Chapter 5

6 2 0
                                    

Nagising ako sa malakas na sigaw sa kabilang kwarto. Tss si Celine yon. Hay nako for sure nagwawala na ngayon yon dahil hindi niya na naman maaalala pinaggagawa niya kagabi.

In the count of five kakatok yan sa kwarto ko.

1...

2...

3...

4...

5...

Nagulat ako ng biglang bumakas ang pinto at niluwa don si Celine. Uy bago to hindi kumatok.

"Wa-what the hell happen? Bakit andito ako? Did I do something?" Yan. Yan ang linya niya lagi pagkagising niya. Pag umiinom lang ganyan pero halos di ko na nabiling kung pang ilang beses nya ng tanong yan. Tss.

"Wala." walang gana ko sagot. Tumayo nalang ako, makapag-toothbrush na nga lang. Malapit na ako sa pinto ng bathroom ng harangin ako ng Celine. "What now?"

"Are you sure wala?"

"Oo nga! Wag kana uminom ulit ang kulit. Tsk! Tabi nga!" angal ko.

"What evs!" maarte niyang sagot. "I have to go baka hanapin ako ni Mommy. You know naman yun super kung magalala." dagdag niya.

Dumungaw nalang ako sa pinto at tumango naka bukas lang kasi yung pinto ng bathroom at malapit lang ang sink sa pinto.
"Bye!" rinig kong sigaw niya bago umalis.

Pagkatapos kong magtoothbrush at kung anu ano pa. Bumaba ako, naabutan ko si Manang na naghuhugas ng pinggan. Mukhang ayaw talaga ako ni Mommy kasabay kumain. Tss.

"Oh hija. Kumain kana, hinanda ko na ang almusal mo. Nagluto din ako ng paborito mong bekon (bacon)" aniya ni Manang

"Kumain na po si Mommy?" tanong ko. Kumuha naman ako ni milk sa ref at nagsalin sa baso.

"Oo hija, Magmamadali kasi ang iyong Mommy kanina kung kaya't di ka niya naisabay kumain." malungkot na sabi ni Manang. Ayaw lang ako kasabay non. Pinapagaan lang ni Manang loob ko.

Pagkatapos kong kumain ay umakyat agad ako. Kailangan ko pa matapos yung reaction paper ko.

Hinihintay kong magbukas yung laptop ko ng may nagtext.

From: Unknown

Good morning. :)

Nagtaka pa ako kung sino. Nang tignan ko ang number si Andrei lang pala. Napairap nalang ulit ako. Pinatay ko nalang yung phone ko dahil ayoko ng abala ngayon. Tss.

Lumipas ang oras at natapos ko na yung reaction paper ko. Quarter to twelve na pala. Sa cafeteria nalang siguro ako kakain.

Isang oras akong nagbabad sa bath tub. Muntik na akong maka-tulog tss.

Hmmm ano kayang susuotin ko?

Wala na akong bagong dress. Makapag-shopping nga mamaya. Nagpaikot-ikot ako sa walk in closet ko pero hindi ako makapag decide.

Sa huli ay simpleng white sexy tee and skinny jeans ang suot ko with rocking knee high boots.

Agad akong sumakay sa Porsche 911 GTS ko. Maluho pa rin ako kahit di ako pinapansin ni Mommy. Gift niya to nong birthday ko last year.

Mabilis kong pinaandar ang sasakyan ko, wala pang 30 minuto ay narating ko na ang Hearst University.

Napansin ko na may bakanteng park sa tabi ng Mercedes-Benz C300 Coupe ni Zoe. Mukhang andito na si Zoe ah, tignan lang natin kung walang hangover yun.

Taas noo akong bumaba ng kotse ng marinig ko ang isang pamilyar na tunog na sports car. Tumigil sa harap ko ang pulang Ferrari 488 GTB.

Napairap nalang ako. Damn this race girl. "Naks ang aga." pang aasar ni Celine. Walang kahirap hirap niya namang pinarada ang sports car niya at lumapit sa akin. "Chloe isn't here yet?" tanong niya

I shrugged. When suddenly a white Mazda MX-5 Miata came. "Here she is."

"Hi girls!" she greeted us. Ngumiti ako at nakipag-beso. Si Celine naman ang talim ng tinggin sakanya.

"I hate you! Kayong dalawa i hate you." pumapadyak-padyak pa na sabi ni Celine.

"Why we didn't even do a thing?" I asked

"Wala man lang ba kayong hangover?" frustated niyang tanong. Natawa nalang kami ni Chloe at umiling. "Damn ang sakit ng ulo ko." reklamo niya

Tumawa nalang kami. Kasalukuyan kaming naglalakad aa corridor ng nakasalubong namin si Andrei mukhang kakagaling lang sa practice dahil pawis na pawis siya at may towel pa sa balikat.

Literal kaming huminto gayon din si Andrei. Siniko naman ako ni Celine "Say a word Margaux." Ilang beses niya akong siniko.

"Hi Drei!" What the fuck?! Drei? Seriously, hindi naman kayo close tatawagin mo siya ng Drei?

"Hi Margaux." nakangiti niyang sabi.

I stopped for a while. Gwapo pala talaga si Andrei, hindi ko kasi masyadong naaninag ang mukha niya kagabi dahil di naman ganoon kaliwanag that time. Ngayon ko lang napagmasdan ang mala-anghel niyang mukha- may pagka-moreno niya, 5'8 ang hieght, matangos ang ilong, makapal ang kilay at ang nipis ng labi niya.

What? Pati labi?

"Margaux you're drooling." nagulat ako ng bumulong si Celine.

Agad naman akong napapunas sa labi. Pero wala naman. Aish naisahan nanaman ako! Narinig ko naman siyang tumawa ng mahina.

Napangiti nalang ako kay Andrei na ngayon na tatawa na. Take note yung ngiting natatae ah! Alam niyo yon? Gosh nakakahiya.

"Susunduin nalang kita mamaya." sabi niya at kinindatan pa ako.

Nang makaalis si Andrei. Nagulat ako ng maghalakhakan si Celine at Chloe. What the?

"Hahahahahaha what the fuck Margaux you almost drool." tawang tawa na sabi ni Celine with matching hawak pa sa tyan.

"Sayang we didn't take a picture of her face." isa pa to si Chloe.

"Tss, tumigil na nga kayo." aniya ko

Tumigil naman sila. Nako po! Mukhang sa loob ng isang buwan pagkakaisahan lang ako ng mga kaibigan ko. Wag naman sana.

15 DatesWhere stories live. Discover now