon. Ayon naman sa kanila para daw maiba naman. Tsk.

Naghiyawan naman ang mga students. Lalo na ang mga lalake at sinigaw ang mga nagustuhan nilang singer. Magaganda kasi ang mga nag-audition. Tsk boys will be boys.

"Guys listen! Let's give it up to Klarrise De Guzman! The new vocalist of Note! " sigaw ni Gab

What?!

Nagsigawan naman lahat ng magsimula sila tumugtog. "Oh my! I win guys! " masayang sabi ni Celine.

Nilingon naman ako ni Zoe at Chloe. Alam ko na ang ibig sabihin non. Pero bago ko masabi hinila na nila ako papuntang bulletin board, dun nakalagay ang rank ng score nila. God! Sana second si Gladdise.

Kinakabahan ako kasi si Celine ang nanalo! Sobrang mag dare nun! Naalala ko pa dati ng matalo si Zoe at si Celine ang nanalo. Inutusan niyang landiin ang prof naming may gusto kay Zoe. Halos mamatay matay si Zoe non dahil sobrang tanda na ng prof namin na yon, wala naman siyang nagawa dahil may patakaran kami na pag hindi susundin aahitan ang kilay namin kakalbuhin ang tamang explanation. Eh si Zoe kilay is life pa naman kaya napilitan siya.

"MARGAUX!" napatalon naman ako sa sigaw nilang tatlo. Nakangisi silang tatlo ngayon sakin.

Nagtaka naman ako sa inasal nila, di ko malayan andito na pala kami sa harap ng bulletin board. Titignan ko na sana ng sumigaw silang tatlo.

"You lose Margaux!" sigaw ni Zoe

"Hahahaha your face is priceless!" sabi ni Celinw habang humahalakhak pa.

Mahinhin namang tumatawa si Chloe.

Agad kong tinignan ang nakasulat sa board.

1. Klarrise de Guzman          100%
2. Janice Smith                        97.8%
3. Gladdise Santos.                95.9%

Whaaaaat? No way!

Dahan dahan naman akong tumingin sa kanilang tatlo ngayon ay nagtatawanan padin. Matalim ko silang tinignan, kaya agad silang tumigil.

"Okay okay stop girls. Pfft." pagpipigil ni Celine ng tawa.

Damn ngayon palang kinakabahan na ako.

"Okay here's the consequence." panimula ni Celine. "Hmmmmmm ano kaya maganda?" nakahawak pa sa ngayon aa baba  nya animoy nag-iisip. Atat na atat naman si Zoe at Chloe marinig ang consequence.

Pabitin pa talaga. Tsk.

"Spill it Celine Manuel." Nakahalukipkip ako sa kanilang tatlo.

"You have to date 15 guys in a month."


I whaaaatt?

15 DatesOù les histoires vivent. Découvrez maintenant