Chapter 6

9 2 0
                                    


Break ngayon at andito kaming apat sa cafeteria. At hanggang ngayon inaasar pa rin nila ako kanina. Pati si Zoe nakikitawa din. Nai-imagine niya na daw itsura ko. Iniisip ko tuloy na ang pangit ko nga siguro don sa parte na 'yon o hindi lang talaga sila maka-move on.

Kahit di ko sila pinapansin ay tawa pa rin sila ng tawa. Kung anu-anong pinagsasabi tungkol sa akin.

"Next time I'm going to capture your face na!" panggagatong ni Celine

"Yes and and and post it on her birthday make sure to frame it!" hingal na hingal na sabi ni Zoe.

Oh for goodness sake! Hindi ba titigil tong mga friendship ko. Their bullying me! Very bad of them! Naiiyak nalang ako sa isip ko.

"I'm sure makikita ko pa ulit yung mukhang yon!" dagdag ni Chloe

See?! Damn ayoko na talaga. Ano ba 'tong pinasok ko? I mean bakit ba kami naglalaro ng mga ganito tapos ako yung nahihirapan ngayon. Juiceko!

Nagulat naman kami ng may naghaharutang juniors at dahil don hindi napansin ni girl 1 na may tao pala sa likod niya kaya ang dala dala niyang tray ng pagkain ay natapon lahat kay Celine.

Uh-oh.

Mukhang lalabas na naman ang bitch attitude ni Celine. Well she's really a bitch. Pero sa amin hindi. She's bitch lang pag galit,  naiinis, at kung may umaayaw kay Chloe.

See the bitch girl. Nakangisi lang ako ngayon not only me si Zoe din pati na rin si Chloe.

Napatingin naman ako sa mga tao sa cafeteria ang kaninang maingay ay biglang natahimik. Akala mo kami lang tao ngayon pero hindi. Pansin kong iba iba ang reaksyon nila may mga natatakot, may ibang natuwa pa dahil alam nilang magagalit si Celine. Yung iba naman nakaramdam na ng awa sa babaeng nakatapon ng pagkain kay Celine.

Celine's POV

I literally stopped laughing I mean we stopped laughing ng may natapon na malagkit na carbonara sa damit ko. Like what the fuck! I spent hours dressing myself and now matatapunan lang ng carbonara. Hell yeah.

"S-sorry p-po. " sabi ng babae ngayon nakayuko lang.

Napairap nalang ako at tumayo. Inalis ko muna ang mga pasta na nakadikit sa damit ko. "Sorry din." nakangiti kong sabi.

Nagulat naman siya at tiningala akong nagtataka. Napasinghap ang lahat bukod kila Zoe, Margaux at Chloe ng kinuha ko sa waiter na napadaan ang kalderong bitbit niya na naglalaman ng mushroom soup at binuhos sa ulo niya. Napaatras pa ako para di mabasa.

"Oh my god!"

"Poor girl. Malamang lilipat na nag school yan."

Napairap nalang ako sa mga reaksyon nila. Napatingin naman ako sa waiter na mukhang nagulat din sa ginawa ko. "Don't worry I'll pay that" sabi ko sa waiter at kinindatan siya.

Binaling ko ulit ang tingin ko sa babaeng—i don't give a fuck of her name. Ngayon mukhang siyang tanga dahil iniwan kong nakalagay ang kaldero sa ulo niya,  natatakpan ang mukha niya. Natawa nalang ako. Inalis naman niya ang kaldero sa ulo niya. Naririnig ko ang mahinang hikbi niya, cry baby.

"P-pasesnya na p-po talaga."

Naitulak ko siya ng hawakan niya ako dahilan para mapaupo siya sa sahig "Fuck! Don't touch me!" galit kong sigaw. Matalim ko siyang tinigan. "Pwede ba I don't want to see your face here! Wag kang magpapakita sa akin. Or lumipat ka ng school! Losers like you don't fit here." I said that with my bitchy tone.

Napairap nalang ako sakanya dahil mukha siyang basang sisiw ngayon na naka salampak pa sa sahig. Bumalik na ako sa kinauupuan ko.

Napatingin naman ako sa mga friends ko na ngayon pailing iling nalang. "Poor girl. " bulong ni Chloe pero narinig ko pa rin.

"Bitch mode again." napailing nalang si Zoe sa sinabi niya.

Mukhang umalis na yung mga babae dahil wala na akong naririnig na hikbi. Good for them. They should know their limitations, this is not even a playground.

Mali ang binangga nila. Bitch ako losers sila wala talaga silang laban. I'm a bitch. A fucking bitch.

Margaux POV

Napailing nalang kaming tatlo. She's really a bitch. Nagpatuloy ang lahat sa ginagawa nila. Tapos na eksena eh. Umalis si Celine para magpalit saglit. Bumalik din siya agad dahil tatapusin niya daw yung assignment niya.

Maya maya ay may umupo sa tabi ni Celine "Hey baby, chill lang. I heard what happened." see andaming chismosa at chismoso dito. Pero sino naman tong guy na to? Ah yes I forgot lalakero nga pala si Celine kaya panigurado boyfriend niya to. Boy toy pala hindi boyfriend.

"Hi baby." Celine greeted him. Tignan mo patay malisya ang gaga. Napairap nalang ako ng saglit silang naghalikan sa harap namin. "I miss you!" dagdag ni Celine. Nako echosera din to. "Ah guys this is Von nga pala. He's my boyfriend." linya niya yan. Ang naiiba lang ay ang pangalan.

Tumango nalang kaming tatlo. Ng magbell na nagpaalam na ako sa kanila dahil may klase pa ako.

Wala pa yung prof namin sa History ng dumating ako. Kaya't tahimik nalang ako umupo. Naglalaro lang ako ng ever wing ng may biglang nagsalita.

"Kaklase pala kita dito. Nice." walang gana kong tinignan si Andrei sa kaliwa ko. Kaklase ko ba to? Bat ngayon ko lang nakita to dito? "Nag change course ako kaya eto." nagkibit balikat pa siya.

Narinig ko naman na nagbulong bulongan ang mga kaklase ko. Napataas nalang kilay ko sakanila. Big deal ba? Ngayon lang ba nila ako nakitang makipag-usap sa lalake? How pathetic.

"Are you really that silent?" tanong ni Andrei.

Aish! Oo nga pala bat ko ba siya di pinapansin. Ako pa nga nag-aya makipag date diba? Hallooooo Margaux gising. Yung dare baka nakakalimutan mo.

Damn.

"No. Masakit lang ulo ko." I casually smiled at him. Nice pwede na akong best actress.

"Ganun ba? Bukas nalang kaya tayo lumabas—"

"Hindi! Okay lang! Okay lang ako. Ano kaba hehe." ngumiti nalang ulit ako.

Saglit naman siyang nagtaka sa inasal ko at agad din ngumiti "Sige." yan lang ang sabi niya.

Isang oras akong nabagot sa klase. Why do we have to study History. Past is past na nga diba? Tss just move on nalang kaya. Ang dami dami pang sinasabi. Bat di nalang pag-aralan ang mangyayari in the future natuwa pa ako. This life sucks.

Habang nililigpit ko ang mga notebooks ko napansin kong hinihintay ako ni Andrei. Oo nga pala may "date" kami.

"Tara na?" tanong niya

Here goes nothing. I hope this will going to be fun.

15 DatesWhere stories live. Discover now