Nasa silis na si Taka at padapang nahiga sa kama. Yugyog ang balikat katunayang umiiyak na naman siya. "Ang lupit mo. Ang lupit-lupit mo.." atungal niya habang pinagsusuntok ang kanyang unan.Isipin pa lang niyang malalayo siya sa lalaki ay tila mamatay na siya. Mula nang lumaki na siya ay hindi na siya nahiwalay rito. "Bakit? Bakit ?," himutok pa ring wika sa sarili.
Para sa kanya sapat na sanang makita ang lalaki. Kahit hindi siya nito pansinin. Pero nakapagdesisyon na pala itong ipadala siya sa Amerika. Para tuloy siyang pinagsakluban ng langit kanina.
Samantala. Naiwan namang natitigilan si Norman. Alam niyang mahirap iyon para sa babae ngunit iyon ang nararapat.
Nilamukos na lamang ang mukha saka sinapo ang mukha. Tanda nang panlulumo.
"Huwag kang mag-alala. Ganyan lang sa una masakit. Nasa tamang edad ka na Norman at alam kong ang desisyon mong ito ay tama," tinig ni Manang Polly.
"Hindi ko alam manang," lumong wika pa rin.
Hinawakan siya sa balikat nito. "Hayaan mong hanapin muna ni Taka ang sarili nito. Napakabata pa niya, alam kong marami pang mangyayari sa buhay niya," dagdag pa ng matanda.
Tama ito. Ayaw naman niyang agawin ang kaligayahan ng babae.
"Hayaan mo at kakausapin ko siya upang maliwanagan. Na wala kang intensyong masama sa pagpapadala rito sa Amerika," dagdag pa ni yaya Polly.
Bilang nakakatanda at taga pag-alaga ng mga ito ay siya ang gagabay sa kanila. Ayaw niyang darating ang araw na pareho ang mga itong masaktan.
Nang mapaliwanagan si Norman ay agad na pumanhik upang tignan ang alaga. Nagdala na rin siya ng makakain ni Taka dahil hindi na ito nakakain dahil sa sinabi ng ama-amahan.
"Taka..." tawag sa alaga. Saka pinihit ang seradura ng pintuhan. Tumambad sa kanya ang nakadapang dalaga at yugyog ang balikat katuyang umiiyak na naman ito.
Wala na yatang gabing hindi ito umiiyak. Halos madurog ang puso niya kapag nakikitang bakatanaw ito sa malayo o nakikitang masaya si Norman kasama ang ibang babae.
"Taka..." ulit na tawag sabay haplos sa likod nito.
"Yaya. Bakit ganoon siya. Bakit ang lupit niya..." sunod-sunod na sumamo ni Taka sa yaya nito.
"Shhhh....tama ang desisyon ni Norman, Taka. Baka ito na rin ang kailangan mo para malaman mo kung tunay ang pagtinging pinupukol mo sa kanya. Baka kailangan mong lumayo muna sa kanya," paliwanag sa kanya nito.
"Pero yaya..." aniya saka bumuntong hininga. "Hindi ko kaya.."
"Nasasabi mo lang iyan dahil hindi ka pa nalalayo pero kung nasa Amerika ka na marami kang pwedeng gawin," dagdag pa nito. "Saka bata ka pa Iha, malay mo sa Amerika ay makatagpo ka nang lalaking mamahalin mo at mamahalin ka rin."
Napatigil si Taka sa sinabi ng yaya. May punto naman ito pero naiiyak pa rin siya sa kaalamang malapit nang hindi makita ang lalaki.
"Tahan na ha. Huwag ka nang umiyak. Lahat may plano ang Diyos. Kung kayo para sa isa't isa ay kayo talaga. Harangan man ng sibat ay walang makakapigil pa.
Matapos ayusin lahat ni Norman ang papeles ni Taka ay palipad na ang babae. Wala na talagang atrasan.
Isipin pa lang ni Taka na aalis na siya bukas ay tila nagbabadya na namang lumuha ang mga mata.
"Huwag ka na namang umiyak na bata ka. Hindi ka pa ba napapagod," naiiyak na ring sermon ng maanda. Batud niyang ma-mimiss din siya nito.
"Basta, ingat mo sarili mo doon ah," anang ng yaya niya habang iniempake ang ilang gamit niya.
BINABASA MO ANG
DETECTIVE SERIES2: Inlove with My Ophan(Completed)
Fiksi Umum"I am your father, you must respect me!," galit na sigaw ni Norman kay Taka. Sa kabila kasi ng kabi-kabilaan niyang paninirmon dito ay hindi nakikinig ang dalagita sa kanya. "I doubt it. You're not my father and I will never ever be your daughter,"...