It's almost 2 am. Pero eto ako yakap yakap ang sarili ko. Magdamag akong umiyak. Hindi ako nakatulog masyado akong naapektuhan sa nangyari kanina. The memories of me and my family are keep popping in my mind.Pero may isang alala na hindi ko malilimutan. The day Dad died.
Flashback...
4 years ago.
Halos 3 buwan na akong nagmumokmok sa kwarto ko. I can still feel the pain. I just want to love! It freaking hurts. Why did he hurt me. He promised me to love me till the end. But now he left me, he left me hanging. He left me dumbfounded. He left me broken.
Pinunasan ko ang luha ko. I already made my decision. I'm going to follow him in Las Vegas. Tinupi ko ang sulat na iiwan ko kila Mom at Dad. I'm sorry. I really love him.
Kinuha ko ang maleta ko na kahapon ko pa inimpake. Huminga ako ng malalim. I took a last glance in my room. I will miss this room. Eto na ang naging kwarto ko simula pagkabata.
Dahan dahan akong bumaba ng hagdan. 12am na at sigurado akong tulog na ngayon sila Mom at Dad. Maswerte ako dahil tulog ang guard na nagbabantay ng gate kaya mabilis ako nakalabas.
Nagmadali akong naglakad, tinanaw ko ang bahay namin. I'm very sorry. Walang masyadong taxi kaya kailangan ko pang maglakad palabas ng subdivision.
Pero ng makalabas ako ng subdivision. Hinarang ako ng isang pamilyar na kotse.—Dad's car.
Bumaba siya ng kotse at nakapangtulog pa siya"Get in the car Margaux!" he shouted on the top of his lungs.
"Dad please let me. I love him and I need to follow him" i begged. Alam ni Dad ano ang pinagdadaanan ko, sya ang lagi kong nakakausap.
"No you are not going anywhere Margaux." galit na galit si Dad. I can see in his eyes how dissapointed he is.
"Daddy I-i love h-him." pumipiyok na ang boses ko. Walang tigil ang luha ko sa pag patak.
"I said get in the car. Ng dahil lang sa isang lalake nagkakaganyan ka!" kinuha ni Dad ang maleta ko at pinasok sa kotse. Agad ko naman pinigilan si Dad.
"Dad please." pagmamakaawa ko. Pero sa halip na pakikinggan niya ako hinila niya ako papasok ng kotse. Nagpumiglas ako pero masyadong malakas si Dad.
Humahagulgol na ako halos di na ako makahinga. Naghahabol ako ng hininga. Napansin kong ibang direksyon ang tinatahak namin. "Dad naman please. W-where are going ?" pasusumamo ko pero hindi niya ako pinakinggan.
"Where going in Cavite. Doon ka muna!" matigas na sabi ni Dad
"No Dad ayoko. Please." pagmamakaawa ko.
Nahinto kami sa spotlight. Tinignan ako ng masama ni Dad "Anak, listen don't ruin your life just because that guy hurt you." paliwanag ni Dad. Bumuhos ang luha ko. Pinunasahan niya ang mga luha ko. "Anak your my princess. At ayokong nakikita kang nagkakaganyan." parang hinaplos ang puso ko sa litanya ni Dad.
Tama si Daddy. Dapat kong ipagpatuloy ang buhay ko. The world doesn't revolve around me. "Dad your right. Thank you po. I love—" hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil napatulala ako sa paparating na truck. Nakakasilaw ang liwanag na paparating. Masyado akong nagulat at ang bilis ng pangyayari ang alam ko ay niyakap ako ni Dad.
Nang magising ako ay hinahap ko si Dad. Si Ate ang unang bumungad sa akin. Mugtong mugto ang mata niya at sobrang putla niya. Mukhang nasa ICU ako ngayon.
"Are you alright? Thank goodness. Manang patawag ang Doctor!" pag aalala ni ate.
Tuyong tuyo ang lalamunan ko. Ilang araw na ba akong natutulog? "A-ate si Dad?" sobrang hina ng boses ko at paos pa.
"M-margaux.. " malungkot na sabi ni Ate.
"A-ate b-bakit?" kinakabahan ako ng di malaman. Kinakabahan ako dahil baka nangyaring masama kay Daddy hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
"D-dad is—"
Hindi natapos ni Ate ang sinasabi niya ng biglang pumasok si Mommy sa kwarto "WALANG HIYA KA! THIS IS ALL YOUR FAULT!" halos di ko makilala si Mommy ngayon dahil galit na galit sya at mugtong mugto rin ang mata niya. At lubog na lubog ang mata niya.
"Mom please." pagmamakaawa ni Ate.
"NO THIS IS ALL HER FAULT YOU STUPID BRAT! BECAUSE OF YOUR SELFISHNESS YOUR FATHER DIED!"
YOUR FATHER DIED...
YOUR FATHER DIED...
YOUR FATHER DIED...
YOUR FATHER DIED...
YOUR FATHER DIED...
Patuloy na nagi-echo ang huling sinabi ni Mommy. No. No. No. Hindi ko namalayan tumulo na pala ang luha ko. This is all my fault. Kung di dahil sa akin ay hindi mangyayari to. Hindi sana mawawala si Daddy.
Ever since Dad died. Halos hindi na ako kinakausap ni Mommy. Mabuti nalang at andyan si Ate. Siya lang ang kakampi ko.
Flashback ends...
Mahigpit kong niyakap ang sarili ko. Ang sakit, sobrang sakit. My father died because of me. Kung nag-isip lang sana ako ng maayos hindi sana nangyari noon 'yon.
Mas lalong bumuhos ang luha ko ng mahagip ng mata ko ang isang litrato. It's our family picture. I can see the happiness of each us in the photo. Malayong malayo na ang kasiyahan na yan ngayon, dahil kulang na at sobrang lungkot pa.
I left a big sigh.
Were far from being happy. Hindi ko naman masisisi si Mommy, dahil aminado naman ako na ako talaga ang may kasalanan. If only I can go back in the past. Babaguhin ko talaga ang mga nangyari noon.
I wiped my tears. Kinuha ko ang cardigan ko at sinuot iyon. Saglit kong tinignan ako mukha ko sa salamin. Ang pangit ko tuloy. Tsk.
Bumaba ako. Dim light lang ang nakabukas sa living room. Agad akong nagtungo sa garahe mabilis kong pinatakbo ang kotse ko papuntang memorial.
Huminga ako ng malalim bago bumaba. Umupo ako sa tapat ng puntod ni Dad. "Hi Daddy. I miss you so much." di ko maiwasang maluha. Ramdam na ramdam ko ang lamig kaya napayakap ako sa tuhod ko. "How are you Dad? Alam kong miss mo na rin ako. For sure miss mo na yung strawberry cake ko." natawa ako ng mahina. Naalala ko dato lagi kong pinagbi-bake si Dad ng cake. "Iniwan mo kasi kami agad Dad eh." wala na di ko na mapigilan ang luha ko. Suminghap ako at pinunasan ang luha ko. "I miss our family Dad. I miss you, I miss Ate and I-i miss M-mom." rinig na rinig ko ang mahihinang hikbi ko. "Daddy ang tahimik na ng bahay lagi. Wala na kasing tumutugtog ng piano eh. Ikaw lang naman marunong." i can't help to be emotional. Feeling ko kahapon lang nangyari ang aksidente na 'yon. It still fresh the pain is still here too.
Dad if only your here. With us. It would be wonderful.