Chapter 14

7 0 0
                                    


Naiwan kaming dalawa ni Nicolai sa cafeteria dahil nauna na ang tatlo may major subject pa daw sila. Nagkataon na pareho kaming walang klase na. Ang malas ko talaga.

Hmp! Kung ayain ko na kaya siya? Ihh nakakahiya baka magulat siya mukhang seryoso pa naman siya ngayon, may binabasa siyang libro. Pano ba 'to?

A. Nicolai date tayo!

B. I date mo naman ako para happy!

C. Let's date and have fun!

D. DATE ME! JUST FUCKING DATE ME!!!

Alin 'don I can't decide. I'm so very unlucky! Why the hell do I have to do this. "May sasabihin ka ba?" muntik na akong malaglag sa upuan ng magsalita siya.

"Ah eh, w-wala naman." liar! Kailan pa ako natutong magsinungaling ng ganito.

"Come on sabihin mo na, your distracting me. Nakakailang kanina ka pa nakatingin. Don't tell interesado ka sa librong ito?" aniya habang iniwagaywagay ang libro sa harap ko.

"Ano kasi.. Baka gusto mong makipagdate?" seryosoooooo? I'm so cheap. Ang pangit ng sinabi ko!!! Oh my, lupa kainin mo na ako.

Natawa naman siya ng mahina "You know what konti nalang pagkakamalan na kita baliw." natatawa niyang sabi habang tinuturo pa ako.

What the hell? Ako baliw? Bulag kaba Mister? Ang hirap naman nito, maikli lang pasensya ko baka mamaya mabugbog ko na to. "Let's just date you know. Labas labas ganun." mahinahon kong sabi.

"Why would I date you?" he asked. Ang seryoso ng mukha niya. Nakaka tense!

"Because you have to." simple kong sabi.

"I can't believe na kasama ako sa mga ka-date mo." pailing-iling niyang sabi. Whaaaaat? Paano niya nalaman!? "I heard you guys talking about the fifteen dates, hindi niyo ata nakitang may tao malapit sa bulletin board." natawa siya sa naalala niya. Andoon siya? So alam niya pero he has no idea na kasama siya.

"Please help me nalang. Tutal alam mo naman pala. I'm sorry andaming kalokohan ng mga kaibigan ko hehe nadamay kapa. " aniya ko saka nag peace sign.

"Okay lang, para may makausap naman ako and besides partner kita sa biology kaya okay lang."

"Really? Pumapayag kana? Your going date me?" wow mukhang excited ha. Tss.

Natawa ulit siya bago magsalita "Ang cute pala pag babae nag-aaya ng date no. I mean madami naman papansin diyan, pero iba pa rin talaga pag ganito. Hahahahaha." natawa siya ng sobra.

Sinabayan ko nalang siyang tumawa kahit halatang peke naman. "So bukas date tayo?" tanong ko.

"Yeah sure sa condo ko nalang tayo, gumawa nalang tayo ng project. Parang date lang din yun." walang gana niyang sabi.

Tumango tango nalang ako, wala namang masama don and he doesn't look like a pervert naman, a rapist or something. I trust him naman kahit ngayon lang kami nagkakilala.

Sinabi ko sakanya na sunduin niya nalang ako bukas pag pasok para ihahatid niya na nalang ako pauwi para di maiwan yung baby loves ko sa parking lot. Pumayag naman siya at di umangal. Mabait naman pala siya e bookworm nga lang. Pag kinakausap ko siya di man lang siya tumitingin sa akin pag sumasagot.

Pero okay na rin to para walang problema. "Nag ka girlfriend ka na ba or something?" i suddenly asked.

Nag-angat siya ng tingin sa akin at tinigil ang pagbabasa "I have one." napangiwi pa siya sa sinabo niya.

15 DatesWhere stories live. Discover now