Chapter 9

10.3K 335 8
                                    

DETECTIVE SERIES
Present: I'm Inlove with My Orphan
Norman & Taka
By: Jen Lyn

CHAPTER 9:

NAISTATWA SI TAKA nang biglang may humawak sa braso niya. Hindi tuloy siya nakakilos dahil sa kabiglaan.

Ang bilis ng sasal ng dibdib niya. "Taka, are you alright?," tinig ni Haidee sa kanya.

Tila nabunutan siya ng tinik sa dibdib ng mapagsino ang nagmamay-ari ng tinig.

"Yah, Sundee is here," aniya sabay turo sa loob.

"Yeah I know. Come here?," anito akay sa kabilang bahagi. Doon mas malaya nilang napag-aralan ang lugar kung papaano maitatakas ang kasamahan.

"Shhh..." rinig na wika ni Haidee. Nakarinig sila ng ugong ng sasakyang papalapit sa lugar nila.

Ilang minuto pa ay dumating din ang sasakyang narinig. Isang innova at bumaba buhat doon ang isang guwapong lalaki.

Napatingin siya kay Haidee na tila ba humihingi ng katanungan sa mga tanong sa kanyang isipan.

"He's Samuel Del Monte.."isang business tycoon na pinaghihinalaang siya ang nagpapasok ng mga smuggle luxury car galing Vietnam at Thailand," paliwanag nito habang nakatanaw sila sa mga ito.

Naisip niyang wala pa siya masyadong alam sa grupo kahit isang buwan na siya. Kailangan niya rin palang malaman ang misyon ng bawat isa sa kanila.

Nang ganap na makapasok ang lalaki ay agad na humarap ito kay Sundee at hinanawakan ang magkabilaang pisngi ng kasamahan.

Natiim silang nakatingin kung ano ang gagawin ng lalaki nang bigla niya itong halikan sa labi si Sundee.

Gulat ang bumalatay sa mukha nilang dalawa. Tila lumamlam naman ang mata ni Haidee nang makitang tila naiiyak si Sundee habang magkahinang ang mga labi nila ng lalaki.

Buhos ang pansin nila sa pagmamasid kaya hindi nila namalayan ang paglapit ng ilang tao sa kanila. "What are you doing here?," sita ng tinig.

Agad silang nalalingon sa pinanggalingan ng boses at nakita ang mukha ng kasamahang sina Angelic, Alexis at Winona. "Ssshhhhh..." agap ni Haidee sa mga ito nang tila tatalak pa si Winona.

At tuluyang nakiusyoso na rin sa kanilang tinitignan. Maging ang mga ito ay puno ng pagkagulat at pagtataka sa kani-kanilang mukha.

"Holy shit!..don't tell me magagaya rin siya sa'yo Alexis...." maang na wika ni Winona.

Nang makitang tila niluwagan ng lalaki ang tali ni Sundee. Aksidenteng napatingin si Sundee sa direksiyon nila. Kumaway at suminyas si Angelic. Nakita ni Taka kung papaano sumalakay ang mga kasaman.

Walang nagawa ang dalawang bantay at ang lalaking kanina ay humalik kay Taka. Yuko ang mga ito at hindi man lang nakabunot ng baril.

Napahanga siya ng mga kasamaan. Napakabilis nasukol ang mga kalaban.

"Mr. Del Monte, maswerte ka dahil wala pa kaming matibay na ebidensiya pero kapag nagkataon. Wala kaming sinasanto..." maratag na wika ni Winona sa lalaki ng susuntukin sana niya ito ay agad na umagap si Sundee.

Nang biglaang umatingawngaw ang mga putok ng baril. May kasama pala ang lalaking dumating.

Humanda si Taka. Unang engkuwentrong makikisagupa siya. Nang makita ang isang lalaking babarilin sana si Alexis ay agad niya itong binaril. Sapul ito kaya natumba ngunit di niya alam na hindi niya ito napuruhan.

Nakatakod na siya nang biglang may bumaril at namanhid ang kaliwang hita niya. Hanggang sa makarinig din siya ng sunod sunod na putok galing sa kung saan.

DETECTIVE SERIES2: Inlove with My Ophan(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon