28th

537 54 11
                                    

< Xyrus Benz Cosimūs' PoV >

Pinaharurot ko ang motor ko na para bang ako ang hari ng daan. Masyadong mabilis ang pagpapatakbo ko kahit na wala naman na ako sa Racing Square. Kung may pulis ngang rumuronda ay sigurong huhulihin ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Siguro, kung saan na lang ako dalhin ng pagpapatakbo.

Napunta ako sa isang bar. Laurel Bar, isang bar na malayo sa DIU. Ito ang unang beses na nakapunta ako dito. Walang ibang facility na nandito bukod sa bar na 'to dahil nasa pagitan siya ng malawak na empty space. Malaki ang parking lot nila. Madami rin ang mga naka-park na sasakyan. Nang pumasok ako sa loob ay parang hindi mo iisipin na ganito pala kalaki ang lugar.


"Hi handsome! How about a night with me?"

"Ang gwapo mo naman. Sayaw tayo?"

"Ay suplado! Sayang."

 

Madami pa ang nagsilapitan sa akin pero lahat sila ay hindi ko pinansin. Dumiretso lang ako sa counter at doon umupo. Walang ibang tao na nakaupo dito dahil na rin siguro sa maganda ang music kaya nasa dance floor ang karamihan.


"What do you want, sir?" ­—Tanong sa akin nung bartender.

"Anything. Hard drinks."

 

Mabilis naman na tumalima ang bartender. Hindi pa nag-iisang minuto ay nasa harap ko na ang hinihingi ko. Nasa ikatlong baso na ako nang may lumapit sa akin na isang lalaki. Umupo siya sa katabi kong upuan sa counter. Nung una ay hindi ko siya pinapansin kaso nga lang ay nakatingin lang siya sa akin. He's intently staring at me. Ano ba to, bading?


"What?" —Tanong ko. Tumawa siya ng malakas kaya naman napakunot ako ng noo ko. Pareho kaming nakaupo pero alam kong mas matangkad siya. Kahit na lalaki rin ako ay masasabi ko na gwapo siya. Ang kabuuan niya ay hindi nagpapakita ng kahit na katiting na senyales ng kabaklaan.

"Two possible reason why you're here. First, you're broken hearted. Second, feeling broken hearted."

"Tss."

"So, alin ka sa dalawa?"

Alin nga ba ako sa dalawa? "None."

Tumawa na naman siya. Ibang klase din 'tong lalaking 'to. Humor pa ba ang tawag diyan? Mas malala pa siya kay Kris. "None isn't an option. Feeling broken hearted ka."

"Leave me alone."

"May dahilan kung bakit ako nasa harapan mo. Maaaring mabago mo ang takbo ng buhay ko o kaya naman ay ako ang makapagpapabago ng buhay mo."

Napakunot na naman ako. Anong pinagsasabi ng isang 'to. "How will I change your life?"

"Or how will I change yours."

"Sino ka ba?" —Tanong ko. Pinapainit kasi niya masyado ang ulo ko. Wala ako sa mood para makipaglaro sa kanya.

"I'll tell you mine after you tell me yours."

Lalaki ba talaga 'to? Bakit sobrang kulit? "Fine. I'm Xyrus."

"Cyrus as in C? Or Xyrus as in X?"

"The X one."

"I'm P. I, call you X. You, call me P."

Hindi lang siya makulit. Isa din siyang weird. "Tell her." Utos niya sa akin.

She's YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon