< Xyrus Benz Cosimūs’ PoV >
“Andy, wala kang alam sa makapagpapabuti sa akin. Ni katiting, wala kang alam.”
Nagulat ako sa diretsahan niyang pagsabi nito. Hindi sa sarcastic pero puno ng pride. Dahan-dahan niyang inangat ang mga mata niya para tingnan si Andy. Gaya ng dati, mapupungay talaga ang mga mata niya. It’s so dull.
“You should move on, Anna. Hindi na kayo.”
Hindi ako ang sinabihan nun ni Andy pero parang nasaktan din ako. Kitang-kita ko na nasaktan si Anna sa sinabi nito. Gusto ko na siyang lapitan sa mismong oras na ito pero hindi ko magawa. Kahit si Vince, alam kong gusto niyang daluhan ang kaibigan niya pero hindi rin ito kumikilos. Para bang gusto lang nilang lahat makinig. Makinig sa kahit na anong sasabihin niya.
“Move on? Oo, madali lang yan kung ikaw ang nang-iwan. Pero ako ang iniwan. Don’t tell me it’s easy to move on ‘cause in the first place you don’t have an idea how it felt being left. Dahil ikaw, ikaw ang nang-iiwan!”
Narinig ko ang hindi kalakasang hikbi sa kwartong ito. Pero hindi ito galing kay Anna. Andy is the one who is crying. And again, dahil kay Anna. Ito ang ikalawang beses na nakita ko siyang umiyak.
Tumayo si Anna at malakas na tinabig ang nakaharang na mga kamay ni Andy. Bigla namang pumasok yung mga nurse. Mabilis silang lumapit sa kanya para pigilan siya. Nanlaban pa si Anna pero nang maturukan na siya ng pampatulog ay tumigil na ito.
“…Today is supposed to be our third anniversary. Magtatatlong taon na sana kami.”
Tuluyan ng pumikit ang mga mata niya patunay na umepekto na yung gamot.
*****
“It wasn’t the 8th time. Lagi siyang lumalabas ng cabin sa dis oras ng gabi. Sabi niya, magpapahangin lang daw siya sa campus. Pero inaabot siya ng madaling araw sa tuwing umaalis siya.” -Kwento ni Jade. Hindi siya nakatingin sa isa man sa amin pero alam namin na gusto niyang makinig lang kami. “K-Kanina, pinipigilan ko siyang umalis dahil malakas ang ulan. Nung una, hindi siya nagpapapigil pero pinilit ko siya. Akala ko pumayag siya. Nagulat na lang ako pagkagising ko, wala na siya.” Inangat niya ang ulo niya bago muling nagsalita. “One time, habang natutulog siya, panay ang sabi niya na huwag daw siyang iiwan. Tapos bigla-bigla na lang na gigising siya na para bang gusto niyang takasan yung panaginip niya.”
Nandito kami nila Jade, Kris, Jeanne at Laida sa labas ng kwarto ni Anna. Nasa loob naman sila Vince at Andy. Himbing na himbing naman na natutulog si Anna sa kama nito. Hindi ko man inaasahan pero sumunod na nagkwento si Jeanne.
“Si Peter.” –Pagsisimula ni Jeanne. “Based from what happened, he was her jerk ex-boyfriend. They are actually the sweetest couple I knew but just like any other couple, their relationship ended.”
“Wag kang mag-alala Jeanne. Hindi ko hahayaan na matapos yung relasyon natin gaya ng sa kanila. Sisiguraduhin ko na ang magiging ending mo ay sa kama ko lang at sa dose pa nating mga anak. Ouccch. Ansakit nun, Laida.” –Turan naman ni Kris pero hindi siya pinansin ni Jeanne at itinuloy na nito ang kwento niya.
“Dumating na lang yung araw na hindi ko na muling nakita si Peter. Same goes with Anna. Nung Acquaintance Party ko nga lang ulit siya nakita. I didn’t expect na nandito pala siya sa Pilipinas. Wala din akong idea na nagbreak pala sila.”
Madami akong gustong itanong pero naunahan ako ni Laida. “Pano niyo siya nakilala?”
“Naging kaibigan ni Vince ang mga kaibigan ni Anna sa New York. Kamag-anak naman ni Andy yung isa sa kanila. Hindi talaga namin siya kilala, konti lang ang alam namin tungkol sa kanya dahil hindi rin kami nagtagal sa Amerika.” –Pahayag nito nang biglang bumukas yung pinto. Niluwa nito si Vince. “Why didn’t you tell me?” Tanong nito kay Vince.
BINABASA MO ANG
She's Yours
ChickLit"She is not my type. She is never been my type. And she will never be my type."