20th

568 57 23
                                    

< Xyrus Benz Cosimūs’ PoV >

FIFTH CLASS. Hindi na ako nakikinig sa teacher. Panay buklat ko na lang ng libro ko mula sa page na ‘to papunta sa page na yun. Maya-maya pa ay nabuhayan ako ng loob nang biglang bumukas ang pinto. Tuwang-tuwa ako nang makompirma ko kung sino nga iyon.

Dahan-dahang pumasok si Anna na para bang walang pakialam kahit napatulala yung teacher namin sa kanya. All eyes are on her. Nang marating niya ang upuan niya ay natulog na kaagad siya.

Muling ibinalik ng mga kaklase ko ang atensyon nila sa discussion ni Miss. Ganun din naman si Miss. Pero ako, pinagmamasdan ko lang siya. Sobrang himbing ng tulog niya. Mukhang pagod na pagod siya. Yung mga mata niya, kahit nakapikit ang mga ito ay mahahalata mong medyo namamaga. Para bang umiyak siya magdamag.

“Tulog pa rin siya?” –Tanong bigla ni Kris.

“Yes. You can go home first, may aasikasuhin pa ako e.”

“Sensiya na Xyrus, hindi pa ako uuwi. May date pa kami ni Jeanne e. Oh sige, bye bye.”

Maswerte si Jeanne dahil tanggap pa rin siya ni Kris. Kahit na naging dahilan siya ng medyo di pagkakaunawaan ng ibang tao, sobrang swerte niya dahil makikita mong mahal talaga siya ni Kris.

Natapos na ang klase namin pero hindi pa rin nagigising si Anna. Kadalasan, sa tuwing naririnig niya ang malakas na ring ng bell ay gumigising na siya para umuwi. But now, she’s still sleeping.

Nang mukhang tapos ng mag-ayos ng gamit si Jade ay lumapit siya kay Anna. Napansin naman niyang nakatingin ako sa kanya kaya nginitian din muna niya ako. Kaming tatlo na lang ang natitira dito.

“Gigisingin ko na siya. Baka maiwan siya ditong tulog.” –Pagpapaalam ni Jade sa akin patungkol kay Anna.

“No.”

“Huh?”

“I mean, I’ll stay until she wakes up. She looks so tired; better yet we can give her more sleep.”

Ngumiti muna ng nakakaloko si Jade bago siya um-oo sa sinabi ko. Alam ko na may ibang iniisip si Jade pero para bang ayokong makipagtalo sa kanya at hayaan na lang siya na isipin kung ano man ang gusto niya. I’m acting weirder than usual.

Nakatagilid ang ulo niya kaya hindi ko maiwasang tingnan ang mukha niya. Kinuha ko ang upuan ko at dahan-dahang inilagay iyon sa tapat ng upuan niya. Hinawi ko ang ilang strands ng buhok niya na nakaharang sa mukha niya para magmukhang maaliwalas ito. Hindi naman siya mukhang masama kung tulog siya. Hindi rin siya mukhang mayabang. Para nga siyang bata kung tutuusin.

“N-No, please. D-Don’t just go.”

Dahan-dahang sabi niya. Bumagsak pa ang isang luha mula sa kaliwang mata niya na para bang nananaginip siya ng hindi maganda. Ito ang ikalawang beses na narinig ko siyang magsalita habang natutulog pero para bang mas nakakaawa siyang tingnan ngayon. Halos ganyan din ang sinasabi niya, pero ang pinagkaiba noon sa ngayon ay umiiyak pa siya.

“N-Not now. I’m begging you. P-Please.”

Marami pa siyang sinabi pero halos pare-parehas lang ang mga yun. Nagmamakaawa siya na huwag siyang iwan o wag itong umalis. Hinawakan ko ang likod niya na para bang pinapatahan siya. Nakakagulat man pero tumigil na siya sa pag-iyak. Pinunasan ko ang mga luhang tumulo sa mata niya.

Wala akong ideya kung bakit ganito na lang siya kung magmakaawa sa sinumang tao na napapanaginipan niya na wag siyang iwan. I don’t have any idea. Pero the more I look at her, she looks so broken. This is the first time I’ve seen her so weak. The Anna I know for more than two months is so prided. So strong and very conceited.

She's YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon