< Xyrus Benz Cosimūs’ PoV >
“Congratulations! We have it today the set of our contestants for the upcoming Brain Quest. I would like to congratulate all the participants especially the winners.”
Malakas na hiyawan at palakpakan ang maririnig mo sa buong gym. Marami ang nagdidiwang at nagkakatuwaan. Meron din namang mga nalulungkot sa parte ng mga natalo pero mangilan-ngilan lang ang mga ito.
“Again, we have Isabel Nava for English Proficiency, Kristoffer Chen for Philippine History, Jade Gonzales for Science Proficiency and of course, Jeanne Kimberly Fernandez for Mathematics.”
Nanalo nga si Jeanne at natalo naman ako. Natutuwa ako dahil nanalo siya pero hindi ko lubos na maipakita ang galak ko dahil marami akong gustong malaman. Marami akong tanong na kahapon ko pa hinahanap ang sagot pero wala ding nangyari.
Saya ang mababakas mula sa mga taong lumapit pa kay nila Jeanne na nasa stage pa rin. Panay ang pagbibigay ng congratulations ng mga ito sa kanilang apat. Masaya si Kris, si Isabel at si Jade. Pero hindi si Jeanne. Halata sa mukha niya na gustong-gusto na niyang umalis sa kumpulan ng mga tao.
“Ang galing mo Jeanne!”
“Idol talaga kita e.”
“Hindi ka lang matalino, mabait ka pa!”
“Congrats sayo!”
Pagod si Jeanne. Kitang-kita ito sa ekspresyon ng mukha niya. Kahit nung elimination, ganun din siya. Para bang tamad na tamad siyang sagutan ang test paper na nasa harap niya. Pero tinapos pa rin niya. Siguro, kung hindi ko hiniling sa kanya na maging fair sa akin ay di niya gagawin. Mas mataas ng 2 puntos ang nakuha niya kesa sa akin kaya siya rin ang idineklarang panalo.
“Let’s party!” –Malakas na sigaw ni Laida nang makarating kami sa bar na pagmamay-ari ng pinsan ni Kris.
Dito kasi nila ipinasyang i-celebrate ang pagkapanalo ni Jeanne at ni Kris. Pumayag naman si Andy kaya nagkaroon kami ng pass makalabas ng school. Kesa naman daw sa magdala pa kami ng beer sa school, dito na lang daw kasi mas okay dahil nasa labas.
“Jeanne, let’s go!” –Yaya ni Laida kay Jeanne na tahimik lang naman na nakaupo sa lamesa. Siya lang kasi bukod sa akin ang walang ganang mag-celebrate.
“I’m sorry. Ayoko.”
“Ano ka ba, bestfriend? Victory party mo to.”
“Pagsinabi kong ayoko, AYOKO! PWEDE BA WAG MONG IPILIT!”
Nagulat kaming lahat sa biglaang pagsigaw ni Jeanne. Buti na lang ay nag-request kami ng private room dahil kung hindi ay siguradong pinagtitinginan na kami. Napaatras na lang si Laida nang umakto ng ganun si Jeanne sa kanya.
We didn’t expect that she can totally shout like that. And the worst, sa harap pa ni Laida. She’s her bestfriend. Mabilis naman na lumapit si Vince sa kanya. Naalala ko tuloy yung sinabi ni Anna. Jeanne is always Vince’s ideal girl.
“Are you sick?” –Puno ng malasakit na tanong ni Vince kay Jeanne. Hinawakan pa nito ang braso ni Jeanne na ikinainis naman niya.
“LET ME GO!”
“Are you drunk?” –Sabi ni Vince na inamoy pa yung iniinuman ni Jeanne. Napasinghap naman siya matapos makumpirma ang amoy nito. Pumunta nga kami dito para uminom pero kanina ay pinagbawalan ni Vince si Jeanne na uminom dahil wala pa daw ito sa tamang edad.
BINABASA MO ANG
She's Yours
ChickLit"She is not my type. She is never been my type. And she will never be my type."