< Anna Grecque's PoV >
Malapit na ang curfew nang dumating ako sa dorm. Wala si Jade at first time ito. 6PM pa lang kasi ay nandito na yun.
Pagod na pagod akong humiga sa kama ko. Minamasahe ang kamay ko at ang sintido ko. Maganda na ang pakiramdam ko ngayon since naibigay ko na kay Xyrus ang sulat ko. Masaya ako dahil panigurado bukas ay okay na ulit kami.
"Jade." -Tawag ko kay Jade nang makapasok siya sa kwarto namin. Medyo tulala ito at mukhang may iniisip.
"Anna! Nandito ka na pala. May inasikaso lang ako sa Club kaya ngayon lang ako nakauwi." -Pagpapaliwanag nito kahit na hindi naman ako nagtatanong. "Kumain ka na ba? Ipaghahanda kita. Wait lang." Sabi nito at pumunta sa kusina.
"I'm not hungry."
Tumango si Jade at nagpaalam na maliligo muna saglit. Hindi ko na siya hinintay pa at natulog na. Aaminin ko, excited ako na magkaayos na kami ni Xyrus. Ang makita siyang may galit sa akin ay mabigat talaga sa dibdib. Kaya gustong-gusto ko na maayos na ang di pagkakaunawaan sa amin.
KINABUKASAN. Maaga ako nagising para sa araw na ito. Tulog na tulog pa si Jade nang maligo at makatapos ako. Nang aalis na ako ay ginising ko siya at nagpaalam na may aasikasuhin ako.
"Ang aga mo talaga. Hindi ako makapaniwala."
Tuwang-tuwa si Jade nang lumabas ako ng Cabin at ganun din ako. Sa hindi maipaliwanag na bagay ay masaya ako sa araw na ito, bagaman hindi pa kami nagkikita ni Xyrus ay nasisiguro ko na magiging maganda ang takbo ng araw ko ngayon.
Yung huling araw na naramdaman ko ito ay nang umuwi galing ng ospital ang mommy ko. Tandang-tanda ko pa kung papaano isayaw ni daddy ang mommy ko pagbaba nito ng sasakyan. Sabik na sabik ang parents ko na mayakap ng mahigpit ang isa't isa. Wala na lang kaming nagawa ng kapatid ko kundi ang tumawa at sabayan sila pagpasok sa loob ng bahay namin. Walang katapusang saya ang naramdaman ko ng araw na iyon. Kahit na anong mangyari ay isa yun sa mga pangyayari na nakatatak sa isipan ko kahit na sampung taon pa lang ako nun.
At ang sayang ito ay pumapaibabaw sa puso ko ngayon. Nang makarating ako sa LD Building ay nakita ko kaagad si Leo. Hindi ko man inaasahan na nandito siya ay hindi ko ito pinahalata. Ngayon na lang muli kami nagkita matapos ang hindi magandang encounter namin ni Xyrus sa kanya. Wala na akong narinig pa tungkol sa kanya matapos nun. Kaya naman hindi ko inaasahan na makikita ko pa siya.
"I thought you won't be able to finish this." -Sabi nito habang pinagmamasdan ang gawa ko. Nagtaas ako ng kilay sa kanya na nakita rin naman niya. Tumawa siya ng bahagya para bawiin ang sinabi niya. "I mean this is a masterpiece. I just cant believe. You worked alone. No one helped you. Even the background, your brain is just amazing."
"I believe it was my determination." -Sabi ko at inilapat ang huling piraso ng cubes upang tuluyan ng mabuo at matapos ito.
"I'm sorry. I know you're taken though your relationship is quite failing." Sunod na sabi niya. "You know what, I really want to help you while building this but looking at you while working, makes me move back. You, being so determined, is a must to be watch."
Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya rito. Hindi ko rin gusto ang presence ni Leo malapit sa akin. Sa amin ni Xyrus. Sa tuwing nakikita ko siya ay pakiramdam ko ay naghahanap lamang siya ng gulo.
![](https://img.wattpad.com/cover/12362799-288-k887107.jpg)
BINABASA MO ANG
She's Yours
ChickLit"She is not my type. She is never been my type. And she will never be my type."