< Xyrus Benz Cosimūs’ PoV >
Nagpaka-busy muli kaming apat sa pag-aaral kaya late na rin kami natapos. Gustong-gusto rin kasi naming manalo laban sa grupo nila Anna. Kung kanina nga na si Anna lang ang kalaban naming apat ay nagawa niyang ma-perfect ang tatlong naunang subjects at magkamali lang ng 8 puntos sa History part, pano pa kayo kung apat na sila bukas?
Malapit ng mag-11PM kaya nagpaalam na rin kami sa isa’t isa. Nauna naman na si Kris sa akin dahil sinabi kong mag-aayos pa ako ng laptop ko. Nang matapos ako ay lumabas na ako ng building.
Baaaaaaaaaaaaaaag
Rinig kong ingay mula sa likod ng isang building habang naglalakad ako pauwi sa cabin ko. Madilim na at malapit na ring sumapit yung curfew hours. I’m pretty sure that it was a noise cause by Anna Grecque. Who else would sneak around this late of the night? She’s the only one. Definitely the only one.
But I didn’t expect na makikita ko sa ganitong oras ng gabi ang isa pang babaeng kilala ko. I immediately hide on one of the trees near them.
“Nice job, Anna.”
“What are you doing here?”
“I just want to congratulate you.”
“During this time of the night? That’s so kind of you.”
“Hahaha. Bakit ba kailangan nating mag-plastikan?”
“Hindi ako. Baka ikaw. Jeanne.”
“Hahaha. Enough with that. Sana galingan mo. Mas galingan mo pa. I hope to see you on Thursday.”
“Then I should be thanking you.”
Pagkatapos nun ay umalis na si Jeanne. Simpleng usapan ang meron sa kanila pero parang ibang tao si Jeanne. Yung kilalang Jeanne ko kasi ay palangiti. Kung tumawa naman ay parang batang inosenteng-inosente sa mundo. Pero kanina, ibang-iba. Parang sobrang mature.
“What now, Cosimūs?” –Tanong ni Anna kahit hindi pa man ako nakakalabas sa pinagtataguan ko.
Mukha ngang nakita niya ako kanina. Wala naman ng dahilan para magtago pa ako kaya lumabas na rin ako. Lumapit ako sa kanya. Hindi ko siya nilingon. Nakatingin lang ako sa mataas na bakod na aakyatin niya.
“Where’s your ladder?”
Napansin ko kasing wala yung kahoy niyang hagdan. Nung mga nakaraang gabi na nakikita ko siyang lumalabas ng campus ay gamit niya lagi yun. Nakapagtataka, wala yun ngayon.
“It was destroyed.”
“By whom?”
“Probably by my haters.”
“Alam nila?” –Medyo kabado pang tanong ko.
“Of course not.” –Mabagal na sagot niya na ikinaluwag naman ng hininga ko. Akala ko kasi ay may iba ng nakakaalam. “Ikaw lang.” Dagdag niya na ipinagtaka ko. “Ikaw lang ang nakakaalam na lumalabas ako ng DIU tuwing gabi.”
BINABASA MO ANG
She's Yours
ChickLit"She is not my type. She is never been my type. And she will never be my type."