22nd

426 49 8
                                    

< Anna Grecque’s PoV >

Nilibot ko ang paningin ko sa buong parking lot. Nasa 28 kotse ang nandito. Nakapatay rin ang lahat ng ilaw at makina ng mga sasakyan kaya nasisiguro ko na nakapatay din ang kay Xyrus. Muli kong inilibot ang mga mata ko at napansin ko na nasa gitna pala ako ng mga ito. Ako lang din ang tao na nandito maliban na lang kay Xyrus na nasa loob nga daw ng isa sa mga sasakyang ito.

‘Kakatukin ko ba bawat isa? Fvck! That’s bvllshit, Anna. Para kang isang malaking tanga kung gagawin mo yan.’

Kinuha ko ang phone ko at mabilis na nagdial. Sa unang ring palang ay nasagot na niya ito kaagad.

Calling: XB. Cosimūs

“Where are you?”

[Inside my car.]

“Pwede bang lumabas ka?”

[Make me.]

Sa di maipaliwanag na dahilan ay biglang nagsitaasan ang balahibo ko. At pakiramdam ko ay mas lalong naging tahimik ang paligid ko. Para bang yung ingay na nagmumula sa phone ko lang ang natatanging ingay dito.

“W-What?”

[Find me.]

“I’m not playing your game.”

[You’re playing the game. Already.]

Shvt! Hindi ko nga napansin pero nilalaro ko na nga ang laro niya. Nakita ko na lang ang sarili ko na pagala-gala ang mata sa mga kotse. Umaasa na isa sa mga yun ang kinaroroonan niya. Nasa tenga ko pa rin ang phone ko. Itinigil ko ang paghahanap ko. I decided to fake a laugh.

“Hahaha.”

[Well, Anna…]

Kusang tumigil ang sarili ko sa pagtawa ng muli na naman niyang banggitin ang pangalan ko. Iba talaga ang dating sa akin sa tuwing binabanggit niya ito. Ito ang pangalawang beses na narinig ko siyang banggitin ang pangalan ko. Pero gaya ng una, nanghina ding muli ang mga tuhod ko.

[…Every wrong move has its punishment.]

Natigilan ako sa sinabi niya pero hindi na ako nakaramdam ng kahit na kaunting kaba. Dahil nakita ko na ang kotse niya. Nahuli ko na siya. At tatapusin ko na ang larong pilit niya akong pinasok.

“Got you.”

Sabi ko nang nasa tapat na ako ng isang itim na itim na kotse. This is his car. Naging sobrang busy siguro niya sa pakikipag-usap sa akin kaya nakagawa siya ng isang maliit na ingay na hindi naman pinalagpas ng tenga ko. Napangisi pa ako ng dahan-dahan ko itong nilapitan. May kataasan ang sasakyan pero kitang-kita naman na walang tao sa driver’s seat.

[That is not my car.]

Naningkit ang mga mata ko nang marinig ko ang sinabi niya pero nanlaki naman ang mga ito nang muli akong tumingin sa kotseng tinutukoy ko. Bigla na lang akong may nakitang nakataas na paa ng isang babae. May iniisip akong posibleng nangyayari pero napagtanto ko na tama nga ang hinala ko. Lalo na nang makita ko ang hubad na likod ng isang lalaki.

‘Nagmimilagro kayo sa sasakyang hindi tinted? You people.’

Tinalikuran ko na ang kotseng yun nang marinig ko naman ang hindi kalakasang tawa ni Xyrus. Gvgo talaga ‘tong lalaking ‘to. Hindi ako makapaniwala kung bakit ba hindi ako nagreklamo nang magpaalam siya na siya ang maghahatid sa akin.

She's YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon