Chapter 8

11.3K 332 3
                                    



AGAD NA SINURI NI Taka ang hawak na report. Nakita mula roon ang petsa kung kailan nawala ang bata. "1994?," bulong niya. "It means kaedad ko ang anak ng mga Francisco?," sapantaha niya.

Napamulagat naman si Angelic sa sinabi niya. "Hindi kaya...." putol na wika ni Angelic nang makarinig sila ng lagitgit galing sa main door ng head quarter.

Agad silang nagtago upang alamin kung sino ang intruder nila. Nang makitang ang lider ng grupo ang papasok at duguan ito.

Agad silang lumabas sa kanilang pinagtataguan at sinaluhan ito. "Bossing..anong nangyari?," nag-aaalalang tinig ni Angelic.

Maya-maya ay nakarinig sila ng sunod-sunod na huni ng mga sasakyang paharurot na patungo sa kanilang head quarter.

Agad nilang inalalayan si Black Dragon upang dalhin sa secret room ng head quarter kung saan naroroon din ang ilang gamit ospital. Namangha si Taka sa nakitang secret room. Parang ospital kasi ito.

"Shhhh..." ani ni Angelic na nasa bungad at nakadikit ang tainga sa dingding na tila nang uusisa.

Napakagat labi si Taka ng makita ang pag-sirit ng dugo sa braso ng lider nila. Nakita niyang nakapikit na ito. Mabilis siyang dinaluhan at pinulsuhan ito. May pulso pa naman.

Maya-maya ay nakarinig siya ng mga tinig buhat sa labas. "COMPREHENDO!!" Tinig na galing sa labas.

Nang marinig iyon ni Angelic ay agad niyang binuksan ang secret passage papunta sa kanila. Iyon pala ang palatandaan na kasama nila ang mga ito.

Bumungad sa kanila ang mukha ng apat na kasamahan at isa pang babae. Kamukha ni Alexis ang isang babae at agad na dumalo sa lalaking nakahiga sa bed.

"Daddy, are you alright?," tinig ng babaeng katabi ni Alexis.

Napakunot noo siya. Nang biglang may bumundol sa braso niya. "Kapatid siya ni Alexis...anak ni bossing si Alexis," imporma nito.

Napatango-tango siya sa nalaman. Nakita niyang, hinawakan ni Haidee ang isang aparato saka pinasok kung saan may tama ng bala si Black Dragon.

"She's a nurse," bigay alam naman ni Winona sa kanya.

"Buti nakarating agad kayo?," tanong ni Angelic sa mga kasamahan.

"Yeah..nang tumawag si Daddy. I contact them. Anyways, Haidee was there too," sagot ni Alexis.

Agad nilang binalingan si Haidee na abala sa panggagamot sa lider. Naka-combat gear nga ito. Nasa operasyon pala ito ng kanyang misyon.

"Oh..then why you don't call for a back up?," ani ni Sundee.

"Di ko alam na hahantong kami sa putukan. We're just there to install some CCTV nang may makakita sa amin?," wika ni Haidee habang tinatahi na ang sugat ni Black Dragon.

Matapos tahiin ay ininjectionan niya ng pampakalma ang lider para marelax ang muscle at makatulog para hindi niya masyadong masamdaman ang sakit at kirot.

"Haidee is holding the Villarica mission, right?," tanong niya kay Angelic na nasa tabi.

Tumango ang kasamahan bilang tugon. Kailangan niyang maging madikit kay Haidee dahil mukhang ito ang maging susi ng pagkakalutas ng kanyang misyon.

Nang makalabas sila sa secret room ay kaniya-kaniya na sila. Agad na nilapitan ni Taka si Haidee. "Hi!," bati rito.

"Hi," ganting tugon naman nito.

"I just wanna know more about Villarica," deretsahang wika rito.

Napatingin sa kanya ito. Nagtataka ang mga mata. "Ah...ah..because I find out na may kaugnayan din ang mga ito sa kasong hawak ko..." aniya.

DETECTIVE SERIES2: Inlove with My Ophan(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon