Chapter 3

12.1K 394 6
                                    

DETECTIVE SERIES
Presents: I'm Inlove with My Orphan
By: Jen Lyn

CHAPTER 3:

Matapos bimpuha at palitan ay kinumutan muna ng matanda si Norman bago muling sinulyapan ito. Malaki na ito at nasa sapat nang gulang. Ganoon niya katagal na kasama ang dating alaga. Halos siya na ang tumayong ina rito kaya kilalang kilala niya na ito. Ngunit papaanong umiibig pala ito sa kanilang ampon. Hindi rin lingid sa matanda kung ano ang kaugnayan ng tunay na magulang ni Taka sa sindikatong kaugnay sa namayapang magulang ng lalaki.

Iniwan na niya ito at makapagpahinga na rin. Bukas na niya uusisahin hinggil sa bagay na narinig buhat rito.

Kinabukasan ay maagang nagising si Norman. Matapos makapag-imis ay agad na pumanaog at dumeretso sa poolside kung saan lagi siyang tumatambay kapag weekends at doon nagkakape.

Malayo pa siya nang marinig ang labusaw ng tubig buhat sa patutunguhan nang tumambad sa kanya ang napakagandang katawan ni Taka suot ang red two piece swimsuit nito.

Ilang sunod-sunod na lunok ang ginawa niya dahil sa kagandahang nakahatag sa harapan. Biglang nag-init ang buong paligid niya. Buhos ang atensyon sa dalaga nang agawin ng pansin niya nang makita ang lalaking minsang inuwi nito noon na nakaupo sa gilid ng pool at ngiting-ngiting nanunood sa dalaga.

Naningkit ang mata siya. Hindi siya sakim na tao pero bakit tila gusto niyang siya lang ang makakakita sa katawan ng babae.

"Oh..narito ka na pala Norman," agaw pansin ni manang Polly sa kanya habang hawak nito ang tray na kinalalagyan ng kanyang kape at diyaryo.

Dahil doon ay naagaw din ng pansin nina Georgina at Taka. Agad na napanganga si Georgina sa kaguwapuhan ng ama-amahan ng bestfriend.

Agad namang umahon si Taka dahil naiilang siya sa pagtinging pinupukol ng lalaki sa kanya. Lalo na at tila galit na naman ito sa kanya. Tinapis ang tuwalyang inabot ni Georgina sa kanya sabay bulong nito sa kanya.

"No wonder, hindi mawala ang pagtingin mo sa kanya. He's a real hunk. Very fafable," tili ng kaibigan.

"Magtigil ka. Tignan mo nga eh, nag-aala tigre na naman," aniya sabay pasimpleng lumingon sa lalaki.

Akala siguro nito ay kung ano na ang ginagawa nila ni Georgina. "Girl, huwag mo na kasi akong pigilan. If he knows that I'm a gay. Hindi siya magiging ganyan," seryosong wika ni Georgina sa kanya.

"Let him be. Kahit ano pang isipin niya. i don't care," aniya saka umupo sa tabi ng kaibigan.

Mas lalong nainis si Norman nang makitang tila nagbubulungan pa ang dalawa. Halos isang dangkal na lang ang mukha ng mga ito. 'Huwag mo akong susubukan Taka,' banta sa isipan niya.

Mga reaksyong pinagmamasdan ng matanda. Sa mga nakita sa mukha ni Norman sa sandaling iyon. Mas lalo lang napatunayang talagang may pagtingin ang lalaki sa ampon.

Bagay na pinangangambahan ng matanda. Masaya siya dahil kahit papaano ay may katugon ang pagtingin ng alaga rito ngunit masyado pang bata so Taka. Lalo na at hindi pa nito alam ang buong katutuhanan tungkol sa pagkatao nito.

Sa di kalayuan ang laging pinulwestuhan niya. Doon na rin linapag ng matanda ang kape at diyaryo niya.

"May kailangan ba kayo Manang?," tanong niya nang mapansing panay abg tingin nito sa kanya.

"Ah..Iho, pwede ba kitang makausap ng masinsinan. Okay lang mamaya," agap na wika saka bumalik sa loob ng bahay.

Nakiramdam lang si Dave sa dalawang naroroon. So far ay wala naman siyang makitang maling galaw ng mga ito.

DETECTIVE SERIES2: Inlove with My Ophan(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon