< Xyrus Benz Cosimūs’ PoV>
“Pre, ba’t ganyan yang mukha mo? Masyadong problemado ah.” –Sabi ni Kris nang makalapit na siya sa akin. Nandito kami sa mini-library sa loob ng opisina ni Andy.
“Shut up, Kris.”
“Oooah. Chillax. Alam ko na kung bakit nakabusangot ka. Naubusan kasi kita ng shampoo kanina noh? Sensiya na, pre. Sobrang kati kasi ng anit ko. Para bang garapata yung nagpupugad sa buhok ko eh.”
“Huh?”
“Joke. Haha. Masyado kang kinakabahan kasi mukhang may laban sila Jade. Tama?”
“I’m not tensed.”
Medyo. Pero hindi ako aamin kay Kris. Alam kong magpapa-party pa ‘tong loko kapag sinabi ko sa kanya yung totoo.
“Sige, sabi mo e. Pero hindi ka dapat kabahan. Kaya natin to. Gaya lang noon. Kung nagawa na natin last year, bakit hindi pa ngayon? Haha.”
“I know.”
Last year, dalawa lang ang kinailangan sa Brain Quest na ‘to. Grade XI pa lang kami noon pero dahil sa puspusang pagre-review na ginawa namin ni Kris, nagawa naming mapili sa elimination.
“Kailangan na mas seryosohin natin ang elimination sa taong ito. Nakakakaba kasing kalaban sila Jade. Kaya Xyrus, mag-isip ka na ng strategy natin para manalo.”
Nakalaban na rin naman namin sila Jade last year, pero kumpara noon sa ngayon, alam kong malaki ang posibilidad na manalo sila sa amin. Matalino si Jade. Natalo na namin sila noon, pero iba ngayon. Nasa kanya si Anna.
Matalino ako. Ayoko mang aminin pero alam kong kayang tapatan ni Anna ang talino ko. O baka nga mas higitan pa ito.
“Naaalala ko pa noon nung mag-champion tayo! Ang sarap sa pakiramdam. Nakakatuwa. Tayong dalawa yung may hawak nung trophy. Haha. Para tayong kambal nun. Sabi ko sa sarili ko, sa susunod na may event na tayo na naman ang partners ay magpapagawa ako ng tarpaulin. Ang nakalagay? ‘Go SUPER TWINS’!”
Hindi ko na siya pinansin pa. Kinuha ko yung makapal na libro na nasa tabi ko at nagsimulang i-highlight yung mga kailangan ko pang i-master.
Tumigil na sa pagsasalita si Kris kaya naging tahimik na dito sa loob. Pero maya-maya pa ay ang biglang dating naman nila Laida.
“Naamoy ko na.” -Laida
“Talaga?” -Kris
“Oo naman.”
“Yazawa, sinasabi ko sayo. Hindi ako yung umutot. Peksman!”
“Loko! Napaghahalataan ka! Pero hindi kasi yun. Iba ang tinutukoy ko. I mean, naamoy ko na ang tagumpay. Tayong apat ang papasok sa Brain Quest sa taong ito!” –Nakangiting sabi ni Laida at nakipag-high five pa kay Isabel.
Si Vince talaga dapat ang kasama namin pero dahil mas marami siyang tinatrabaho sa pagka-presidente niya ay nag-pass muna siya.
Si Isabel ang pumalit sa kanya. Matalino din ang babaeng to. Top 9 siya sa Admission Exam. Kahit din naman dati, lagi siyang pumapasok sa top ten. Kaya kampante naman kami na maasahan talaga siya.
“So hindi pa nakakarating sa inyo?” –Kris
“Ang alin ba, Kris?” -Laida

BINABASA MO ANG
She's Yours
ChickLit"She is not my type. She is never been my type. And she will never be my type."