< Xyrus Benz Cosimūs’ PoV >
Dalawang beses kong muling tinitigan yung nasa first place. Pangalan nga ni Anna ang nakasulat dun.
“Ang galing mo girlash, kita mo. Pang-first place talaga yung brain mo e.” –Maingay na puri ni Dann kay Anna. Medyo malapit din kasi sila sa amin kaya naririnig namin ang usapan nila.
“Oo nga. Kala ko pa naman majo-jomba ka sa History. Abay tingnan mo nga naman, 4 lang ang mali mo. Sigurado ako, history yun noh?”
“Kelangan nating mag-celebrate! Dali, treat ni Bakla.”
“Excuse me.” –Pagsingit ni Kris sa kanila. Humarap naman sila sa amin at tiningnan kami isa-isa. “Congrats nga pala.” Ngumiti lang naman sila Jade at nagpaalam na aalis na.
“Kris, bakit mo naman sila kinongratulate? Hah?” –Tanong ni Laida nang makaalis na silang apat.
“Hindi mo ba narinig yun?”
“Ang alin?”
“May celebration daw sila. Treat ni Dann. Gobernador tatay nun. Sigurado, marami-raming handaan yun.”
“Ano naman?”
“Gusto ko kasi sanang sumama.”
“Ang cheap mo talaga!”
Muli kong tiningnan ang papel na naglalaman ng resulta ng Part 1 ng elimination. Pagkatapos ay nagsimula na akong maglakad palayo sa Main Building. Nagsisunuran naman sila Kris.
“Ang galing ni Anna, almost perfect daw niya yung exam. And first time daw yung score na yun sa history. Take note, na-beat niya yung score ni Xyrus last year.”
“Oo nga, 6 mistakes noon si Xyrus e.”
“And ngayon? Six mistakes ulit siya. Tie naman sila ni Jeanne.”
“Magaling din si Jeanne a.”
“Pero mas magaling si Anna.”
“Di ba may issue pa sila? Kanino ka na kakampi niyan?”
“Syempre kay Jeanne pa rin. Siya yung biktima e.”
Pinag-uusapan sa bawat sulok ng school ang naging resulta. Bawat madaanan namin, panay ang puri sa talino niya.
“Oh ano tayo ngayon? Nganga!” –Maingay na pang-aasar ni Kris nang makaupo na kaming apat.
“Leading pa rin naman tayo e. Lahat tayo pumasok sa ten. We have 2.5, 4, 6 and 8.”
“But they have the first. We are leading but she is leading.”
“Ano naman kung nasa kanila yung first?”
“Ewan ko sayo, Laida. Hindi ka naman magpapatalo kung nasa usapan si Anna. Ayaw mo sa kanya kaya pipilitin mong maging mali ang lahat ng tama sa kanya.”
“Lalala. Wala akong naririnig, Kris.”
“Alam mo, Laida. Mas pinahihirapan mo ang sarili mo kesa sa mga taong ayaw mo.”
“You should rot in hell!”
“Ooops. Wag ka ng magsalita. Malala na e. Simula ba naman nung huminga ka, nauso na yung air pollution.”
BINABASA MO ANG
She's Yours
ChickLit"She is not my type. She is never been my type. And she will never be my type."