I'm here right know sa library may hinahanap akong libro, pero di ko mahanap, for pete's sake. Halos isang oras na akong naghahanap pero di ko mahanap. Ito naman kasing prof namin ang arte ayaw ng galing sa internet, now ako nahihirapan. Tsk.
Sinubukan kong hanapin sa ibang section dahil baka naligaw lang. At hindi ako nagmali tsk sino kayang bwisit naglagay ng book ng science sa bible section? Napailing nalang ako.
Kukunin ko na sana ng may kumuha. Gulat akong napalingon sa kumuha. What the fuck! Isang napakagandang nilalang ang kumuha. Hindi niya man lang ako pinansin at tumalikod na.
Asdfghjkl! Suplado. Hmp! Di porket hot ka tss. Siya lang naman ay walang iba kundi si Nicolai Dave Mariano—ang susunod kong ka date. Napangiwi nalang ako.
Pero teka, yung book! Padabog akong lumapit sakanya na ngayon ay tahimik na nagbabasa sa pinakadulong mesa. Hot ka pero di ka uubra, ako nauna.
Nakapamewang akong tumayo sa harap niya. Nakuha ko naman ang atensyon na ngayon mukhang nawi-weirduhan na sa akin. Taas kilay kong tinuro ang libro "I was the one who found that book. Inagaw mo sa akin yan." matapang kong sabi pero pabulong lang dahil baka suwayin ako ng librarian na masungit.
Tumaas ang gilid ng labi niya. "Okay. But hindi mo kinuha agad miss." tinanggal niya ang salamin niya at pinunasan.
Omy. God hes so freaking hot! Oh shit, erase! Erase! Remember yung book Margaux.
"So? I don't give a fuck." pabulong kong sigaw. Naupo ako sa harap na, ay nako nauubos na pasensya ko.
"Woah. Woah. Watch you mouth there miss." aniya. So? Anong masama sa sinabi ko.
"Well it's my mouth I can say whatever I want." inirapan ko siya with passion. Umiling lang siya at nagbasa ulit. Aba bastos!
I heard the bell rang. Aish ano ba yan! Napatingin ako sakanya mukha mabait naman siya, di naman to siguro magagalit pag tinakbo ko ang libro na binabasa niya. I mean sobrang kailangan ko na kasi, duh? Biology na next subject ko.
Huminga ako ng malalim. I can do this, simpleng bagay lang naman to. Tumayo ako "Okay kung ayaw mong ibigay bahala ka." sabi ko saka hinablot ang libro at kumaripas ng takbo palabas narinig kong tinawag ako ng librarian.
"Sorry!" sigaw ko ng may nabangga ako. Oh god I'm so late na.
Narating ko ang room ng hingal na hingal. Oh gosh that was terrible! I promise not to do that again, I'm so bad.
Napatingin ako sa room wala pa naman pa pala ang prof namin na bakla. Binasa ko nalang ang libro hanggang sa dumating na si prof.
"Ah class listen, the students beside your room are going to sit in here kasi may inaayos sa room nila at si prof Dain ay wala. Is that okay?" he asked
Wala namang tumutol, lalo na ang girls dahil marami daw gwapo don sa kabilang room. Parehong biology yon, at dahil wala si prof Dain ay makiki-sit in sila.
Pumasok na sila yung iba ay may dalang upuan, may mga gwapo naman pero mukhang nerd. At yung mga babae mukhang nerd din pero magaganda at makikinis. Ang inaasahan ko ay may uupo sa tabi ko pero wala, may isang babaeng uupo na sana pero ng makita ako ay natakot. Tss iba talaga si Celine, nasisindak tuloy mga tao sa akin.
Nagsimula ng mag discuss si prof ng may dumating na lalake. Hindi ko nalang pinansin at tumingin sa labas. "I'm sorry Sir." i heard the guy said. His voice seems familiar.
"Why are you late Mr. Mariano?" literal akong napalingon sa pinto. What the fuck! Bat andito siya.
"Uh" mukhang di niya alam sasabihin niya. Napatingin naman siya sa amin. Pero ng dumapo ang tingin niya sa akin ay nagulat sya pero agad din ngumisi. "There's a girl who stole a book from the library po. At pinahanap po sa akin ng librarian ang babaeng yon." aniya ng nakatingin pa rin sa akin.